IASWAK35

796 72 4
                                    

Coleen's Pov

Nagising ako dahil sa sinag nang araw at napatingin naman ako sa katabi ko na sobrang himbing ng tulog ngayon at nakayakap pa din sa akin.

Napapangiti nalang ako habang inaalala yung nangyari sa amin kagabi , fudge kung panaginip lang to wag niyo na po akong gising dahil okay na ako sa ganito.

Pinisil ko pa yung pisnge ko tapos napadaing nalang ako , gosh totoo nga lahat ng ito , unti unti ko nang inalis yung pagkakahawak sa akin ni amy.

Magluluto pa kasi ako ng kanin namin at iinitin ko pa yung ulam namin kagabi , napapaindak at napasayaw nalang ako ngayon nakasuot kasi ako ng airpuds.

Nang sa ganun ay hindi marinig ni amy yung music at magambala yung tuloy niya , napatingin nalang ako sa may bintana at sobrang ganda ng araw ngayon.

Saktong sakto sa gagawin naming road trip argh excited na ako sa mangyayari mamaya , more memories to make mahal ko.

Masaya akong nalaman kagabi na pareho tayong nararamdaman pero napapaisip din ako paano na pala pag bumalik kami ng manila?

For sure hindi niya naman ganun kadali na iwanan or i breakan si jaydee , argh bahala na coleen ang mahalaga this time ikaw naman yung pinili niya.

Nagulat naman ako nang biglang may yumakap sa akin agad naman akong napalingon , gising na pala siya hindi ko man lang napansin yun.

"Hmp kanina ka pa gising , bakit hindi mo ako ginising?" Sabi niya pa sa akin pumaharap naman ako sa kanya at napayakap na din ako tapos hinalikan ko siya sa may noo lang.

"Ang sarap ng tulog mo eh , tara kain na tayo dahil madami pa tayong pupuntahan mamaya at for sure matutuwa ka dun sa pupuntahan natin" sabi ko sa kanya napakalas nalang siya ng yakap at nagtungo na sa may banyo upang maghilamos at mag totoothbrush daw muna siya.

Inihain ko na yung ulam at yung plato sa may lamesa at hinintay na lamang siyang lumabas sa may banyo.

Napatitig nalang ako sa kanya nang lumabas siya na naka bun na yung buhok mas lalo siyang gumanda sa ayos ng buhok niya.

"Tama na kakatitig coleen , alam kong maganda ako kaya tumutulo na laway mo hahha" pang aasar niya pa sa akin tinakpan ko naman na yung bibig ko , napahaba ata yung pag nganga ko kanina.

"Kain na mahal!" Sabay kindat ko pa sa kanya pinaghahampas niya naman ako , aruy ko po masyado ka naman atang kinilig mahal ko.

"Ang aga aga napaka harot mo , kumain kana din dyan!" Singhal niya sa akin napangiti naman ako dahio namumula nga siya ngayon.

Maya maya ay natapos na kaming kumain , naligo na rin siya at ako naman ay ang nag aayoss nang baon namin , nagluluto ako ngayon ng pancakes , bacon , hotdog , chicken.

Tapos inilagay ko na din sa may bag namin yung softdrinks tsaka napakadaming mineral water dahil for sure mauuhaw kami doon.

Magpipicnic lang naman kami doon and then pupunta kami sa basco lighthouse , doon ko ibibigay yung promise ring ko sa kanya.

Maya maya ay natapos na akong magluto at tsaka naipasok ko na lahat ng mga kakailanganin , may mga damit , jacket at iba pa.

May camera din akong dala tapos may films din ako na sobrang dami ,well prepared na talaga ako sa lakad namin ngayon at tsaka sa pagbuo ng memories together with amy.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now