IASWAK38 END

1.2K 106 36
                                    

Amy's Pov

Nakalabas na ako ng hospital and nag a undergo ako ng rehab simula nung nakalabas ako sapagkat matagal din hindi ko naigalaw yung katawan ko, actually this is the last day session ata ng rehab ko.

Everytime na napapatingin ako sa paligid ay hindi ko maiwasang hindi maiyak sapagkat naalala ko yung mga moments naming dalawa ni coleen.

Naluluha na ako ngayon what if hindi ko siya nabitawan that time? Paano kung pinilit kong maiangat siya baka buhay pa siya ngayon.

Baka magkasama parin kami at masaya nang magkasama ngayon? What if noong una pa lang ay siya na yung pinili ko? Sa sobrang daming what ifs na naiisip ko ngayon ay nasasaktan ako.

Tama nga sila nasa huli ang pagsisisi , puno ako ng regrets ngayon , i miss you so much coleen hindi ko man lang nasabi sayo yung salitang i love you nung mga time na yun.

"Hello Good Morning Ms. Amanda? Hmp balita ko grabe na ang improvement mo sabi ng mommy mo" sabi ng pt ko ngayon sa akin napapunas nalang ako ng aking mga luha ngayon.

"Yeah it all thanks to you!" Masayang sabi ko sa kanya napangiti naman siya ng pilit sa akin.

Natapos na yung session at nagulat naman ako nang may iabot siya sa akin na isang box na may lamang regalo for sure.

"Para saan to Yena?"

"Advance gift ko po para sayo , nabanggit kasi ng mommy mo na birthday mo na bukas kaso nga lang hindi ako makakapunta sa party mo dahil nga aalis na ako mamaya patungong abroad tsaka this is the last session na para sa rehab mo miss amanda" mahabang sabi niya napayakap nalang ako sa kanya sobrang laki nang naitulong niya sa akin.

"Maraming salamat yena , mag ingat ka doon sa abroad ah! Im rooting the best for you yena as well as sa family mo" masayang sabi ko sa kanya napatango nalang siya bago nagsalita.

"Ikaw din po ma'am amanda , tama na po yang pag iyak niyo for sure hindi magiging masaya si miss coleen kung nakikita ka niyang malungkot" huling sinabi niya bago lumabas ng room ko , napapikit naman ako dahil hindi ko na kaya pang pigilan yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Tadaaa!!! Hay nako amy umiiyak ka na naman! Akala namin ay medyo masaya kana ngayon dahil last rehab mo na ngayon , tara igala ka na namin muna para hindi kana masyadong malungkot ngayon" ani ni laney at tinabihan ako sa may kama ko sabay niyakap ako nang mahigpit.

"Sige magbibihis na muna ako , wait mo nalang ako sa dyan sa baba laney" sabi ko sa kanya at tumango nalang siya at lumabas na ng room ko , nagbihis na ako dahil kanina pa naman ako nakaligo.

Kasalukuyang nasa mall na kami ngayon nila laney , sheki , brei at frances nakaupo ako ngayon sa may wheelchair dahil hindi pa nga kaya ng katawan ko.

Baka kasi bigla nalang akong matumba kaya sinecure nalang ni mom na maupo nalang ako sa wheelchair habang naglilibot kami sa mall.

Madami silang nabili na damit pero wala naman akong gana ngayon pero pinagipilian ako ni laney, lahat ng makita niyang maganda ay inilalapat niya sa may katawan ko upang malaman kung bagay ba sa akin.

"Ito bagay to sayo mandeng! Tsaka eto at iyun ho! Wait mo lang ako ah babayaran ko na to para sayo" pagpapaalam niya sa akin naiwan naman ako dito sa may gilid dahil nagpunta na silang lahat ng counter.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now