053

449 17 25
                                    

— art's. [ ♪now playing: 8 letters - why don't we]

"anak, the foods are ready. nasaan na sila calli? sinama na sana niya sila ethan, si jake?" i looked at mom, na sobrang abala sa pag aayos ng pinggan sa may table.

"busy sila ethan, ma. and eto, chachat ko na yung tatlo." naupo ako sa couch, saka binuksan yung messenger ng phone ko para sana ichat na yung tatlong tanga pero unang una kong nabasa yung name ni jay.

kaya agad nag react buong pagkatao ko. grabe, naghost na ko't lahat lahat, pero basta kapag si jongseong talaga, hindi magbabago reaction ko. ng buong pagkatao ko.

paano naman tayo makaka move on?

napailing ako, saka mabilis na inopen yung chat niya.

Park Jongseong
active now

hey, artemis

may nabuhay yata na
patay hahahahaha

pinapatay mo na ba
ako?

medyo lang hahaha

i'm here, infront of
your house

let's talk, artemis

shuta |
anong ginagawa
mo dyan?

i said let's talk, kaya
nga ako nandito

pwede naman tayong
mag usap dito sa chat
jay hahahahahaha

i also wanted to see
you. i missed you,
artemis

ayan ka na naman,
pinaglalaruan mo
naman puso ko |

— ♡

mahigpit kong hinawakan yung phone ko, nang makita si jay na nakaupo sa tapat ng bahay namin. nakatalikod siya mula sakin, nakayuko rin. looking at him from here, nararamdaman kong may mali.

i deeply sighed, bago tuluyang lumapit sa kanya.

"park jongseong" bungad kong tawag sa kanya. he quickly stood up, at humarap sakin. madilim na, pero parang lumiwanag bigla yung paligid dahil sa kanya.

gusto ko talagang magalit sa kanya, for not considering my feelings kahit manlang bilang friend niya. kasi, siya na mismo naman nag sabi sakin na kaibigan niya ko. he should've considered my feelings.. talked to me.. and clear everything to me.. selfish ka, park jongseong.

pero pakshet naman. sa pagtama ng tingin naming dalawa, parang gusto ko nalang rin maging okay kami. bumalik kami like before, kahit as friends nalang talaga. hindi ko na ipipilit yung feelings ko for him, basta nandito lang siya sa buhay ko.

i can't even deny that i missed him.. so much

nag titigan lang kaming dalawa, when he suddenly smiled. which is not usual. never naman kasi siyang ngumiti, directly sakin, na para sakin talaga.

"it's nice seeing you.. here, infront me. yung ikaw lang, walang sunghoon." ramdam na ramdam ko na natutunaw puso ko sa soft, low toned voice ni jay ngayon. istg

i just smiled.

"ano bang pag uusapan natin? importante ba? na nandito ka pa ngayon, kahit medyo late na." ngumisi ako, kahit shuta nasasaktan talaga ako by just looking at him.

ang lapit niya pero parang ang layo parin. gets niyo ba?

jay straightly looked into my eyes.

"umalis na si oli kanina, and went back to australia." napakunot agad ang noo ko sa sinabi niya. sobrang naguguluhan ako, like wtf?

tumawa ako.

"ah, kaya ka pala pumunta sakin ngayon para lang pag usapan natin yung pag alis niya?" tumawa ako ulit saka umiwas ng tingin.

gusto ko nalang pumasok sa loob, at iwan siya dito.

"and also to say that i missed you." muli kong binalik ang tingin kay jay. pakiramdam ko sa mga oras na 'to, in this very moment, pinaglalaruan niya ako. yung feelings ko, for him.

"ang funny mo jay, bakit hindi mo try maging clown?" i can't help but smirk. literally. 

"what's with the attitude, artemis?" ay hindi mo alam? so hindi ka aware na nasaktan mo ako? okie

lumapit si jay sakin pero agad akong umatras.

"are you mad?" tinitigan ko si jay. seryoso ba siya?

nasasaktan ako jay, hindi ako nagagalit. bakit hindi mo alam?

"i'm asking you—" bahagyang tumaas ang boses ni jay. look at him and his patience.

"hindi ako galit, jay." i just smiled.

"stop showing me that fake smile."

malapit na tumulo luha mo, art. lumayas ka na dyan, shuta ka.

"umuwi ka na. good night." tumalikod si ako sa kanya pero naramdaman ko ang mabilis na paghila ni jay sakin pabalik, at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap.

yakap na, kayang tunawin at alisin lahat ng nararamdaman ko in this very moment.

yakap na dati ko pa talaga gustong ibigay sa kanya.

"happy birthday, artemis." ngumiti ako, kahit pa hindi niya kita. trying my best not to cry.

bitaw, art.

bahagya kong tinulak si jay papalayo sakin.

"go home." tuluyan ko na siyang tinalikuran, dahil malapit na talaga akong umiyak.

pero hindi pa man ako sobrang nakakalayo, nagsalita siya ulit.

"art, can i give you some problems to solve?" naguguluhan ako sa tanong ni jay na 'yon, kaya nilingon ko siya.

he smiled again.

"8 letters, artemis. 8 letters."


a/n: happy birthday, artemis! ♡

"𝕋𝕌𝕋𝕆ℝ" ʲᵒⁿᵍˢᵉᵒⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon