C5

679 74 3
                                    

Gabb's Pov

Nakaupo lang ako sa may gilid habang nakikinig sa pinagmi meetingan ngayon about sa upcoming games namin , hindi na lumapit sa akin si jaydee kasi alam niya na yung kasalanan niya.

Dahil lang naman sa kanya ay mga 1 month akong hindi makakalaro dahil may minor injury yung siko ko dahil sa pagkakatulak niya sa akin kanina.

I don't get it lagi siyang ganyan , yung feeling na parang okay lang sa kanya yung ginagawa niya pero maling mali naman para sa lahat , masasabi kong napaka selfish niya pero naiintindihan ko naman siya kasi nga sarili niya nalang din ang maaasahan niya.

Napatayo naman ako nang biglang lumapit at nakipagkamay tong bagong player namin na si Kielle , siya yung taong nakita kong panay lapit kay frances hindi ko alam kong close talaga sila kasi kakalipat niya palang dito sa Uni pero mahahalata ko na may tinatagong pagtingin to kay queen for sure.

"Hi I'm kielle it was nice to see you , Skribikin actually my sister was a fan of yours,. Dito kasi siya nag aaral sa university kaya kilalang kilala na kita , I really hope na maka close kita dito" sabi niya ako naman ay nginitian lang siya , hmp mukhang mabait naman siya based sa boses niya.

"Oh that's nice , Gabbo nalang itawag mo sa akin Kielle?! Siya nga pala mauna na ako ah may klase pa kasi ako ngayon, see you sa praktis bukas" Nakangiting sabi ko sa kanya at tsaka tinapik yung balikat niya , natapos na kasi yung meeting at kailangan ko nang magpunta ng classroom.

Natigilan naman ako sa paglalakad nang bigla niya akong tawagin at napalingon naman ako kaagad.

"Gabbo? Class A ka din diba? Sabay na tayo papuntang classroom?! Kung okay lang naman sayo bro?!" Sabi niya sa akin sinenyasan ko naman siya na tara na at tsaka napatingin din ako kay jaydee na ngayon ay nakatingin lang ng diretso sa akin.

Inialis ko na agad yung tingin ko sa kanya , i just want her to reflect sa mga ginagawa niya , hindi ako galit dahil sa nasaktan ako dahil sa pagtulak niya but yung the way na inormalized niya yung mali? Ayun ang hindi ko nagugustuhan.

"Ahm gabbo? Di ba close kayo ni Garcia? Bakit di kayo magkasama ngayon ah?" Tanong niya naman na ikinabigla ko , hindi ko alam bakit nag pi feeling close na siya agad.

"Kasi hindi kami magkasama eh? Nakikita mo naman siguro? At hindi porket close kami ay lagi na kaming magkasama ganun" Pambabara ko sa kanya , wala na siya don kung hindi man magkasama , oo attitude ako bakit ba.

"Ahh I see , btw ako nga pala yung papalit sa iyo sa starting five for the meantime sabi ni coach hanggang sa hindi ka pa gumagaling" aniya niya sa akin tumamgo na lamang ako, mga important matches pa yung mami miss ko dahil lang dito sa kamay ko.

"Siya nga pala hindi pa man kita kilala ng lubusan ay napapansin ko na this past few days na malapit ka kay Frances?! Anong meron sainyong dalawa?" Diretsahang tanong ko sa kanya , napangiti naman siya sa tanong ko.

"We're friends , close friends to be precise , ang saya ko ngang malaman na dito na din siya nag aaral eh nang sa ganun ay may makausap din ako at tsaka nasaktuhan pa na kaklase ko siya" sabi niya sa akin nakikita ko sa kanyang mga mata na kumikislap ito at hindi ako pwedeng magkamali may gusto talaga siya kay frances.

"Kaibigan nga lang ba ang tingin mo sa kanya or more than that pa? Look I'm just asking lang ah dahil curious ako if hindi mo man sagutin ay okay lang naman" tanong ko sa kanya napatingin naman siya ng diretso sa dinadaanan namin na parang iniiwasang sagutin yung tanong ko.

30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now