-025-

365 19 2
                                    

-oleya pov-

"i'm not late" walang gana na saad ko kay lee heeseung na nakatalikod sa akin at nag aayos ng boxes sa likod ng van nila.



"wow, good morning! akala ko hindi ka sasama?" tinaasan nya ako ng kilay kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.



kung may choice lang ako mas gusto ko pa tumambay sa bahay.





"pinilit ako ni mommy" halos bulong na saad ko.




"ahh, mabuti na lang, madami pang hahakutin sa loob... mga pagkain yun kaya ingatan mo" tumalikod na sya ulit.




wow lang naman! nice.


mabilis ko na syang sinunod. binati ako ng parents nya at ni hara na natulong din kaya, tumulong na lang din ako.





"susunod na lang daw po sina mommy dahil iintayin nila si ate via" sagot ko kay tito na tinanong ako kung nasaan sina mommy.




hindi pa kami nakakaalis but pawisan na ako sa pagbubuhat ng mga boxes, hindi pa kami tapos din kasi may hahakutin pa daw na drinks.




"saan ba to lee heeseung?" i asked heeseung habang buhat ko yung mga paper bags na may laman na cookies.





"ibaba mo muna d'yan-"




"HOY TUKMOL!!!!" napalingon kaming dalwa sa tatlong lalaki na bagong dating. AY HALA ITO YUNG POGI NA KAIBIGAN NYA AH.



WAIT- MAY ISA PA SYANG POGI NA KAIBIGAN??? SAAN KAYA NILA NAPULOT SI HEESEUNG PARA GAWIN NA KAIBIGAN?? HAHAHAHAHA




"may hahakutin pa sa loob, bilisan nyo na" utos sa kanila ni heeseung, binati ako ni jay samantalang yung dalwa naman ay ngumiti lang sa akin bago sila pumasok sa loob.




"sino yun?" i asked hee habang inaabot sa kanya 'yung paper bags




"si jay, 'yung naka white jacket si jake, 'yung naka white shirt si sunghoon" napatango tango ako






"ahhh, sunghoon pala!" nakangiting saad ko.





"hoy anong ngiti 'yan? may girlfriend na 'yun" napasibangot ako sa sinabi nya. sus, baka nagsisinungaling lang to




"e ano naman? girlfriend pa lang naman" ilang beses syang napailing sa sinabi ko




"nako, retreat ka na lang, baka matalo ka lang dyan"




"kesa naman matalo sayo" he shrugged while he smiled at me annoyingly.




"pumasok ka na sa loob ng van, pawisan ka na agad eh. pahinga ka na muna" kunwari concern pa sus. pero syempre sinunod ko na din sya kasi ayoko na magbuhat huhu





pinasabay na ni mommy sa akin si oliver kasi gusto na nya sumama at hindi na makapaghintay. naupo ako sa pinakalikod ng van sa may gilid ng bintana habang katabi ang kapatid ko.





"pano sila sunoo?" rinig kong tanong ni jake



"may klase nga daw, si jungwon hindi ko sure kung bakit hindi makakasama pero kapag daw nahagilap nila si niki susunod na din daw" sagot ni heeseung, hindi ko sila maintindihan kaya nakinig na lang ako ng music sa earphones ko.






hindi ko namalayan na nakatulog na ako, nagising na lang ako dahil sa shaky na daan. "ate i'm scared" i held oliver's small hand para hindi na sya matakot.




love to hateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon