063

440 16 12
                                    

— art's.

ilang araw ko rin pinag isipan kung sasama ba ako dun sa pa-christmas party nila heeseung with my friends. nakakahiya naman kasi pumunta 'no kaya nga eto, ngayon nakabihis na ako at on the way na kami sa bahay nila calli.

adley's driving, habang naka upo sila ni calli sa front seats. kami naman ni phoebe dito sa back seat.

"hindi pa ba uuwi parents niyo calli? mag christmas na ah?" tanong ko, saka tumingin sa labas ng bintana. it's still snowing, pero hindi super lakas unlike nung nakaraan.

"uuwi sila, before christmas." tumango naman ako, tapos tinignan si phoebe na pangiti ngiti habang nakatutok sa phone niya.

"may nabiktima na naman ng internet love na tumatagal ng isang linggo." sambit ko, kaya tumingin siya sakin.

"mas mahirap naman mabiktima ng ghoster." ok.

inirapan namin ang isa't isa, pero agad din kaming tumawa.

hindi naman super layo ang bahay nila calli, kaya agad kaming nakarating dun. matic na nagbukas yung gate nila, yayamanin.

pagbaba ko ng sasakyan, ewan basta nakaramdam ako agad ng kaba. knowing na nandyan si jay sa loob.

after naming makababa lahat, naglakad na kami papunta sa main door.

"ETHAAAN YUNG PINTOOOO!" tignan mo 'tong si calli.

"bakit ka ba sumisigaw? kapangit mo lang." bungad ni ethan, pag bukas ng pinto.

inirapan siya ni calli, at naunang pumasok.

napatitig naman ako kay adley at heeseung, na sandaling nagtitigan lang. ni hindi manlang nag bangayan or nag away. aba

tumingin ako kay ethan ng nakakaloko.

"maganda na siguro gabi mo, lee heeseung." halatang na-flustered siya sa sinabi ko kaya tumawa ako at pumasok na.

sinabit ko yung coat, at bag ko sa gilid tapos nagsuot na ng pang bahay.

nakakarinig ako ng malakas na music mula sa backyard nila calli, obviously nandun yung iba.

may small house pa kasi sa may backyard ng bahay nila heeseung, kaya sa malamang ay dun kami tatambay.

pero mukhang dito kami sa loob kakain since it's warmer inside.

dumiretso kami nila adley sa may kitchen, nang biglang sumilip si niki.

"hi, noona!" bati niya. ngumiti ako saka kumaway.

"bakit si niki tumatangkad tapos ako hindi?" reklamo ni adley, habang titig sa bata sa harapan namin.

"try mo ko mahalin, noona. baka tumangkad ka." nanlaki naman mata ko sa biglang sinabi ni niki. agad kong pinulot yung unan, saka 'yon binalibag sa kanya

"bata ka pa! aba? tigil tigilan mo kakasama kay jake. delikado ka."

binelatan niya lang ako saka nag tatatakbo sa labas. batang 'yon

nilipat ko naman tingin kay adley na hindi gumagalaw sa tabi ko "napano ka?"

"mare, wala namang sinabi si Lord sa bibliya na bawal kiligin sa bata diba?"

napangiwi ako. tinulak ko siya saka naglakad pabalik sa may living room kung saan nakaupo si phoebe.

bigla namang sumulpot si sunghoon sa harapan ko.

"hello, art." bahagya niya pang ginulo ang buhok ko pero okay lang. ngumiti parin ako syempre, sunghoon 'yan eh

tinignan niya si phoebe "hi, ganda." luh?

"hello, mahal— ay este sunghoon." kailan pa 'yan?

"yo wassup!" pogi jake in the house

nagbatian naman kaming lahat, happy lang ganon. kahit first time namin magsama sama, nang kami lang.

nilapitan ko si jungwon, saka siya kinurot sa pisngi. he just smiled, uwu.

"pwede ba kitang paglihian?" nanlaki agad mga mata niya. aba, hindi slow. naturuan ng maayos ni jay, ayos ah

"noona—" tumawa ako, saka ginulo yung buhok niya.

"sa future pa syempre."

"tapos si jay hyung ba yung tatay—" mabilis kong tinakpan yung bibig niya nang makitang napatingin samin si jay.

"masyado kang maraming sinasabi, jungwon ah" niyakap ko lang siya. he even hugged me back nang mapansing masama tingin sakin ni jay.

luh, binitawan ko na si jungwon. baka saksakin ako bigla ni jongseong, shuta 'to

jaywon layag, ge. shipper naman ako hihi

"let's eat!" sabay sabay kaming nagpunta sa malawak, at malaking dining area nila calli. ang daming foods, yum.

bigla namang may umakbay sakin, at nakitang si sunghoon 'yon.

tinuro niya yung lamesa "kita mo 'yan?"

"ubos mo 'yan mamaya. katakaw mo lang, art— aray.." napayuko siya sa sakit nang siniko ko dede niya— ay dibdib pala. sorry hoon, dami mo kasi alam

"𝕋𝕌𝕋𝕆ℝ" ʲᵒⁿᵍˢᵉᵒⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon