Chapter Fifteen

103K 4.3K 3.4K
                                    

Napakuyom ang kamao ko. Tumingin ako kay Ashteroh habang hinihintay ang sagot n'ya.

"No, I didn't miss you. Now, will you please get out? I really want to take a shower now," sabi ni boss saka hinubad ang blazer n'ya, tila ba hindi siya apektado sa presensya ni Aoife.

Imbis na mainis, natawa na lang si Aoife sa sinabi n'ya. Tumayo ito saka lumapit kay Ashteroh. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang tumingin si Aoife sa direksyon ko saka ngumisi sa akin.

"Why? Don't you like what I'm wearing right now? You used to like it when I wear it before. Why don't we... do things we always do before? You know what I mean, right?" tila nang-aakit na tanong n'ya.

"What do you mean? The things we always did before is fighting and arguing... but what should we argue about now?" tanong ni boss.

Natigilan si Aoife sa sinabi ni Ashteroh. Halatang hindi n'ya nagustuhan ang sinabi nito. Napakunot na lang ang noo ko dahil hindi ko naman gaanong naintindihan ang sinabi ni boss.

Tangina, bakit ba ayaw nilang magtagalog?!

Natigilan ako nang hawakan ni boss ang braso ni Aoife saka hinila ito palabas ng kwarto n'ya saka pumasok sa loob at basta na lang sinara ang pinto. Malamang lagkit na lagkit na 'yon at gusto ng magshower.

"Pft!" Napatakip ako sa bibig ko at nagpigil ng tawa.

Tumingin sa 'kin si Aoife nang masama. Napakagat na lang ako sa loob ng pisngi ko para pigilin ang sarili ko na mapahagalpak ng tawa. Seryoso dapat ako sa sitwasyon na 'to kaso laptrip si Ashteroh. Parang gago amputa.

"Hay nako... minsan talaga ang past dapat kinakalimutan na lang," pagpaparinig ko saka nagtungo na lang sa kwarto ko.

Kumuha ako ng isang jacket saka muling lumabas. Napakunot ang noo ni Aoife nang makita akong may hawak na jacket. Lumapit naman ako sa kanya at itinakip sa sexy n'yang katawan ang jacket na kinuha ko.

Shet, ang gentlewomans ko naman. Kung ako si Aoife, sa 'kin na lang siya na in love at hindi kay boss Ashteroh. Pero hindi ko siya ica-crushback kung sakali kaya h'wag na lang din.

"Kumusta naman ba, p're? Ex ka ni boss kaya dapat alam mo na dapat ang trip n'ya kapag galing sa trabaho," napapailing na sabi ko.

"Ah, sorry. Dati kasi sinusugod n'ya agad ako ng halik at yakap pagkagaling n'ya sa trabaho," nakangising sabi n'ya.

Natigilan ako. Hindi ko nagustuhan ang sinabi n'ya pero hindi ko 'yon pinahalata. Natural lang na gano'n sila noon dahil magjowa sila dati... pero hindi ko maiwasang mainis.

"Ah gano'n? Gusto n'ya kasi mabango muna siya bago n'ya ako sugurin ng yakap at halik," nakapamaywang na sabi ko.

Imbento ko lang talaga 'yon... pero ayaw ko kasing magpatalo sa kanya.

Natawa si Aoife. "Baka kasi hindi n'ya naman talaga gustong yakapin at halikan ka."

"Talaga, Sharmaine pakyu..." bulong ko. "Saka anong hindi n'ya ako gustong yakapin at halikan? Kahit nga tulog ako panay ang halik sa 'kin no'n, e."

Imbento lang din 'yon pero... K, fine. So what? Mahilig din mag-imbento ang mga science tease... Ayaw ko talagang magpatalo sa babaeng 'to.

"Don't celebrate yet. Ash is usually like that. He's not showy," sabi ni Aoife saka napaismid.

Natigilan na lang kami nang magbukas ang pinto sa kwarto ni Ashteroh. Nakasuot na siya ng t-shirt at jogging pants. Agad siyang napatingin sa 'kin at niyakap ako. Agad n'yang pinupog ng halik ang buong mukha ko na para bang hindi n'ya nakikita si Aoife.

Napangisi ako at tumingin kay Aoife na tila hindi makapaniwalang nakatingin sa amin... Hindi pala showy ha.

"Magtabi ulit tayo matulog," anas ni boss saka isinubsob ang mukha sa leeg ko.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon