081

304 15 1
                                    

— art's.

today is the day, mga marecakes.

after ng ceremony sa classroom, kanya kanya na kaming paalam at yakap sa isa't isa. sa mga classmates namin, pati sa adviser namin na tahimik lang pinapanuod ang mga kaklase ko.

lumapit ako sa kanya.

"thank you, miss." oh wag kang iiyak, art.

she smiled, bago hawakan ang kamay ko. hindi ko naman siya mahawakan pabalik kasi punong puno ng bulaklak ako kung ano ano pa ang kamay ko, kaya mabilis kong pinatong ang mga 'yon sa table para yakapin siya.

"congrats, art. mag iingat ka sa massachusetts. galingan mo ha?" ngumisi ako, bago tumango. narinig ko na naman yung about sa pagiging exchange student ko sa harvard.

up to this very moment kasi, hindi parin alam ni jay. hanggang ngayon, ang alam niya parin na plano ko ay magkasama kaming papasok sa ku.

after ng konting iyakan, at batian, sabay sabay na kaming lumabas apat para sana puntahan yung mga parents namin na nag hihintay sa may field nang makita ko si jay na nakasandal sa gilid ng classroom namin.

may hawak hawak na naman siyang bulaklak, at narealize kong hindi nga pala umuwi ang parents niya para sa araw na 'to.

bigla naman akong tinulak nung tatlo palapit sa pwesto ni jay.

"see you sa field." ngumisi sila bago ako tuluyang iwanan.

tumingin ako ulit sa pwesto niya. hindi parin niya ako napapansin, halata mo sa kanyang may iniisip.

nagpunta ako sa harapan niya.

"happy graduation, love." agad niyang bati, bago iabot sakin yung bulaklak. ngumiti ako, saka mabilis na tumingkayad para yakapin siya.

ng mahigpit.

sino ba namang magaakala na ga-graduate ako ng may jongseong? gwapong jongseong, to be exact.

"tara sa field, love? let's take pictures there and also—" hinila ko siya pero hindi siya umalis sa pwesto niya. nakatingin lang siya sakin.

"puntahan nalang kita after ng celebration mo with your parents, love. umuwi rin dad mo, diba? go na." i knew it. he's sad.

lumapit ako ulit sa kanya, sabay hinawakan ng mahigpit yung dalawa niyang kamay.

"nandun ako, jay. nandito yung friends mo, friends natin. nandun sila mama, si daddy. we're family." medyo kinurot kurot ko ang pisngi niya saka ngumiti.

"hindi ka mag isa today, love." finally, he smiled.

kaya mabilis ko na siyang hinila at sabay kaming pumunta sa field.

kumaway kaway ako agad nang makita ko sila daddy, na nag hihintay sakin. they saw naman na kasama ko si jay. kaya imbis na ako lang ang salubungin nila para yakapin, hinila rin ni mama si jay for a hug.

i smiled, looking at him look at my mom habang nakangiti. for sure he misses his mom.. and dad.

"congrats, mga anak.." mom said, habang hinihimas himas pa ang pisngi naming dalawa ni jay.

dad set the timer of his camera, kaya mabilis kong hinila si jay sa braso niya. tumabi si mama kay jay, habang si dad naman ay pumwesto sa tabi ko.

nakailang take kami ng pictures, kaya for the last shot, sinitsitan ko si jay. sakto pag tingin niya sakin, ngumiti kami sa isa't isa at narinig ko ang pag flash ng camera.

after ng family picture, lumapit kami kila calli na kasama na sila ethan. kumpleto na silang anim, kaya kami naman ang nag papicture sa parents namin.

nag picture kaming apat, at nagpicture silang apat. and lastly, i asked mom na picture-an kami ni jay. memories din. and i want one na madadala ko sa.. massachusetts.

i looked at him, happily talking with my parents.

i sighed.

ayoko siyang iwanan..

pero mas ayoko siyang mahirapan, kaming dalawa, na malayo sa isa't isa. parang hindi ko kasi kaya, na ma-fall out of love si jay sakin nang nandun ako, at malayo sa kanya.

hindi ko kayang panuorin siyang mahirapan sa situation namin, hanggang sa mag decide siyang umalis nalang sa buhay ko, nang nandun ako sa harvard.

mas hindi ko kaya 'yon..

"love, let's eat? inaya ko sila tita sa hotel namin. pumayag naman sila so, let's go?" compare sa jay kanina, mas masaya ang jay sa harapan ko ngayon.

tumango ako saka ngumiti.

he held my hand, saka kami sabay nagpaalam sa mga friends namin na may kanya kanya ring lakad with their family.

"𝕋𝕌𝕋𝕆ℝ" ʲᵒⁿᵍˢᵉᵒⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon