Chapter Fourteen

102K 4.1K 2.6K
                                    

"Boss mapagmahal sakalam!"

Natigilan si boss sa pagsusuot ng necktie nang bigla akong pumasok sa kwarto n'ya. Napangisi na lang ako at naglakad papalapit sa kanya saka hinawakan ang necktie n'ya.

"Boss, ako na rito," sabi ko saka ngumiti nang matamis.

Napasinghap ako nang paluin n'ya ang kamay ko saka nilayo 'yon sa necktie n'ya.

"Tumigil ka. Baka mamatay na 'ko nang tuluyan kapag hinayaan ulit kitang magsuot ng necktie sa 'kin," nakakunot-noong sabi n'ya.

Napaismid ako. "Akala ko ba ang habol mo sa 'kin, e, mapangasawa ako?! Diba ginagawa ng mga wife 'yan sa asawa nila?!" asik ko saka hinampas siya sa braso.

"Oo nga, pero kapag ikaw ang nagsuot ng necktie ko, mabu-byuda ka nang maaga!" reklamo n'ya.

"Sus, edi mag-aasawa na lang ako ulit," bulong ko.

Agad naman akong ni-headlock ni boss saka ginulo nang todo ang buhok ko. Naiinis na kinuha ko naman ang kamay n'ya saka kinagat 'yon.

"Ang lakas na naman ng tama mo! Ano na naman ba'ng kailangan mo?!" asik n'ya.

"Naghihiganti lang ako dahil ayaw mo 'kong isama sa trabaho. I so boring in the worlds of you!" singhal ko saka inalis ang braso n'ya sa leeg ko saka walang pasabing naglambitin sa batok n'ya saka niyakap ang baywang n'ya ng mga hita ko.

"Gusto mo bang magtrabaho sa kompanya?" biglang tanong n'ya.

Napasinghap ako at agad na umalis sa pagkakalambitin sa kanya. "Ano'ng trabaho, boss?" excited na tanong ko.

"Magnanakaw," agad na sagot n'ya.

Naiinis na kumuha ako ng unan saka hinampas 'yon sa mukha n'ya. "Wala kang kwenta kausap! Hindi talaga kita sasagutin always and forever!"

"Joke lang, Ma'am... Pa-kiss na nga lang," sabi n'ya saka dinampian ng halik ang labi ko.

Napaismid na lang ako at kinagat ang panga n'ya saka yumakap sa baywang n'ya. "Boss, uwian mo na lang ako ng langka. Gagawa kami nina Andeng ng minatamis na langka, e," sabi ko saka tumingin sa pogi n'yang mukha na masarap kagatin.

Tumango si boss saka muling dinampian ng halik ang labi ko. "Pipilitin ko umuwi nang maaga. Hindi ko kayang malayo nang matagal sa amo ko," nakangising sabi n'ya saka pinagdikit ang tungki ng ilong namin.

"Tama 'yan, alipin. May regalo ka sa 'kin mamayang gabi dahil diyan... hahayaan kitang hawakan ang boobs ko kaso one seconds lang," sabi ko saka nagtaas-baba ng kilay.

Natawa si Ashteroh saka inilapit ang labi sa tainga ko at marahang kinagat 'yon. "Ma'am Nathalie... stop seducing me like that. I've been controlling myself around you... Baka mamaya hindi na 'ko makapagtimpi," bulong n'ya saka niyakap ako nang mahigpit.

"Sino ba ang nagsabi sa 'yo na magtimpi ka?" nakataas-kilay na tanong ko.

Napangisi siya. "Palaban si Ma'am."

Hinawi ko ang buhok ko. "Siyempre naman 'no. Hindi lang ganda meron ako," sabi ko na lang saka kinindatan siya.

Natawa si Ashteroh at tila nanggigigil na pinupog ng halik ang mukha ko pababa sa leeg ko. Hinampas ko na lang ang mga braso n'yang nakayakap sa 'kin saka bahagyang siyang itinulak palayo.

"Boss, sige na. Lumayas ka na para makauwi ka kaagad. Ayokong ma-miss ka nang matagal," nakasimangot na sabi ko.

Natawa na lang siya saka inayos na ang necktie n'ya. Nagsuot na siya ng blazer n'ya saka ng relo bago lumapit sa 'kin at dinampian ng halik ang sentido ko.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon