C7

611 72 5
                                    

Jaydee's Pov

Ramdam na ramdam ko yung pagod ngayon habang nag ti training sa basketball , kumukulo ang dugo ko na makita sila kielle na masayang nag wa 1v1 kasama si gabb.

Habang ako ay gumagawa ng dribbling drills as well as ng shooting drills kasama yung bago kong ka close na si dana.

"Hoy jaydong?! Tulala ka na naman dyan? Kunin mo na yung bola ng sa ganun ay makashoot na ako" tawag niya sa akin di ko kasi namalayan na lumayo na yung bola na namiss niyang ishoot nasa kabilang ring yun kaya naglakad na ako para kunin yun.

Diretso diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makuha ko yung bola , sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadinig ko naman ang usapan ni gabb at tsaka ni kielle.

"So ano nang progress sa inyo? Tinanong mo na ba siya kung pwede ka manligaw sa kanya? Nasabi na sa akin ni coleen na balak na daw ipakansela ni Queen yung kasal nila ni jaydee kaya may chance kana sa kanya" mahinang sabi naman ni gabb perp rinig na rinig yun ng aking dalawang tenga.

So siya ang tumutulong kay kielle para kay frances? Traydor ka Gabrielle paano mo ako nagawang ganyanin ah? Akala ko ba kaibigan kita pero may asal hayop ka din pala.

"Sa ngayon hindi pa , hahanap pa ako ng tyempo i think pag nadala ko na siya sa may favorite place ko at tsaka kapag konpirmado nang nakansela na nga yung wedding nila na gaganapin next next month" aniya niya pa kay gabb at hindi nga nila napapansin na malapit lang ako sa pwesto nila sapagkat busy sila sa pakikipag usap.

"Basta support ako sayo bro?! Pag kailangan mo ng tulong ay sabihan mo lang ako at agad akong tutulong sayo kahit ano pa yan , basta ipangako mo lang na kapag pumayag si queen ay aalagaan mo siya at mamahalin higit pa sa deserve niya" seryosong sabi ni gabb di ko alam ang mararamdaman ko ngayon may part sa akin na sobrang nadudurog ako.

May part din na masaya sapagkat hindi naman talaga ako deserve ni queen isa lang akong basurang garcia na sunod sunoran sa daddy niya at walang patutunguhan sa buhay.

Ni wala nga ata akong pangarap sa buhay eh pero ewan dahil kay frances din ay nagkaroon ako ng lakas at will para mabuhay kasi alam kong pag nawala ako ay susunod siya agad sa akin eh , ganyan siya kabaliw sa akin noo i guess.

"Oo naman pangako ko yan sayo gabb , frances deserves everything at ibibigay ko sa kanya ang lahat" sabi niya pa sabay napatingin siya sa akin , umiwas nalang ako ng tingin at tsaka dumiretso na papunta kay dana na kanina pa nag iintay.

"Dong?! Don't worry iniwan ka man ni gabb pero asahan mong hindi kita ipagpapalit sa iba , alam mo hindi ko akalaing may soft side ka din pala? Pero masaya ako kasi naging ka close kita , edi ngayon ay hindi na ako nabubully dito sa school" sabi pa sa akin ni dana saka tinapik tapik yung balikat ko.

Nginitian ko naman siya , mabuti siyang kaibigan at hindi ko din mawari kung bakit siya na bu bully at isa pa varsity player din siya sadyang mahirap lang talaga ang pamilya nila at scholar lang siya dito sa school kaya siguro nabubully siya.

"Salamat Evans?! Tara na at tapusin na natin tong training ng makakain na tayo sa canteen" aniya ko sa kanya at tsaka ibinigay na yung bola kasi turn niya pa din.

Maya maya ay natapos na kami sa drill at tsaka nag take attendance na din ako sa mga nag training dahil sa inis ko nga kay gabb ay pinatakbo ko siya sa court ng 20 times.

30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now