075

374 12 0
                                    

— art's. (2 months later..)

mabilis talaga lumilipas ang araw after new year, kaya mahigit isang buwan nalang bago ang graduation. oo, isang buwan bago namin iwanan ang enhigh.

busy narin kami mag review para sa final examination. magkasama naman kami araw araw ni jay mag review, and kain sa labas after. hindi kami nauubusan ng oras, although may kanya kanya kaming gawain.

time management is the key mga mars.

kakatapos lang ng klase namin, sabay sabay sana kaming pupunta nila calli sa studio ng dance group nila ethan pero pinatawag ako sa faculty.

may special performance kasi yung dance group ng department nila jay, kaya nag pa-practice narin sila for that.

pagkapasok ko ng faculty, si mrs. hwang nalang ang nandun. agad ko siyang binati, she smiled naman bago ako senyasan na maupo sa upuan sa harapan ng table niya.

may binigay siya saking paper. looking at it, grades 'yon ni jay sa mathematics.

"jay really improved, and went back on top after his tutor session with you." hindi ko naman mapigilang mapangiti, nang maisip ko na he's really good naman talaga at math. sinadya niya lang mag fail to.. hihihi

hoy, gagi umayos ka art. hindi ito tamang oras para isipin 'yon.

"he wants me to give you credit, and also i want to congratulate you." yumuko naman ako at nagpasalamat kahit hindi ko sure kung bakit.. ako ni-congrats ni miss?

"you secured your spot para mapabilang sa ilang students na mapipiling exchange student sa harvard." miss held my hand.

"isang buwan nalang naman ang hihintayin para sa announcement ng final lineup. i want to congratulate you because i'm sure na isa ka sa mapipili ng faculty." teka, diba dapat masaya ako? kasi eto naman talaga yung goal ko una palang?

pero.. bakit ako natatakot? at nalulungkot at the same time?

after ko magpasalamat kay mrs. hwang, lumabas na ako ng faculty. holding a paper, na naglalaman ng allowance na nakukuha ko talaga after mag tutor.

"dapat ko na bang sabihin kay jay yung about sa.. harvard?" i sighed. bakit ba ako nag aalangan sabihin 'yon sa kanya? boyfriend mo siya, art. and dapat niyang malaman ang totoong plans mo after graduation.

napa buntong hininga nalang ako ulit, bago itago yung paper sa bag ko saka na nagsimulang maglakad papuntang studio kung saan nag ppractice ang boys.

"𝕋𝕌𝕋𝕆ℝ" ʲᵒⁿᵍˢᵉᵒⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon