MVEN-20

77 62 5
                                    

"Happy birthday Lhorence Lexess!"

Masaya kong binati si Lexess pagdating namin sa bahay nila at iniabot ang aking regalo. Simpleng t-shirt lang naman yon na nabili namin kahapon ni Dave sa may malapit na mall.

"Thank you Belle. Tuloy kayo," saad niya at tumabi nang kaunti para i-welcome kami.

Halos lahat ng mga kaklase ko ay narito dahil inimbita niya halos kaming lahat. Kaya marami kami dito sa bahay nila, may ibang hindi namin kilala dahil siguro ay mga tropa niya noon.

"Happy birthday," maikling bati ni Dave tsaka iniabot ang regalo niya.

Ako ang pumili nang damit na yon kahit parang ayaw pa sana ni Dave na bilhin, pero sinabihan ko siya na ang sama naman tignan na pupunta kang kami dito para kumain kaya pinilit ko siyang bumili nang regalo.

"Salamat," nakangiting saad ni Lexess at tinanggap ang regalo.

Pumasok kami sa loob nang bahay nila at namangha ako sa ganda nang desinyo nito. Hindi modern ang design noon, parang antique style, pero ang gandang tignan nang bahay nila. May mga katulong din sila na naghahanda sa hapag. May malaking chandelier sa kanilang sala at pagpasok mo nang bahay nila ay makikita mo ang family picture nila nang parents niya at kasama ang lolo't lola niya.

"Upo muna kayo, nagbibihis pa sina lolo at lola," saad niya.

Tumango kami sa kaniya at umupo sa malaking sofa. Ang yaman nila, dahil sa desinyo palang nang bahay nila ay ang ganda na.

May mga picture parin na kompleto silang pamilya pero meron din na wala ang mama niya. Habang nakatingin ako sa mga larawan ay bigla akong napatingin sa mga babaeng pumasok sa loob nang bahay nila at tumutok lang ang tingin ko sa iisang babae. She's wearing their uniform at may bitbit pang bag, at pumasok na nang bahay. Nakita kong nagulat pa si Lexess nang makita ang babae.

"Dave," siniko ko ang katabi ko para makuha ang atensiyon niya.

"Hmm?" Sagot niya.

"Andito ex mo,"

Kita kong agad siyang napatingin sa pintuan nang marinig ang sinabi ko.

"Ano ngayon kung andito siya," walang pakialam na sabi niya.

"Pero tinignan mo parin," pagbibiro ko sa kaniya.

"Hayaan mo siya," saad niya.

"Hala affected parin siya," pang-iinis ko sa kaniya.

"Tumahimik ka na," utos niya.

"Luh, gusto parin ang ex,"

"Hindi ko siya gusto at iba ang mahal ko," sagot niya.

'Sana ako'

Tumahimik nalang ako kasi baka ako lang ang masaktan kapag mas lalo ko pa siyang kulitin tungkol sa ex niyang nandito.

Nang tumingin ako sa may pintuan nakita kong nakatingin sa'kin si Bea, ang ex ni Dave at ngumiti sa'kin kaya nginitian ko din siya pabalik.

Nakita kong naglakad ito papunta sa gawi namin at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Magkaklase kayo ni Lexess?" Tanong sa'kin ni Bea.

"Oo," maikling saad ko.

"Pinilit kasi ako nang mga kaibigan ko, kaya napadpad ako dito, hindi ko inexpect na makikita ko pala kayo d-"

"Bakit nakokonsensiya ka sa mga pinanggagawa mo?" Pagputol ni Dave sa sasabihin niya.

Agad kong kinurot ang binti ni Dave at pinandilatan siya nang mata, nang marinig ang sagot niya.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon