C6

635 78 9
                                    

Author's Pov

Napapadalas na ang pag kakasama nila frances at kielle at hindi na nga iyun nagugustuhan ni jaydee pero hinahayaan niya lang yung dalawa na magsama.

Pati sila gabb at kielle ay naging close nadin na mas ikinainit ng ulo niya pero wala naman na siyang magagawa dahil kahit anong gawin niya at sabihin niya kay gabbo ay dinededma lang siya nito.

"Queen? Free ka ba bukas ng umaga? Nais ko sana na ayain kang gumala bukas dahil may gusto akong place na ipakita sa iyo , if gusto mo lang naman? Don't worry ipapaalam kita kay tito wilson" aniya ni kielle sa gilid ni frances naglalakad kasi sila ngayon papuntang canteen.

"Hmp yeah free naman ako bukas kielle , saan na naman yan? Wag mong sabihin na babalik tayo dun sa rainforest?" Sabik na sabi ni frances kasi nung nakaraang iginala siya ni kielle ay dun sa place kung saan napakaraming farm ng sunflower at sobrang saya niya nga na makapunta doon.

Pero sa isip isip niya ay mas maganda kung si jaydee ang nakakasama niya doon but yeah kailangan niyang tanggapin na kahit kailan ay hindi siya dadalhin ni jaydee sa mga lugar kung saan siya dinadala ni kielle.

"Secret?! Hahaha pag sinabi ko sayo wala ng thrill pag ganun pero asahan mo at maganda yung pupuntahan natin bukas" masayang sabi ni kielle napatango at napangiti nalang si frances dahil doon.

Nakasalubong naman nila si jaydee ngayon at agad na itong lumapit kay Frances na katabi ni kielle.

"Frances? Can we talk right now?" Sabi ni jaydee saka kinuha na yung kamay ni frances ngunit agad namang umintriga si kielle dahil hindi niya nagustuhan yung paghablot ni jaydee ng kamay ni queen.

"Pwede naman kayong mag usap dito ah? Hindi mo kailangang hablutin kaagad yung kamay niya , tignan mo yung heartbeat niya ay biglang lumakas dahil sa ginawa mo?!" Inis na sabi ni kielle na hindi din nagustuhan ni jaydee saka hinawakan din ang isang kamay ni queen upang hindi siya mahila ni jaydee.

"May karapatan akong kausapin yung fiance ko in private? So if you want! Stop meddling in other's business" rebat naman ni jaydee sa kanya at mahigpit na nakahawak sa may palapulsuhan ni frances.

"It's also my business kung ginaganyan mo yung kaibigan ko? At tsaka tinatawag mo lang naman siya na fiance for your own benefits eh? Pero hindi mo naman ginagawa yung responsibility mo sa kanya?!" Napakagat ng ibabang labi si jaydee at tila bay napipikon na sa mga sinasagot sa kanya ni kielle.

"Kaibigan nga lang ba kielle? Bitawan mo na so frances kung ayaw mong magkagulo tayo ngayon?! At sana matuto kang lumugar ah? Hindi porket hinahayaan kong makasama ka ni frances ay okay na sa akin yun at magiging ganito na ang asta mo?! Matuto kang lumugar! Kaibigan ka lang niya at ako ang mas may karapatan sa kanya kasi engaged na kami which means fiance ko na siya at malapit ko na siyang maging pag aari pag kinasal kami?! Do you get it huh?!" Naiirita nang sabi ni jaydee kay kielle kulang nalang ay suntukin niya ito nang sa ganun ay bitawan nito ang kamay ng kanyang fiance na si frances.

"Stop it okay?! Kielle bitawan mo na muna ako? See you nalang mamaya ah? Tara na jaydee , dumadami na yung tao dito at ayoko nang maging laman ng balita dito sa University" sabi naman ni frances saka siya na mismo ang humila kay jaydee papalayo kay kielle.

Nakarating ang paglalakad nila papuntang rooftop at dun nalang binitawan ni Frances yung pagkakahawak niya kay jaydee.

"Ano bang gusto mong sabihin jaydee at kailangan mo pang gawin yun? Sabihin mo na at nang matapos na ang usapan hindi yung mag eeskandalo ng ganun?!" walang emosyong saad ni frances kay jaydee na ikinagulat nito , ibang ibang Frances ang nasa harapan niya ngayon hindi tulad nung nakaraang mga araw na sobrang saya nito na makausap o makasam si jaydee.

"Napapansin ko na malapit kayo at hindi ko na nagugustuhan yun? Pwede bang layuan mo yung mukong na yun ah? May gusto yun sayo kaya panay lapit yun sayo!" Rebat naman ni jaydee na hindi nagustuhan ni frances sapagkat napailing iling ito.

"Ayun lang ba ang sasabihin mo jaydee?! Na layuan ko si kielle? Si kielle na walang ginawa kundi pasayahin ako sa tuwing nada down ako? Sa tuwing kailangan kita siya ang naroon? Alam mo jaydee napapagod na ako sa ganito , sobrang nakakapagod na palang maging tanga ano? Alam ko naman na kahit kailan ay hindi mo ako magugustuhan eh sadyang ako lang yung pinilipilit ng husto yung sarili ko sayo , ni minsan ba ay hindi ka nagreklamo about sa pagsama sa akin? Lagi kang nagrereklamo jaydee , lagi mong sinusumbat sa akin na pabigat at sakitin ako habang si kielle? Never kong naramdaman yun sa kanya , never akong nakarinig ng mga negatives tungkol sa kanya, yung mga dapat ginagawa mo sa akin? Siya ang gumagawa!"madiing wika ng dalaga kay Jaydee habang may namumuong luha sa kanyang mga mata gayung nagiging emosyonal na siya.

"Yung pinangako mo na dadalhin mo ako sa lugar kung saan payapa at maganda? Asan na? Napako na naman jaydee! Ako na panay nagbubulagbulagan sa mga pinanggagagawa mo? Alam ko naman na hindi ako magiging sapat para sayo eh! Sakitin lang ako jaydee pero itong nararamdaman ko sayo? Totoo to! Kasi kahit nasasaktan na ako ay patuloy padin sinisigaw ng puso ko na Mahal kita! Mahal na mahal kita kahit ganyan ka! Kahit sumusobra kana talaga!" Naiiyak na sabi ni Frances muli saka pinaghahampas sa may dibdib si jaydee na ngayon ay nakayuko lang dahil sa nalulungkot siya sa mga sinasabi ni Frances.

"Sorry hindi ko naman nais na ayun ang maiparamdam ko sayo frances , I'm really sorry , stop crying na" sabi ko at tsaka niyakap na siya ng mahigpit ngunit tinanggal niya naman ayun kaagad.

"No Jaydee ako dapat ang mag sorry sayo kasi nagambala at nasira ko pa yung mga plans mo?! Dont worry I'll set you free na from now on , wala ka nang dadalawin sa hospital , wala ka nang pag aaksayahan na oras kasi simula ngayon pinapalaya na kita" aniya niya na ikinagulat ni jaydee , napahawak nalang si jaydee sa kamay ni frances.

"What do you mean by that frances? Hindi naman siguro same sa iniisip ko diba? Please hayaan mo akong patunayan ang sarili kong muli sa iyo" Kabadong sabi ni jaydee kay frances ngunit napangiti nalang si Frances habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

"No please enough is enough. I will tell dad na i cancel na yung wedding jaydee and that's final" sabi niya pa saka tinanggal na yung pagkakahawak ni jaydee sa kanya at nauna nang umalis habang si jaydee naman ay naiwang tulala at may namumuong luha sa kanyang mga mata.










Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now