Chapter 19

4.6K 269 22
                                    

#CHAPTER19

Ilang araw nang nakalipas ay wala pa ring sensyales na gising na ang prinsesa. Nanatili at mahimbing pa rin ang tulog nito. Walang araw na hindi ito binibisita ng mga Eryndor, ng mga prinsipe lalo na si Vencel. Kahit na may kasiguraduhan na ligtas na nga ito ay hindi pa rin mawala sa kaniya ang pagkabahala. Simula nang nasaksihan nila ang kapangyarihan na meron sa batang prinsesa ay hindi na maalis sa isipan nila ito. Mas lalo siya ginapangan ng pangamba. Hindi niya alam kung ano ang susunod na mangayayari. Siguro kung may tamang tao na magtuturo kung paano ang tamang paggamit nito. Gustuhin man niya personal na turuan ito ngunit, hindi niya rin maaaring iwan ang tugkulin niya sa Cyan. Komplikado. Masyadong komplikado. Pero iisa lang ang nasisiguro niyang kapangyarihan na meron ang bunsong anak at nakakatakot ito. Kaya nito makita ang nakaraan at ang hinaharap, kaya din nito makipag-usap sa pamamagitan ng isipan, at higit sa lahat... Kaya niya manipulahin ang mga kapangyarihan na meron katangian ng bawat Imperyo. Kahit ang yumao niyang asawa, ang Emperatris ng Cyan ay walang kakayahan na ganoon dahil pangunahing kapangyarihan na meron ito ay ang apoy , kahit na si Lorah ay walang abilidad na gamitin ang lahat ng elemento dahil ang pangunahin niyang kapangyarihan ay ang itim na mahika.

Unti-unti na niyang nasasaksihan at nalalaman kung bakit sinasabi sa propesiya na ang bunsong anak ang magiging susi ng tagumpay ng Imperyo. Ano pa ba ang magagawa ni Rini habang siya'y lumalaki? Ano pa ang kaya niyang gawin sa hinaharap?

Oo, masaya siya pero kaakibat din ang takot at pangamba sa kaniyang sistema. Simula ipinanganak ang sanggol sa Cyan ay ipinangako niya sa kaniyang sarili na iingat at aalagaan niya ang prinsesa bago man tuluyan siyang iwan ng babaeng pinakamamahal niya. Si Theavia.

Nawawala na ang konsentrasyon sa kaniyang binabasa kaya itiniklop ang libro na hawak. Tumayo siya mula sa kinauupuan niyang sofa. Nilapitan niyia ang malapad at malambot na kama. Umupo siya sa gilid nito. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ng Rini. Dinampian niya ito nang maliit na halik.

"Ngayong nakita ko na kung anong kakayahan mo, aking anak. Tulad ng iyong hinihiling, pagbibigyan kita. Dahil isa kang Eryndor." namamaos niyang sabi. "Maghahanap ako ng pinakamagaling na dalubhasa sa salamangka."

Huminga siya ng malalim. Marahan niyang binitawan ang anak saka umalis sa kama. Balak niya sanang puntahan ang panganay niyang anak na si Raegan para utusan na mauna nang bumalik ng Cyan para gawin ang mga naiwan niyang trabaho doon at ilathala na maghanap ng pinakamagagaling na salamangkero ng Cyan. Kasama na din na maghahanap din siya ng pinakamagaling na mandirigma na magtuturo para sa prinsesa.

Maliit na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. Sinong mag-aakala na balang araw na kahihiligan ng nag-iisang prinsesa ang pakikipagdigma? Ang buong inaasahan niya ay magiging malumanay, matalino at puro gawain ng isang babae ang kahihiligan nito, nagkamali siya. Baliktad ang reyalidad sa iniisip niya.

Naputol ang pag-iisip niya na biglang may kumakatok sa pinto. Agad niya iyon pinagtuunan ng pansin. Rinig niya ang boses ang Prinsipe ng Severassi mula sa labas. Tumikhim siya't ipinatuloy niya ang bisita. Kusang nagbukas ang pinto. Malamig ang tingin ang ibinigay niya para sa bumisitang prinsipe. Lumapit pa ito nang kaunti sa kaniya.

"Pagbati para sa Emperador ng Cyan." wika niya saka nagbigay-pugay sa kaniya.

"Ang prinsesa ba ang sadya mo, Prinsipe ng Severassi?" seryoso niyang tanong sa kaharap.

Tumingin ito sa kaniya. Itinago niya ang pagkabigla nang makita niya ang hitsura ngayon ni Prinsipe Calevi. Mas seryoso mukha ni Vencel. Iba ang pakiramdam niya para dito. "Naririto po ako ngayon dahil kayo po ang sadya ko, mahal na Emperador ng Cyan." maski ang tono ng pananalita nito mas naging pormal at seryoso.

Taas-noo niya itong tiningnan. "Kung ganoon ay ano ang sadya ng Prinsipe Ng Severassi sa akin?"

Marahan ipinikit ni Prinsipe Calevi ang kaniyang mga mata ng ilang segundo. Kunyom nito ang mga kamao, iyon ang tanging paraan niya upang humugot ng lakas. Hindi rin nagtagal ay dumilat siya't dumiretso tumingin sa mga mata sa kaniya. "Ilang beses ko na po pinag-isipan ang bagay na ito simula ng araw na tumakas po ako sa Severassi."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon