XXXIV

1.9K 129 65
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Don't you trust me?"

Sunod-sunod na paglunok ang nagawa ko at saka alanganing ngumiti sa kanya. "I trust you Abby." I took a deep breath. "But."

Her brows furrowed. "But what?" she calmly asked.

Napagdaop ko ang dalawang palad ko. "I'm scared Abelaine." mahinang saad ko pero sapat lang para marinig niya.

Mataman lang niya ko tiningnan pero di kalaunan ay nakakaunawang  ngumiti sa'kin. She reached for my hand and gently caressing it. "You're with me Sela. You don't have to afraid of." nakatingin lang ako sa kanya nang dampian niya ng marahang halik ang kamay ko. "Iingatan kita katulad ng pag-iingat sayo ng mama mo, kuya at ate mo." dagdag pa niya.

Kahit papaano, kumalma ako. Napahinga na lang ako ng malalim. "Dahan-dahanin mo lang Abby." I gulped again. "First time ko 'to."

Mahinang tinawanan lang naman niya ko dahilan para irapan ko siya. Hindi pa ko nakuntento at may kahinaan ko din siyang nahampas sa braso. Ang kapal ng mukha niyang tawanan ako ngayon. Hmp!

"Halika na, sakay na." nakangiting saad niya.

Napalunok akong muli. "Now na? Hindi ba pwedeng maya-maya na lang?" nakangiwing sagot ko.

Nakakaunawang tinawanan naman niya ko. "Hindi tayo matatapos dito kung hindi ka sasakay sa'kin." she paused, and jokingly pinched my cheeks. "Tara na."

Napairap na lang ako saka buong pasyang kinuha 'yung helmet niya. Ako na din nagsuot noon at naunang lumapit sa bike niya. Siguraduhin niya lang talaga na mag-iingat siy at dadahan-dahanin niya. Jeep at mga bus ang makakasama namin sa daan, tapos kami, simpleng bike lang. Nako talaga Abelaine.

"Just relax. Okay? Makakauwi ka sa inyo ng buhay." natatawang saad pa niya.

Hindi ko siya sinagot bagkus pinagmasdan lang siya habang sumasakay sa bike niya. At nang tingnan niya ko, napabuga na lang ako ng hangin. Kahit ayaw ko, umangkas na din ako sa likod niya.

Napadiin naman ang kapit ko sa balikat niya nang magsimula na siyang pumadyak. Kulang na nga lang masakal ko na siya. Pagewang-gewang pa nga kami nung una kaya halos tawagin ko na ang lahat ng santo dahil sa sobrang kaba ko.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng maging swabe na ang takbo namin. Naipatong ko din ag baba ko sa ulo niya habang nakatingin sa unahan.

First time ko 'to. 'Yung umangkas sa bike at makipagsabayan sa malalaking sasakyan. Kahit na sabihing may bike lane naman, hindi parin nawawala sa'kin ang kaba.

"Sela!" rinig kong sigaw niya para matawag ako.

Saglit ko siyang sinilip bago muling ibalik ang atensyon sa daan. "Bakit?" ganting sigaw ko.

Kailangan namin magsigawan ngayon kasi maingay ang paligid. Ang lalakas ng mga busina ng mga sasakyang kasabayan namin. Kaya kung hindi kami sisigaw, hindi kami magkakarinigan.

"Wag ka masyadong dumikit sa'kin." ganti niya. "Nararamdaman ko 'yung boobs mo sa likod ko." she added.

Nanlalaki ang matang tinampal ko sa siya balikat niya at inis na kinurot sa baywang niya. "Gago ka!" mas malutong pa sa chicharon na sagot ko.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon