IASWAK30

697 80 6
                                    

Amy's Pov

Nandito na ako sa may airport ngayon napag usapan kasi namin ni jaydee na dito nalang kami magkita nung nagkausap kami kagabi.

Mga 9am pa naman yung flight namin pa batanes at magsi 7:45 palang naman ng umaga ngayon , tinatry ko nang tawagan siya dahil wala man lang akong nakuha update galing sa kanya.

Wala namang jaydee ang sumagot sa tawag ko kaya tinext ko nalang siya , baka kasi nagdadrive na siya at nasa bag niya yung cellphone niya at hindi niya makuha yun.

Ilang minuto na ang nakalipas at wala padin akong kaalam alam kung nasaa si jaydee ngayon , may biglaang nag notif naman sa cellphone ko.

From: Babe💖

Amy? Pasensya kana at mukhang hindi ako makakapunta dyan ngayon may emergency kasing nangyari eh , babawi ako sayo babe promise ko yan , papunta na dyan ngayon si Laney siya nalang muna yung sasama sayo sa batanes okay? Happy Monthsarry Babe and Im sorry talaga ah I love you💕

Bakit ngayon niya lang sinabi na hindi pala siya matutuloy? Hay nako jaydee mag iisang oras na akong nandito tapos ayan lang sasabihin mo.

Kung may emergency man bakit hindi niya magawang sabihin sa akin? Hays ewan bahala na nga lang.

OTPC

"Hello bhiee?" Unang bungad na sabi ni bebang sa akin, napakamot ulo naman ako dahil sa lakas ng pagkakasabi niya.

"Nasaan kana ngayon bebang? Ikaw daw ang makakasama ko papuntang batanes ah? Otw ka naman na siguro no?" Tanong ko sa kanya, tila bay nanahimik naman siya ng ilang segundo bago sagutin ang tanong ko.

"Oo on the way na siya papunta dyan amy , wait mo lang ah! Mag enjoy kayo hehe" anong papunta na siya sinasabi ng babaeng to? Mag enjoy eh siya nga yung makakasama ko eh.

"Sinong siya pinagsasabi mo bebang? Ikaw ang kasama ko ah? Hoy babaita ka!" Medyo nakakaramdam na ako ng kakaiba habang kinakausap ko ngayon si bebang ano na naman kayang naisip na kalokohan ng babaeng to.

"I wish the very best for you amy kaya sana maging masaya kayong dalawa , cupid kaya ako sa past life ko hahah" cupid pinagsasabi nito? Wag niyang sabihin na si coleen yung pinapunta niya dito upang sumama sa akin sa trip to batanes? Hmp wag naman sana.

"Huh sinong siya ba pinagsasabi mo? Bebang? Bebang!" Abay ang lakas ng tama ng babaeng ito na patayan ang ako ng tawag ng ganun ganun na lang , uupakan ko talaga to pag nakita ko siya sa personal.

EOTPC

Nakatingin lang ako sa may relo ko at 8:40 na nga ngayon kaya napapaisip ako kung darating pa ba yunh sinasabi niyang sub niya daw muna.

"Amy?" Mapapamura nalang talaga ako sa gulat putchang laney yun ang sabi ko nga gusto kong makalimutan yung feelings ko sa taong ito tapos mas lalo pa kaming pinaglalapit , kaya pala nasabi niyang cupid siya in the past life eh kung gilitan ko kaya siya sa leeg ngayon.

"What the heck? Wag mong sabihin na pinapunta ka dito ngayon ni bebang ay este ni laney?" Mabilis na tanong ko kay coleen at napatingin ako sa hawak niyang maleta ngayon , please hindi ikaw yun diba.

"Yeah tama ka , bigla niya nalang ako tinawagan eh tapos sinabihan na magdala ng damit dahil magbabakasyon daw tayong dalawa sa batanes hehe" napabuntong hininga nalang ako sa sobrang inis ko humanda ka talaga sa akin bebang.

"Fudge! Takte ka talaga bebang , wag na joke lang yun coleen umuwi kana at uuwi na rin ako , sa susunod nalang ako pupunta ng batanes" sabi ko sa kanya at tumalikod na at nagsimulang maglakad ngunit napahinto ako nang bigla niya akong hawakan sa may braso ko.

"Hoy wait lang  , ituloy na natin sayang yung ticket na to oh at tsaka never pa din akong nakapunta ng batanes eh kaya tara na amy!" Sabi niya sa akin sabay kuha nung maleta ko at hinila din ako papuntang way kung saan ang waiting area.

"Coleen saglit lang naman----" pagrereklamo ko hindi kasi ako makasabay sa lakad niya lalo na at hinihila niya ako baka kasi madapa ako ngayon sa ginagawa niya.

"Wag ka nang umangal maiiwanan na tayo ng eroplano oh malapit na mag 9am amy" sabi naman niya medyo labag man sa loob ko ngunit wala na akong nagawa , sayang nga naman kasi talaga.

Maya maya ay nakasakay na kami ng eroplano , medyo kabado ako ngayon nasa may salamin ako banda nakaupo at kitang kita mo talaga ang tanawin pag nasa taas na.

Kinakabahan ako ng sobra dahio may fear of heights ako at tsaka nahihiya naman akong mag pa swap ng seats kay coleen.

"Kinakabahan ka no? Wag kang mag alala dahil nandito ako , palit nalang tayo ng pwesto ngayon na habang hindi pa paalis yung eroplano" sabi niya sa akin napangiti nalang ako dahil siya mismo ang nag alok , bumibilis naman ang pintig ng puso ko ngayon tanging siya lang talaga ang nakakagawa ng ganito sa akin.

"Hawakan mo tong kamay ko para hindi kana kabahan , paalis na yung eroplano at baka matakot ka pagpataas na" dagdag niya pa napailing naman ako ayoko nang gumawa ng mga bagay na ikaka fall ko lalo sa kanya.

"Hindi na okay na ako coleen salamat nalang ---- what the heck!" Nabigla ako nung tumaas na yung eroplano kaya sa sobrang kaba at takot ko ay napayakap ako kay coleen habang nakapikit.

Ilang beses na rin naman ako nakasakay ng eroplano ngunit natatakot talaga ako sa tuwing tataas yung eroplano o di kaya magti take off na.

"Oh diba sabi ko sayo matatakot ka eh haha pero okay lang yakapin mo lang ako kahit kelan mo gusto" sabi niya pa sa akin napakalas naman ako ng pagkakayakap ngunit hinila niya akong muli papalapit sa kanya at siya na ang yumakap sa akin ng mahigpit.

"Let's stay na ganito kahit ilang minuto lang amy , let me assume na mahal mo din ako kahit papaano" medyo malungkot na sabi niya fudge mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko ngayon sana hindi niya marinig.

Omg wag ka ganyan heart! Napaka ano moo masyado , kumalma ka baka atakihin ka sa puso sa sobrang pag palpitate mo ngayon.

Di ka naman mahilig magkape pero napaka praning mong tao , argh! napatigil naman ako sa pag iisip ng marinig ko ang mumunting hilik ni coleen.

Grabe ang bilis niya naman makatulog ah , tapos ganito pa yung posisyon namin ngayon baka akalain ng iba ay magjowa kami ,which is gusto ko naman sana kaso nga hindi maaari.

Madaming masasaktan pag pinili kong maging masaya , tinignan ko nalang siya habang natutulog siya ngayon.

Tinanggal ko na yung mga kamay niya at inilagay ko nalang yung ulo niya sa may balikat ko upang maging komportable siya sa pagtulog kahit papaano.







Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now