2. Still Trying..

99 9 0
                                    

Gabbo's POV

Kagagaling ko lang sa 7-11 to buy some food nung mga hapon na yun. Habang nasa loob ako ng elevator, i saw two women approaching towards my direction na parang nagmamadali silang makapasok dahil noong time na yun malapit na kasing sumara yung pintuan.

Kaya naman dali dali kong pinindot yung open button to let them in. After kong pindutin yung button ay bumukas na yung pintuan at noon din ay dali dali ring pumasok yung dalawang babae.

" Thank you. " Nakangiting nagpapasalamat sa akin yung isa sa kanilang dalawa. I smiled back at them as a sign of saying " Your welcome, ladies... "

Well, i'll be honest. Cute silang dalawa lalo na yung nag thank you sa akin. Naka dark pink siya na long sleeve. Habang naka maiksing short siya na white. May bitbit rin siyang puting paper bag na malamang may laman na mga beauty products.

Habang paakyat ang elevator, napansin ko naman na parang panay ang titig sa akin nung babaeng nag thank you sa akin kanina. Of course, hindi ako nagpapahalata na alam kong nakatingin siya sa akin... 😉

" Hmm.. Okay. " Sa loob loob ko na lang. But i gotta admit, kinikilig ako slightly sa mga tinginan niya.. So i just keep looking down para naman hindi niya mahalata na alam kong nakatingin siya sa akin.

Noon din ay tumigil na sa 8th floor ang elevator kung saan nandoon sa floor na yun yung unit ko. Pagbukas ng pinto ay lumabas na ako.

Habang naglalakad ako papunta sa unit ko ay nakita ko na nakatayo malapit sa may pintuan. Si Cole. Ang childhood bestfriend ko.

" Oh Gabbo, sorry i didn't tell you na pupunta ako.. " ang sabi niya sa akin nang makita niya ako.

Medyo nagtaka ako. Hindi niya ako normally binibisita. If meron man siyang gustong sabihin, she'd rather tell her other friends about it instead na sa akin.

Magkaibang magkaiba kasi talaga kami. Magaling siya makisama with many different types of people so it is easier for her to have more friends. Habang ako, i am somewhat, a borderline introvert. I'd rather have few friends.

" Wait, Is there a problem, Cole? " tanong ko. " Well, okay. Doon na natin pag usapan sa loob. "

Pumasok na kami sa loob ng unit. Ipinatong ko muna yung mga pinamili ko sa lamesa. Habang siya naman ay umupo sa couch and i prepared some food para sa kanya.

" So, what brought you here, really? " tanong ko sa kanya. Based pa lang sa facial expression niya, alam kong malungkot siya na parang gusto niyang maghinga.

" Well, kasi... " mahinahong sagot niya. " Wala na kami eh.. "

" Oh, sorry about that.. " sagot ko naman. I can't help but feel a little sad about what she just told me. Alam ko namang hindi na kami ganoon ka close ni Cole. But i know how much she loved her boyfriend.

So i went to the kitchen and binuksan ko yung isa sa mga cabinet. Then i grabbed a bottle of whiskey and two glasses because i know kung saan ang pupuntahan ng usapan. Tagay.

" Sorry na rin, ah? Medyo naabala kita.. " malungkot na tugon niya. " I can't tell my other friends rin kasi about this eh.. Baka kantyawan lang nila ako.. "

" Why? Ano ba kasing nangyari? " concerned na tanong ko.

" It is uhh... Hindi na kasi talaga kami magkaintindihan... " sabi niya sa akin na parang medyo naluluha na.

FAST FORWARD FOR A FEW HOURS..

Ilang oras na rin ang lumipas. Hindi naman kami gaanong nakarami ng nainom since alam ko rin naman na mahina uminom si Cole.

FROM HELL WITH LOVEWhere stories live. Discover now