1: Dèja vu

3.4K 54 3
                                    

Tharia's


"Morning," bati ni Trevor sa akin pagkabukas niya ng pinto. May dala siyang breakfast since hindi ako makakababa sa dining dahil kakagaling ko lang sa sakit.


He sat on our bed and put the breakfast on breakfast table. "Feeling better now?" He asked.


"Yup," Ngumiti ako.


He sighed. "Ang kulit mo kasi. Sinabi ko na sa 'yong huwag kang masyadong magpagod sa pag aaral, hindi ka natutulog, tapos nagpaulan ka pa."


I almost rolled my eyes. "Sinabi ko na rin sa 'yong tinapos ko lang ang lahat ng thesis at requirements ko para ngayong weekend, sa'yo at kay Cali lang ang oras ko." Sagot ko pabalik saka kinain ang breakfast na dala niya.


Nagulat ako nang bigla niyang inagaw sa kamay ko ang kutsara.


"Let me feed you," Saka siya kumuha ng kanin.


Tinaas ko naman ang mga kamay ko para ipakita sa kan'yang may sarili akong kamay at kaya kong pakainin ang sarili ko.


"May kamay ako, Trevor. Ba't papakainin mo pa 'ko?" Napairap ako.


"Because you're my baby?" Inosente niyang tanong.


Gusto kong mainis pero hindi ko rin nagawa, nangiti na lang ako dahil bahagyang kinilig.


Anim na taon na kami ni Trevor pero wala pa rin siyang palyang pasayahin ako.


Nagdecide akong ituloy ang pag aaral ko nang nag four years old na si Cali. Tourism Management ang course ko at balak kong mag apply sa Frenielle Airlines.


Nasabi ko kay Trevor ang balak kong pagtatrabaho sa airlines para kahit papa'no ay may maitulong naman ako para sa pamilya namin, kahit na hindi ko naman na talaga kailangan pang magtrabaho dahil sobra pa sa sobra ang kita ni Trevor. Pero syempre, iba pa rin iyong nagtatrabaho ka. At ang masaya pa doon, asawa mo ang boss mo. Isipin mo ha, asawa mo ang may-ari ng Airlines na pagtatrabahuhan mo.


Bahagya na lang akong napatawa habang iniisip 'yon.


"Ba't ka tumatawa?" Napabigwas ako sa tanong ni Trevor.


Nagsalubong ang kilay ko. "Masama bang tumawa?"


Umiling siya. "Hindi naman. Basta ako ang dahilan ng pagtawa mo." Saka niya ulit ako sinubuan ng kanin.


"Corny mo, ah?" I teased.


He just 'tsk' and continue feeding me.


Nang matapos niya 'kong pakainin ay inabot na niya sa akin ang gamot. Chineck niya rin ang temperature ko.


"Wala ka ng lagnat. Magpahinga ka na lang," bilin niya.


"I will. Sunday bukas, mamasyal tayo nila Caliver." Sabi ko na ikinatango naman niya.


Nagpaalam siyang ibababa na niya ang pinagkainan ko. Ako nama'y bumangon na rin sa kama para maligo para kahit papa'no ay maaliwalas ang pakiramdam ko.


Mahigit isang oras din ako sa banyo. Nasiyahan ata ako masyado sa pagligo.


Pagkabihis ko'y saktong pagdating ulit ni Trevor. Naka corporate suit na rin siya.


Lunakad ako papunta sa salamin ko at naupo. "Saan ka? Sa company o sa airline?" Tanong ko habang nagsusuklay.


He glanced then walked towards me. "Do you want me to stay here?" Tanong niya sa malambing na boses sabay yakap sa akin sa likod.


All of Her (His Maid Sequel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon