Chapter 19: Kurtina

115 9 8
                                    

Some of the words may be inappropriate to read. So please take it with your own risk.


Hyoyeon's POV

"Hyo bangag ka ba? o bangag ka lang talaga o ikaw na ata ang pinakabangag sa lahat ng nakilala ko?"-sabay ngiwi ni Baekhyun sa akin.

"Bakit? may masama ba sa sinabi ko?"-inosenteng tanong ko naman sa kanya

"Oo, sobrang sama!"-automatic akong napasandal sa pader dahil sa biglang pagsigaw nya sa akin. Nagulat ako dun ah.

Kumunot ang noo ko sa kanya..-"Ano bang problema mo Baek? high blood ka ata ngayon? may regla ka ba?"

Napameywang naman sya bago hinilot ang kanyang noo..-"Ikaw dapat ang tanungin ko nyan, Hyo. Ano bang problema mo?"

"Teka nga muna.."-saka ko inayos ang pagkakasandal ko sa pader bago nag-cross arm..-"May dapat ka bang sabihin sa akin?"

Nandito nga pala kaming dalawa sa kwarto kung saan kami natutulog nila Yoona, Sunny at Sooyoung at ewan bakit bigla syang pumasok dito. Panglimang araw na namin sa bahay ni Krystal at kasalukuyang naghihintay pa ng balita mula sa mga magulang namin.

Ayun sa sinabi ni Kris na syang ibinalita ng nanay nila Yoona at Tiffany, nasa Swaziland pa yung tatay nya kasama yung tatay ni Jessica, si tita Minji at parents ni Sooyoung. Kakatapos lang din daw nilang kumbinsihin ang Emperor at mukhang good news naman ang kinalabasan. So ilang araw pa ang hihintayin namin bago muling makarinig ng balita mula sa kanila. In short, ilang araw pa akong magdudusa dito.

Hay naku. Yoko na sa Earth.

"Bakit mo naman kasi ako yayayain sa bundok?"-balik tanong nya sa akin

"At bakit hindi? Baek naman! baka nakakalimutan mong tatlong taon tayo nanirahan doon? so mali bang yayayain kitang bumalik dun?"-ako naman ngayon ang napahilot sa noo ko. Sa totoo lang, may alam ba kayo kung anong pinagdadaanan nito?

"Kasi Hyo.."

Muli akong napatingin sa kanya..-"Bakit?"

Hinay hinay itong yumuko at kung may ano mang dumi ang mga kuko nya at ngayon nya lang naisipang linisin ang mga ito.

"Hoy! ano bang ginagawa mo?"-singhal ko sa kanya

Inangat nya ang kanyang ulo at muling tumingin sa akin. Ngumiti sya na para bang nahihiya na ewan at hinay hinay na lumapit sa akin na syang ipinagtaka ko naman. Agad nya akong niyakap..-"Hyo, bati na kami ni Chen."-sabi nya at kumalas sa yakap saka muli akong tiningnan na nakangiti..-"At kakausapin ko si Taeyeon tungkol sa amin."-masayang sabi nya saka muli akong niyakap.

"So BaekYeon ulit?"-tanong ko naman sa kanya

Napatango naman ito..-"BaekYeon with GMRC specialization"

Geh lang, I wish them all the best.

Lumayo syang muli mula sa pagkakayakap..-"Teka? bakit parang bitter ka? hindi ka ba masaya para sa akin?"-kunot noong tanong nya

Binigyan ko sya ng pilit na ngiti..-"Masaya ako para sayo. Sobrang saya. Kaso lang hindi ko naman kayang ibigay ang gusto mong reaction dahil wala na atang natitirang saya sa katawan ko."-honest kong sabi sa kanya

Napakamot naman ito sa kanyang batok..-"Hindi pa rin ba kayo nag-uusap ni---"

Alam ko na ang susunod nyang sasabihin kaya mula sa pagkakasandal sa pader ay naglakad ako papunta sa bintana..-"Kung ano man iyang sasabihin mo, wag mo ng ituloy, mas lalo lang atang sasama ang araw ko. Wag na. Tama na yung pagpapakatanga ko."-saka ako napabuntong hininga at napatingin sa labas ng bintana. Tumingin ako sa baba at nakitang nag-uusap sina Tiffany at Krystal.

We're Getting Married (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon