Chapter Four

10K 404 75
                                    

Victoria


"Mama, I'm thinking about visiting you at that University tomorrow. But you're here na po." I am just silently watching my daughter while eating. She's too busy having story time with Banana Crescencio.

"Masyado mo naman akong miss, Baby e. Hindi naman kailangan na puntahan mo pa ako dahil p'wede namang ako ang dumalaw sa 'yo at sa Mommy mo." I rolled my eyes.

Disbelief is actually evident in my face right now. This girl is getting on my nerves. Kanina pa siya no'ng nagsimula ang dinner namin.

Mailap ang anak ko and now they are close already. Talagang ni-welcome siya ng parents ko dito sa bahay.

Hindi na rin naman siya nilubayan ng anak ko. She's too attached and I don't know how it happened. She's still a stranger and I am not used to someone coming here.

"You are right naman po, Mama. But when you will come here again?" Kumakain pa lang at hindi pa umaalis ang kausap niya but Ashlyn already asking her kung kailan babalik ang Crescencio na ito.

I really can't believe this now. Pakiramdam ko pinalitan na ako nito bilang Mommy.

"Baby, Banana is busy too because she's a student specifically, my student." Baka kasi nakakalimutan niyang estudyante ko pa rin siya. Kung kailan siya titino ay hindi ko alam.

I want her to stop.

"Pero kaya ko naman mag manage ng oras Baby Ashlyn. Busy din naman ako pero nandito ako ngayon kasama niyo." I don't know if si Ashlyn ba talaga ang kausap nito o ako because she's directly looking at me. "Ayaw lang ata ng Mommy mo na makita ako e."

Ngumisi ito na ikinatitig ko ng masama sa kaniya. Gusto ba niyang magalit ang anak ko sa akin?

"No po Mama. Mommy is kind po. Right Mom?"

Napipilitan akong tumango.

Gosh Crescencio.

Nang iinis pa itong ngumiti bago nag iwas ng tingin.

Mom and Dad have their world. Para silang walang pakialam sa amin na nandito rin kasama nila.

Hindi ko na lang ito pinansin ulit at hinayaan na lang silang dalawa. Kumain na lang ako para matapos na ito. It feels like kalbaryo ang kasama siya dahil sa tigas ng ulo niya.

Ano bang gagawin ko sa batang ito at ako pa talaga ang naisipang paglaruan.

Hinayaan ko na lang ang dalawang mag usap ng kung ano man dahil kung ano-ano ang naririnig ko sa kanilang dalawa. Tungkol lang din ito sa pag aaral ng bata.

Hanggang sa matapos ay ang dalawa lang ang naririnig ko. Nagkakatuwaan ata ang dalawa.

"Ako na maghuhugas ng pinagkainan, Mom." I suggested.

"Ako na bahala, sweetheart. Asikasuhin mo na lang 'yang dalawa—"

"But Mom." Tutol ko. Kung si Ashlyn ay p'wede pa. Alangan na ako din ang bahala sa Crescencio na 'yan? That's absorbing!

"Paano ba 'yan, Irog? Ikaw na daw bahala sa amin ng anak mo." Taas baba pa talaga ang kilay nito. I snickered in disbelief.

"Sa sala na muna kayo, Banana. Kami na ang bahala dito." Tumayo naman ang dalawa. Nagpapabuhat naman ang anak ko dito.

"Ashlyn—" Pipigilan ko dapat ito.

"Sure!" And ano pa ba? Binuhat talaga niya ang anak ko. "Tara!"

Sinundan ko lang ng tingin ang dalawa hanggang sa makalabas sila ng kusina. Scratching my eyebrows dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa batang 'yon.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon