MVEN-25

75 57 5
                                    

"Isabel, isarado mo nga yang bintana mo,"

Hating gabi na pero gising parin ako. Nagulat pa ako nang biglang pumasok si kuya sa kwarto at inutasan akong isarado ang bintana na nakaharap sa kwarto ni Dave.

"Bakit kuya?" Nagtatakang tanong ko at dahan-dahang umupo.

Hindi na niya ako sinagot at siya na mismo ang sumara nang bintana ko. Pagkatapos niyang isinarado ang bintana ay tumayo siya sa dulo nang kama at tinignan ako.

"Bakit?" Tanong ko.

"Nasasaktan ka, pero bakit di mo manlang sinasabi sa'kin? Kuya mo ako Isabel,"

Hindi ko na alam ang isasagot ko kaya napayuko nalang ako habang ramdam ko ang pag-alala ni kuya para sa'kin.

"Oo, alam ko mahal mo siya pero kung malalaman ko na sinasaktan ka niya ay kaya kong gawin ang lahat para mapalayo ka lang sa kaniya. Kung pwede lang ngayon agad ay tatawagan ko si ate para papuntahin ka nang Amerika para lang malayo ka sa kaniya."

"Hindi niya ako sinasaktan kuya. Ako mismo ang pumipili nang desisyon na saktan ang sarili ko," sagot ko sa kaniya.

"Ni minsan hindi naging desisyon ang pagmamahal, Bell. Kung mahal mo edi mahal mo, wala ka nang magagawa," saad ni kuya.

"Pero...pero di niya alam, di niya alam na...na gusto ko siya," mahinang saad ko.

"Manhid lang ang hindi makakaalam na hindi mo siya mahal, Belle"

So alam niya? Alam niya kaya? Nararamdaman niya?

"Pero bakit kailangan niya parin akong tanungin kung alam na naman pala niya?" Tanong ko kay kuya.

Alam na niya pala, bakit kailangan pauli-ulit niya pang tanungin. Alam niya pero paulit-ulit niya din akong sinasaktan.

"Actions speaks louder than words, pero minsan everything you do would be nothing if you can't justify your actions,"

Napayuko nalang ulit ako nang marinig ang sinabi ni kuya.

"Kailangan ba kuya kapag magmahal ka ay masasaktan ka talaga, kasi yung akin parang puro nalang sakit," saad ko.

"Hindi ka na masasaktan, kinausap ko na siya, at gagawin ko ang lahat para hindi ka na masaktan,"

"Kinausap?" Nagtatakang tanong ko.

"Huwag mo nang isipin 'yon. Isipin mo muna ang sarili mo,"

Naglakad si kuya papunta sa'kin at niyakap ako nang mahigpit. "Kailangan mong magpahinga, pagod ka," he kissed my forehead before leaving my room.

Sinunod ko ang itos ni kuya at natulog ako. Napahimbing ang tulog ko at nang iminulat ko ang mga mata ko ay iisang tao lang ang nakita ko.

"D...dave?"

Hindi ako makapaniwalang nakita ko siya sa harapan ko. Pagkatapos niya akong palayain ulit babalik na naman siya?

"Ano na naman ba ang ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Belle, mahal na mahal kita,"

"Ano bang klase nang pagmamahal ang meron ka at hindi mo makalimutan?" Naiinis na tanong ko.

"Kahit ipagtabuyan mo man ako, mananatili parin ako sa tabi mo,"

After he said those words ay nagising ako mula sa panaginip na 'yon. So panaginip lang pala ang lahat. Nang ilibot ko ang tingin ko sa loob nang kwarto ko ay walang David na nakatayo sa gilid ko.

Halos lahat nang panaginip nang tao ay kabaliktaran nang mangyayari sa reyalidad.

Kabaliktaran nga ang nangyari, iniwan na niya ako eh.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon