Chapter Twenty

97.6K 4.4K 2.4K
                                    

"Nathalie... Hindi mo naman kailangang gawin 'yon para sa amin. Kami ang dapat na parusahan at hindi ikaw. S-Susubukan ko ulit na kausapin si Ashteroh Alexeev," bulong ni Gina habang nakatungo.

Napatigil ako sa paglalagay ng make up at napatingin sa kanya. Tipid na ngumiti na lang ako.

"Kahit pa kayo ang namilit sa akin na lokohin si Ashteroh... ako pa rin ang pinagkatiwalaan n'ya. Ako ang pinagkatiwalaan at minahal ni Ashteroh pero nagawa ko siyang lokohin at iwan... kaya sa akin siya pinakagalit, Gina. Dapat lang na ako ang parusahan n'ya," sabi ko na lang saka napabuntonghininga.

Muling napatingin na lang ako sa salamin. Hindi ko alam kung ano ang mga mangyayari. Sinabi n'ya na pagtatrabahuhan ko ang ninakaw namin sa kanya... ibig sabihin no'n hindi ko magagawa nang ayos ang trabaho ko sa hotel. Baka mapatigil pa ako sa pag-aaral nito.

"Good morning, Nathalie. Halika na, sakay na!"

Napakunot ang noo ko nang si Cadence ang bumungad sa 'kin paglabas ko ng apartment. Napahawak ako nang mahigpit sa bag ko saka napabuga ng hangin.

"Mare, sakay na. Hinihintay ka ni Ashteroh. Let's go," sabi pa n'ya.

Wala na akong nagawa at sumakay na lang sa kotse n'ya. Napangisi naman siya at agad na pinaharurot ang kotse. Hindi na lang ako nagsalita at tumingin sa labas ng bintana.

"Ashteroh is not cruel, Nathalie," saad ni Cadence.

Natigilan ako at tumingin sa kanya. Tipid na ngumiti ako saka tumango. "Alam ko," sabi ko na lang.

"Mabait ang gagong 'yon. Para sa 'kin siya ang pinakamatino sa 'ming lahat... pero alam mo naman diba? Iba magalit ang mababait," sabi n'ya saka napasipol na lang.

Hindi ako nakapagsalita. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko at muling napaiwas ng tingin kay Cad... Ayoko ng isipin kung gaano nagdusa si Ashteroh nang umalis ako. Pakiramdam ko, masasaktan lang ako kapag nalaman ko kung gaano siya nasaktan kahit ako pa ang nanakit sa kanya.

"Kung tutuusin mabait pa si Ashteroh dahil ito lang ang gagawin n'ya sa 'yo... Kung sa akin ginawa 'yon, babalatan ko ng buhay ang taong gagawa sa 'kin no'n. Pagsisisihan n'yang tinarantado n'ya 'ko. Hindi ako magpapakita ng awa kahit na mahal ko pa 'yon. Tatawa ako habang nasigaw siya sa sakit... Kaya buti na lang talaga at si Ashteroh ang nabiktima mo, mare," sabi ni Cad saka binigyan ako ng kakaibang ngiti.

Napakurap na lang ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nagtayuan ang mga balahibo ko sa ngiti n'yang 'yon.

Tumawa siya. "Chill, mare. Joke lang 'yon," tumatawang sabi n'ya.

Hindi na lang ako nagsalita at napaiwas ng tingin sa kanya... May kakaiba talaga kay Cadence na hindi ko maipaliawanag.

"Salamat," sabi ko na lang at agad na lumabas ng kotse ni Cad pagkarating namin.

Napabuga ako ng hangin at hinanda ang sarili ko bago pumasok sa hotel. Alam kong dito na magsisimula ang parusa ko. Dapat ihanda ko na ang sarili ko dahil magsisimula pa lang ang lahat.

Nagsimula na 'kong magtrabaho. Nakakapagtaka na hindi ako pinapatawag ni Ashteroh. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip... may pinaplano pa ba siya?

"Ma'am Naths, pinapatawag ka ni Mr. Alexeev," sabi ng isang staff nang makalapit sa akin.

Napakagat ako sa ibabang labi ko saka tumango. Naramdaman ko ang paghu-huramentado ng puso ko, hindi tamang makaramdam ako ng ganito sa sitwasyong 'to pero hindi ko mapigilan. Alam kong galit na lang ang nararamdaman n'ya sa 'kin ngayon... hindi na dapat ako umasa sa mga bagay na imposible.

Agad akong nagtungo sa hotel room ni Ashteroh. Nakabukas na ang pinto kaya pumasok na lang ako sa loob. Naabutan ko na may dalawang staff malapit sa pintuan ang nakatungo lang. Natigilan ako nang sumilip ako sa loob ng silid n'ya. Bahagya akong napaatras sa bumungad sa akin... Sobrang gulo ng kwarto n'ya.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon