MVEN-21

68 57 6
                                    

"Belle, magfo-fourth year na tayo!"

Ilang araw nalang ay tapos na ang pasukan kaya busy kami ngayon sa paglilinis nang buong classroom tsaka hinihintay din namin ang mga list of honor students.

Nakatayo lang ako sa harapan habang tinitignan ang mga kaklase kong nagpapahinga. Ang iba ay nakahiga sa sahig at ang iba naman ay nakasandal sa pader.

Nakasuot kaming lahat ngayon nang jeans at p.e. t-shirt kaya komportable kaming lahat. Umupo ako sa may teachers desk at uminom nang tubig. Nakapusod na ang buhok ko pero dahil sa sobrang init ay parang falls ang mga pawis ko. Pinaypayan ko pa ang sarili gamit ang mga kamay dahil sa sobrang init.

"Oh heto," biglang tumabi sa'kin si Dave at iniabot ang panyo niya sa'kin para gamitin kong pamunas.

Uminom siya muna nang tubig bago nilagyan nang towel ang basa kong likod at pinahiran ang batok ko.

"Pres! Laro tayo!" Masayang saad ni George.

"Ano na namang laro ang naisip mo?" Tanong ni Kevin.

"Truth or Dare," saad niya.

Nang marinig nang mga kaklase ko ang sinabni ni George ay dali-dali silang nagform nang circle tsaka nag-iwan nang espasyo para sa'min ni Dave.

"Belle, Dave, upo na kayo" saad ni Lexess at tinuro pa ang bakanteng espasyo sa tabi niya.

Agad akong bumaba nang mesa at naglakad papunta sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Lexess at umupo nman si Dave sa gilid ko.

"Pakilagay lang po nang mga cellphone niyo sa gitna," utos ni George.

Sinunod naman namin ang utos niya at inilagay ang mga cellphone namin sa gitna. Naglagay siya nang bote sa gitna na papaikutin para malaman kung sino ang taya.

"Oh ano, game na?" Tanong ni Kevin.

Sabay kaming tumango kaya pinaikot na ni Kevin ang bote at sabay naming inabangan kung kanino tatama ang bote. Agad na napasigaw si Marie nang makitang sa kaniya tumigil ang bote.

"Oh Marie, truth or dare?" Tanong naming lahat.

"Truth," mahinang sagot ni Marie.

"Truth daw pres, anong itatanong natin?" Tanong ni Joyce sa'kin.

"Sinong crush mo dito sa classroom?" Agad na tanong ko.

"Owssss! Sagutin mo na Marie, tutal pinili mo naman ang truth" pang-aasar ni Jay.

"Ang talino mo talaga pres, at naisip mo yang tanong na yan," saad ni Danielle.

"Naku Marie huwag mong sasabibing ako, dahil irereject agad kita," kapal na saad ni Kevin.

"Ang kapal mo Kevin," saad namin.

"Oh kalma ako lang to," pagbibirong sagot ni Kevin.

"Oh, so sino na? Tutunganga ka nalang diyan?" Tanong ni Niña sa kaniya.

"Uhmm...uhmm si..." Hindi niya masabi kung sino ang gusto niya at tinignan lang ito.

Sabay naming sinundan ang tinitignan niya at sabay kaming nagulat nang makitang si Dave ang tinitignan nito.

"Hala ka, si David?" Tanong ni Anne.

"Hala bakit?" Tanong ni Kevin.

"Anong bakit?" Sagot ni Anne.

"Bakit hindi ako, umasa pa naman ako, akala ko ako," saad ni Kevin.

"Ang sabi mo kanina huwag ikaw kasi irereject mo siya tapos ngayon aarte ka na nasasaktan. Ang OA mo!" Naiinis na saad ni Grace.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon