Chapter 63: Another one?

1.8K 81 32
                                    

ZEY'S POV

"Di nga?!"sabay sabay na tanong nila Diel, Yumi at Deil.

Tumango lang ako bilang sagot. Kinwento ko kasi sa kanila yung pagbisita ni Xaymond kagabi sakin hanggang sa pag-aya nya sa WH ball.

"Eh paano yun? Diba naunang nag-aya si Liam sayo?" tanong ni Deil

Tumango naman ako

"Pero nasa akin pa din ang desisyon kaya wala silang magagawa." nakangising sabi ko

"Sa wednesday na pala yung start ng WH events at may practice pa tayo bukas, overnight pa." naiiling na sabi ni Deil

Oo nga pala sabi ni Henz, simula bukas hanggang sa araw ng compete kelangan magkakasama na kami at magpraktis ng magpraktis.

Tumango lang ako atsaka tumingin sa pinto dahil bumukas ito at pumasok ang B7 na pinangungunahan ni Liam, nagtama ang tingin naming dalawa ni Liam at sa hindi malamang dahilan ay parang tumahimik at bumagal ang paligid habang nakatingin lang kaming dalawa ni Liam sa isa't isa.

"Hoy! Baka tumulo laway mo sa kakatitig sakin."

Agad akong bumalik sa ulirat at kumukurap-kurap na tumingala, nasa harapan ko na ngayon si Liam, habang ang ibang kasama niya ay nagtatawanan na tumuloy sa kaniya-kaniya nilang upuan.

"A-anong nakatitig pinagsasabi mo dyan?" sabi ko

Ngumisi lang sya tsaka umiling

"Meet me at the parking lot later, after class. Antayin mo ko ha, pag ikaw hindi ko nadatnan dun..."

"Ano?" tanong ko

"Psh. Basta pumunta ka na lang." sabi nya at akmang aalis na pero pinigilan ko sya

"Bakit? Anong kailangan mo sakin?" tanong ko

"Basta, sinabi kong pumunta ka kaya pumunta ka" sagot nya tsaka dumiretso sa upuan nya sa likod

Sisigaw pa sana ako sa kanya kaso dumating na yung subject teacher namin kaya wala na kong nagawa kundi tumahimik at makinig na lang.

--------------

MOND'S POV

"Mond, sa parking." sabi ni Liam, tumango lang ako tsaka dire-diretso ng umalis ng room

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ni Liam at kailangang dalawa lang kami, sa parking lot nya pa gusto na mag usap kami. Baka may pagnanasa si Liam sakin? Tapos balak na niyang umamin sa akin ngayon? Tapos aayain nya ko sa WH Ball?

Napangiwi ako sa agad na pumasok sa isip ko. Imposible yun kasi inaya ni Liam si Zey sa ball.

Naglakad na lang ako papunta sa kung saan naka-park yung sasakyan ni Liam. Wala na rin naman na kong ibang gagawin at pupuntahan kaya dumiretso na ko dito sa parking lot. Pagkarating ko sa sasakyan ni Liam ay sumandal ako at nilabas ang kaha ng sigarilyo na nakatago sa bulsa ko tsaka kumuha ng isang pirasi at sinindahan ito. Wala namang makakakita sakin dito dahil kanina pa nag uwian at kung may mga natitirang estudyante pa man ay sa main gate na ang labas nila.

"Alam mo bang bawal yan?"

Agad akong napalingon sa likod ko at nakita si Zey na nakakunot na nakatingin sakin bago bumaba ang tingin sa sigarilyo na nasa bibig ko. Agad ko namang binato sa sahig ang bagong sinding sigarilyo at tinapakan.

"Zey..." tumango lang siya at tumingin sa relo nya, pagkakataon ko na siguro ito.

"Uh, Zey..." tumingin siya sa akin at tumaas ang kilay

"Bakit?" tanong nya

Napakamot ako sa buhok ko at hinaplos ang batok tsaka tumingin sa paligid.

"I heard Liam asked you on the ball?" tanong ko sa kanya

Tumango lang siya bilang sagot sa tanong ko at nakataas pa rin ang kanyang kilay na parang nagtatanong sakin kung ano ang sasabihin ko.

"Why?" tanong nya

"Uh... I was thinking if, I could also ask you to come with me on the ball." nahihiyang sabi ko

Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko dahil sa gulat.

Ilang minuto lang siyang hindi umimik kaya nagsalita na ko.

" uhm... But if you already accepted Liam, it's ok----" naputol ang sasabihin ko ng tumawa siya at umiling iling

"No, it's okay. Besides, Xaymond Flain also asked me to be his partner on the ball." nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, Xaymond Flain also asked her?

"Did Liam knows about that?" tanong ko kay Zey dahil sa pagkakaalam ko sa sinabi ni Liam sa B7. Inaya niya si Zey na maging partner sa ball dahil naiirita sya sa palaging pangungulit ni Misty sa kanya at pinwersa nya na pumayag si Zey kahit hindi pa ito pumapayag.

"Yeah..."

"Is it okay with him? I mean... Kasi sabi nya ikaw na ang partner nya."

Tumawa lang ulit sya at umiling

"I make my own decisions Mond. Hindi ako basta susunod sa gusto ng King mo.". sabi nya sakin

Ngumiti lang ako at mahinang tumawa tsaka tumango

"Yeah... Btw thanks for accepting me. I'll wait for your decision then." nakangiting sabi ko sa kanya

Tumango lang sya sakin bilang sagot at muling tumingin sa relo nya

Magte-30 mins na wala pa din si Liam

Sa di kalayuan ay nakita ko na si Liam kasunod nya ang kapatid na si Leanne at naglalakad na silang dalawa papunta sa lugar kung asan kami ni Zey. Siguro pinapunta din ni Liam si Zey dito kaya andito sya ngayon sa tabi ko.

So it's a battle between me, Xaymond and Liam then. Kung ano man ang maging desisyon ni Zey at kung sino man ang makakasama nya sa ball, kailangan na lang naming tanggapin. Kung hindi man ako, kailangan ko pa rin tanggapin. Tumango tango lang ako habang nakangiti at nakitang nasa harapan na namin ang magkapatid. Yumuko ako tsaka marahan na bumulong para hindi marinig ni Liam at Zey.

"This is exciting." bulong ko

------

AN:

Long time no updat hihiz. Matagal na nakadraft sa paper ko tong chapter na to pero ngayon lang ako nagkatime na ilipat sya para mapublish haha. Hopefully soon pag dumating na laptop ko makapag update na ko ng maayos kasi ang hirap pag sa phone lang nagtatype, naaagaw yung atensyon ko HAHAHA charot. Pero soon pag may laptop na siguro 2-3 chapters a day...

So enjoy readinggggg!!

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon