Chapter 48

369 13 0
                                    

"Bakit ang tahimik niyo? You can talk about something naman. Isipin niyo nalang na may napaka gwapo kayong driver. Don't be shy"

Inirapan ko nang palihim si Calixian. Kahit kailan talaga di mawawala ang kahanginan sa katawan niya.

"Kung tatanda kang mahangin, kawawa magiging asawa mo ulol" bulong ko sa gilid.

Mukha namang narinig ni Sarchzani ang sinabi ko dahil siniko niya ako at nagsimula siyang tumawa.

Di ko nalang siya pinansin at tumingin ng diretso sa daan.

"We're here" Sabi ni Calixian.

Tinignan ko ang lugar at maganda naman ang paligid.

"Dito nalang tayo kumain ayos lang sa inyo? Para ipakilala ko rin kayo sa secretary ko" Sabi niya.

"Wala naman akong connection sa secretary mo. So no need to introduce me to her" Sabi ko at lumabas nang kotse.

Nauna akong pumasok sa restaurant at naghanap ng upuan.

"How many times do I have to tell you that it's not HER!" Napayuko ako dahil sa lakas ng boses ni Calixian. Bigla tuloy napatingin ang mga tao.

"Can you please lower you're voice? At saka humanap ka na ng upuan mo, may ka meet ka diba?" Sabi ko kay Calixian at tinignan si Sarchzani

"Come here na, I'm hungry" tawag ko kay Sarchzani.

Nang maka upo na siya ay sinipat ko ng tingin si Calixian na ngayon ay naka upo sa may harapan namin.

"Maybe your brother is just kidding. Halata naman na nag papacute lang yan sa mga babae diyan eh" Sabi ko kay sarchzani ng makita ko na sinusuklay ni Calixian ang buhok niya

"You act weird today" Sabi ni Sarchzani na ikina kunot ng noo ko.

"Ano naman ang ikina weird ko?" Tanong ko

Tinignan niya ako na parang sinusuri ang expression ko. Nilabanan ko naman ang tingin niya at ipinakita na hindi ako weird. Bang lumipas ang isang minuto na ganun parin siya ay ako na ang unang nagsalita.

"Stop it Sarchzani, ginugutom lang natin ang isa't isa" Sabi ko sa kanya.

TIME pass by at halos maubos ko na ang kinakain ko, at wala paring kasama si Calixian sa table niya. Blangko lang ang tingin nito at nakatutok sa cellphone niya.

"Tss, secretary pala huh" bulong ko.

Tinapos ko na ang kinakain ko at saka tinignan ulit si Calixian. Sa ngayon ay nakatingin na siya sa entrance nang restaurant, at nagsalubong ang mga kilay.

Binantayan ko lang ang mga kilos niya hanggang sa mas lalong nagsalubong ang kilay niya at parang galit na hindi maintindihan.

"Oh hi!" Cool na sabi ng lalaki na ngayon ay sinusuklay pa ang basang buhok habang papunta sa table ni Calixian.

"Am I late? SIR?" sabi nung lalaki at tinawanan si Calixian.

Pinanuod ko lang itong umupo sa upuang kaharap kay Calixian habang tumatawa.

"Are you aware of what you are doing?" Malamig na sabi ni Calixian.

"Yeah, I came here for work" sabi ng lalaki at kinuha ang menu.

Work? Ito ba yung secretary niya? Ba't lalaki?

"Yeah for work. Pero kasama ba doon ang paghintayin mo ang amo mo? Hindi naman diba? Now, WHY ARE YOU LATE?"

Nabigla ako ng biglang sinigawan ni Calixian ang lalaki. Sa itsura niya ngayon halatang galit na galit na siya. Ibang iba sa playful side niya.

"I slept late, so I woke up late" sagot ng lalaki na parang wala lang sa kanya ang galit ni Calixian

"Really huh? Alam mo naman na ayaw ko nang pinaghihintay ako diba?"

"I know it bro, uh--SIR but you also know na ayaw ko nang minamadali ako, so Am I hired or not?"

Nagpipigil ako ng tawa dahil sa sagot nung lalaki. Akalain mo naman, di lang pala ako nag iisa na nambabara kay Calixian. Mukhang may karamay na ako HAHA.

"Tss, ano nga ba ang nakain ko at sa lahat ng tao ikaw pa ang kinuha kong sekretarya ano? Dapat babae yun eh, isang maganda at sexy na babae hindi katulad mo" malamig na sabi ni Calixian.

"Tss duh, babae na naman" napa irap nalang ako sa narinig ko.

"Kahit kailan talaga, yang kapatid mo hindi magbabago ano?" Sabi ko kay Sarchzani.

Tumawa naman ito.

"Ganyan na talaga siya. Umaasa nga ako na may babaeng magpapabago diyan eh, medyo tumataas na yung edad niya tapos babaero parin, paano nalang kung umabot na siya ng 40? Ganun parin? Baka nakapag asawa nako niyan tapos siya babae parin inaatupag" naiiling na sambit ni Sarchzani.

"Sana lang dumating na yung babaeng yun. Nang magbago na ang ugali niya. Diba yung pag ibig nakakapag pabago ng ugali? Well, not to all people pero may nakikita din naman akong nagbabago. Sana lang pag dumating na ang babaeng yun eh mabago niya ang kuya mo"

"Hope so, uhm tapos kana, and tapos na rin ako. Thank you Felishia for joining me this morning---

"Wait-wait HAHA wag naman ganyan, masyadong pormal eh para tuloy may meeting tayong dalawa hahaha"

"Oh sorry. Thank you parin kasi pumayag ka na kumain kasama ako"

"Ano ka ba wala yun noh." Sagot ko.

"So uhm, hatid na kita sa inyo?" Aniya.

"Okay" sagot ko.

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko para aalis na sana nang maalala ko na wala palang dalang kotse si Sarchzani kanina

"Ah- Sarchzani, di mo pala dala yung car mo kanina, gusto mo magpadala nalang ako nang driver dito? Magpasundo nalang tayo?" Suggest ko.

"Oo nga nakalimutan ko." Nagkakamot ulo niyang sabi.

"Hey you two!" Napalingon ako sa likod ng may biglang tumawag sa amin.

"Sabi ni SIR sabay nadaw kayo, at bawal daw tumanggi" nakangiting sabi nung lalaking kasama ni Calixian.

Tumingin ako kay Sarchzani.

"Sasabay ba tayo? Pwede ko naman tawagan---

"Magkasama tayong pumunta dito, magkasama rin tayong uuwi UNDERSTAND?"

Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman kong nasa likod ko lang si Calixian. Lalo na ng maramdaman ko ang hininga niya na tumatama sa batok ko. Feeling ko parang ang lapit- lapit- niya lang saakin.

Oh, help!




Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon