Chapter Sixteen

103K 4K 3.6K
                                    

“Boss, makikipag-meet ako sa friends ko.”

Nakalambitin lang ako sa likod ni boss habang nagsusuot siya ng relo. Halos magusot na ang blazer n'ya pero tila wala na naman siyang pakialam do'n.

“Sino?” tanong n'ya.

Umalis ako sa pagkakalambitin sa kanya saka hinarap siya. “Yung mga kaibigan kong magnanakaw. Magbo-bonding lang kami,” sabi ko saka napakamot sa batok ko.

Natawa si boss. “Paano ba ang bonding n'yo? Magnakaw?” tanong n'ya.

Naiinis na kinagat ko siya sa panga saka yumakap sa batok n'ya. Natawa na lang siya saka yumakap din sa baywang ko.

Bigla kasing nag-text sa akin si Gina at nagyayayang makipagkita. Magbonding daw kami. Baka nga pagnanakaw ang bonding na tinutukoy n'ya.

“Boss, pansin ko hindi ka nag-aalmusal bago pumasok,” sabi ko saka tumitig sa kanya.

“Kape lang naman ang iniinom ko sa umaga. Hindi ako sanay mag-almusal,” sabi na lang n'ya.

“Eh paano kung ako 'yung almusal? Kakainin mo ba ako? Ror,” sabi ko saka kumindat sa kanya.

Napangisi si boss saka humawak sa baywang ko. “Ang sarap namang almusal n'yan,” anas n'ya saka dinampian ng halik ang labi ko.

“Mas masarap ang almusal na iluluto ko para sa 'yo, boss. Ready ka na ba?” tanong ko saka nagtaas-baba ng kilay.

“Papasok na sana ako sa trabaho... pero hindi naman ako maka-hindi sa Ma'am ko. Basta ba hindi ko ikamamatay 'yang iluluto mo, kakainin ko 'yan,” natatawang sabi n'ya.

“Sus, nu'ng birthday mo nga kahit ang sama ng lasa ng niluto ko, inubos mo pa rin, e. Talaga bang patay na patay ka na sa 'kin no'n pa lang?” nakangising tanong ka.

“Tangina, ang yabang,” sabi n'ya saka pinitik ang noo ko.

“Hindi naman kita masisisi, boss. Makapigil hininga talaga ang ganda ko,” mayabang na sabi ko.

OMG, peoples. I so really really beauty pool likes the people in me is the insecurity of others womans.

“Hoy, nag-e-english ka na naman sa isip mo 'no?” natatawang tanong ni Ashteroh.

Napasinghap ako. “Wow, boss. Para kang side cake! Nababasa mo ang isip ko,” namamanghang sabi ko.

“Tanga, psychic 'yon,” pagtatama n'ya sa sinabi ko.

“Whatevers. Halika na, boss. Ipagluluto kita ng malupit na almusal. Kakaibang almusal 'yon. Kapag natikman mo, hahanap-hanapin mo na,” nakangising sabi ko.

Idinikit ni boss ang matangos n'yang ilong sa ilong ko. “Imbis na matakam, parang natatakot pa 'ko sa sinasabi mo. Sarapan mo ang luto ha,” natatawang sabi n'ya.

“K, fine,” sabi ko na lang at inalis ang pagkakayakap n'ya sa 'kin saka hinila siya palabas ng kwarto.

Nagtungo kami sa kusina. Agad kong pinaupo si boss saka ninakawan siya ng halik sa lips. Hindi lang pera ang ninanakaw ko, peoples. Magnanakaw rin ako ng puso at ng kiss sa poging power ranger na nagngangalang Ashteroh Alexeev na akala ko tatay ko ayun pala yummy na may malaking etits.

“Ano'ng naisipan mo at magluluto ka?” tanong ni boss habang pinapanood lang ako.

“Kapag mag-asawa na tayo at laging nagse-sex, dapat marunong na 'ko magluto. Kaya nagpa-practice na ako ngayon pa lang,” sabi ko na lang saka binuksan ang kalan.

Natawa si boss. “Habol mo rin ba na mapangasawa ako, Ma'am Nathalie?”

“Oo naman, boss mapagmahal sakalam. Unang kita ko pa lang sa pwet mo, I knowing that you is number one and not number two,” sabi ko na lang.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon