Special Chapter

23K 348 17
                                    

"Wag kayong tumakbo Chandler,
Chevy!" sigaw ko sa kambal na mabilis na tumatakbo dito sa aming bakuran.

"Mimi!" rinig ko namang iyak ni Chandler.

Sinasabi ko na nga ba at madadapa ito.

"Tsk! ano ba kasing sinabi ni momma sa inyo?" iritang sabi naman ni Zane.

Naiiyak na namang yumuko si Chandler habang ang kambal nitong si Chevy ay pinagtatawanan siya.

Zane now is 14 years old and the twins is 10 years old.

"M-mi-mi." naiiyak na sabi ni Chandler at tumakbo sa akin.

Agad siyang yumakap sa bewang ko at rinig na rinig namin ang bawat hikbi niya.

"What's happening here?" boses ni Zyair ang nagpatigil sa pag iyak ni Chandler.

"Didi!" sigaw ni Chevy at agad nagpakarga sa ama.

Naiiling nalang ako sa kanila.

"Why are you crying Chandler?"
tanong ni Zyair pagkatapos buhatin si Chevy.

"Dapa po ako." nakayukong pinapamunas ni Chandler ang likod ng kamay sa mukha niyang puro luha.

Si Chandler sa lumipas na sampung taon ay lumaking makulit,pilyo,
iyakin.

Hindi tulad nang kakambal niya na lagi siyang tinatawanan kada madadapa.

Ewan ko ba at parang nagkapalit ng ugali ang dalawa.

"Bakit ka nadapa?" tanong pa ng asawa ko.

"Tumatakb—"

"Ang kulit niya kasi dad, takbo nang takbo kahit sinabihan na ni momma ayan nadapa." pagputol ni Zane sa sinabi ni Chandler.

Sumimangot naman ang isa at maya maya lang ay rinig na muli ang malalakas na hikbi nito.

Binaba ni Zyair si Chevy at lumapit kay Chandler,lumuhod siya sa harapan nito bago tinanggal ang mga kamay nitong nakaharang sa mukha.

Pinunasan ni Zyair ang luha ni Chandler at binubulungan ito ng mga salitang hindi ko maintindihan.

"Tahan ka na, you're a big boy already diba?" tanong ni Zyair dito habang pinupunasan ang pawis at a inaalis ang mahabang buhok na napunta sa mukha.

Hanggang balikat ang buhok nang kambal dahil ng mag tatlong taon sila ay napag isipan namin ni Zyair na pahabain ang mga buhok ng mga ito.

Kada taon ay tinitrim lang ang dulo ng buhok nila at hindi iikli sa may tenga.

Nagustuhan naman iyon nang kambal kaya hanggang ngayon ay hindi pa nila sinasabi sa amin kung gusto nilang magpagupit.

"Baby, ang haba na nang buhok mo ha." pansin ni Zyair sa humahaba na ngang buhok nito.

Tatlong buwan na kasing hindi natitrim ang buhok nila dahil nabusy kami sa mga out of the town.

At sa pag aaral nila.

"Ayaw ko po magpagupit didi."
natatakot na sabi agad ni Chandler habang umiiling iling pa.

Natawa naman si Zyair ang buhok nito bago nito buhatin ang bata.

"Of course we will not cut your hair."
natatawa pang sabi nito.

"Didi, ako po gusto ko na po macut hair ko." biglang sabi ni Chevy kaya napatingin kami sa kaniya.

"Bakit naman baby?"t anong ko.

Nakakagulat lang, halos pitong taon nang mahaba ang buhok nila at ngayon lang siya nagsabi na gusto niya nang magpagupit.

Kaming apat ay nag aabang sa sasabihin ni Chevy.

Kulot ang buhok nang kambal pero mas kulot ang kay Chevy ang kaso ay hindi namin alam kung saan nila iyon namana gayung parehas straight ang buhok namin ni Zyair.

"I just want a new look po." sagot ni Chevy.

Napabuntong hininga naman ako at lumaoit sa kaniya at lumuhod sa harapan niya upang magkapantay kami.

"Anak, baby sigurado ka bang gusto mo na icut tong long hair mo?" tanong ko sa kaniya habang hinawakan ang kulot na buhok.

Tumango tango naman siya kaya napatingin ako kay Zyair.

"Wag ka papagupit Chevy, Sige ka di ka na pogi." biglang sabi ni Chandler.

"Pero i want new look, new hair." sagot naman nito sa kakambal.

"Okay! ako nalang ang hahaplusin ni mimi kapag bed time na hindi ka na kasama kasi papagupit ka, wala na hahawakan si mimi."nilabas pa nito ang dila na tila inaasar ang kambal.

"Ayoko na po palang magpagupit mimi, didi." sabi naman ni Chevy.

Mukhang nauto na naman siya ng kakambal niya.

Humagikgik naman si Chandler sa naging sagot ng kambal kaya napatingin dito si Chevy at sinamaan siya ng tingin.

Kunwari pang zineper ni Chandler ang bibig at tumahimik na.

Napuno nang tawanan ang buo naming bahay.

❄️
Hello! I hope na maging happy kayo sa special chap na ito!
Bale gift ko to sa inyo kasi nag 100k reads na ang Betrayed.
Thank you so much for 100k reads!

(May next pa ito, ayun ang mga pictures nila Zane at twins plus--- wedding gown ni Clementine hehe)

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon