Chapter 17

2.4K 143 13
                                    

Beatrice POV

Nang makapasok ako ng bahay ay sinalubong ako na tila galit na tingin ni dad

"At san ka nanaman galing Beatrice?!"bungad nito sakin

"S-sa kaibigan ko lang po d-dad" mahinang sagot ko

"Kaibigan?! O baka pumunta ka nanaman don sa Rayleigh na yon?! "

"D-dad.."

"Hindi ka man lang nag paalam sa mommy mo na kaganina pa nag aalala sayo! Napaka tigas talaga ng ulo mo!" Sigaw nito sa akin

Wala  nalang ako nagawa kundi mapayuko

Simula nang maglaho si malori ay naging ganto na pakikitungo sakin ni dad.

Lagi itong galit pag nakikita ako na tila ba na kahit isang beses ay wala na akong nagawang tama sa mga mata nya

Lagi nito binubuhos ang galit nya sakin

nang dahil daw sakin nasira daw ang pagkakaibigan nang dalawang pamilya ang Satori at ang Salvatore

Pero hindi ko naman magawang tumanggi dahil totoo ang sinasabi ni dad.

Maraming business ang iki-nansel ng mga satori sa amin

Nang dahilan ng pagka lugi ng iba naming business

"Nang dahil sayo! Nasira na ang lahat nang kinaiingat ingatan ko!!" Malakas na bulyaw nito

"Benjamin?! Ano nanaman ba ito?!"

"Pag sabihan mo yang anak mo!! Madami nang problemang ikinahaharap ang pamilya naten pero parang wala lang sa kanya! At nakuha pang makipag kita sa kabit nya!"galit ni sigaw ni dad na ikina pikit ko lang

"Ano ba benjamin? Wag mo ngang sigawan ang anak natin!! Kahit ano pang mali nagawa nya anak parin natin sya!!"
Si mom

"Anak?! Wala akong anak na kasing tigas ng ulo nya! Kung lagi sya late uuwi ng bahay palayasin na natin sya!!"

"BENJAMIN!!"

Hindi ko nalang naisipan pang umimik nang mag simula nang magtalo ang magulang ko

Malakas na mga vase na naka display nalang ang mga narinig kong nagsisibagsakan bago galit na umalis si dad ng bahay

M-mom.." naiiyak na tawag ko

"Shh...baby..."si mom niyakap ako nito na niyakap ko rin pabalik at hindi ko na napigilan ang pag tulo ng luha ko sa balikat ni mommy

"I'm so sorry m-mom.. n-nang dahil sakin l-lahat ng pinaghirapan n-nyo"

"Shh.. wag mo sisihin sarili mo honey..nagmahal ka lang.." alo ni mom sakin napayakap ako ng mahigpit sa kanya

"Hayaan muna natin ang daddy mo mainit lang ulo nyan dahil sa trabaho" usal ni mom wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak sa balikat nya

Pero napatigil kami saglit ng may marinig kaming tumatawag kay mommy

"Yes ceasar?"

Si ceasar ay isa mga tauhan ni mom and dad na nag hahanap kay malori

"Wala po ba si sir? May goodnews po akong sasabihin" naka ngiting usal nito

Na ikinatuon ng atensyon namin dalawa

"Wala sya ngayon may nilakad pero.. ano ba goodnews yang dala mo?"

"Ma'am.. nakita na po namin kung nasan si ma'am malori!"

--------------

"Maaasahan ka talaga kahit kailan ceasar!!" Nakangiting usal ni dad dito

Loving Beatrice Salvatore Where stories live. Discover now