Chapter 40

879 34 1
                                    

Crystal POV

"Don't look at me like that, para akong kriminal sa titig mo."Irap na sambit ni Cruzette saken habang naka cross arms parin.

I sighed.Kumunot ang noo ko."Hindi ko maintindihan.Bakit nandon ka sa mga oras na yon?Ano bang binabalak mo saken?"

Wala akong makitang rason kung bakit niya ito ginagawa.Hindi naman kami close, at mas lalong alam niyang ayaw ko sa kanya.Reason why she shouldn't save me and just let me die.

Napasinghap siya pero may ngisi sa labi."I don't have bad intention, look tinulungan ko lang kayo."

"Para saan?Para magpakitang tao, para magmukha kang santa pagtapos mo akong insultuhin at tratuhing parang bayarang babae?Ano, magsalita ka at ng magkaalaman na."Mabilis kong sabat.

Bigla siyang natigilan sa sinabi ko pero matalim niya lang akong tinitigan.

"Mag-iingat ka sa mga sinasabe mo dahil wala akong dapat na patunayan sayo Crystal.I am not doing this for you, I am doing this f-damn it!Excuse me, tatawagin ko lang si Doctor Fuentes."

Huling sabi niya bago nagmartsa paalis ng silid.Pagak akong natawa sa inasta niya.Hindi pa ako nakakapagsalita ay lumabas na ito agad.Napatikom ang bibig ko saka iritado siyang sinundan ng tingin.Nang tuluyan siyang makalabas ay napabaling ako kay Andrea, na tahimik na.Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay umayos ang upo niya.

"Ilang oras akong tulog?"

Tinaasan niya ako ng kilay."Anim na oras,"Tipid niyang sagot.

Nilibot ko ang paningin ko."Bakit hindi tayo sa hospital pumunta?Bakit dito pa sa bahay niya?"Nakangiwi kong tanong.

"Seryoso Crystal?Yan pa talaga ang unang iisipin mo.Tsk, ni hindi ka man lang nagpasalamat sa tao kung ano ano pang sinabe mo, pwede namang i set aside na muna yon at intindihin mo nalang ang kalagayan mo."

Napaawang ang labi ko.Seryoso ba siya?"Andy, wala pa ako sa tamang wisyo para sa pagpapasalamat, alam mo ba kung gaano kasama ang tabas ng dila ng babaeng yan saken noong unang paguusap namin?Diyos ko, kung alam mo lang ay baka hindi ka rin maniwala na tinulungan tayo niyan."

Napabuntong hininga siya."Hindi naman ibigsabihin non Crystal eh masama na siyang tao.We can't just easily judge people you know.Baka nagmamalasakit lang talaga siya."

Napailing ako sa kanya.Hindi makapaniwala sa sinasabe niya."Ano bang meron at parang mas pabor kapa sa babaeng iyon?Ako ang bestfriend mo pero feeling ko sa kanya kapa kumakampi?"

Hindi ko maitago ang pait sa boses ko.

"Crystal hindi iyon ang pinaguusapan dito, the point is.She saved us!Ano pa bang mali roon?Tinulungan na tayo.Nagmumukha kang walang appreciation eh."

Pagak akong natawa."Yan ang hirap sayo, ang bilis mo magtiwala sa tao!Paano nalang kapag pain ito?Paano nalang-"

She cut me off."Kung ipinaintindi mo kase sana sakin ang mga nangyare di na aabot sa ganito!Wala akong maisip na dahilan para hindi magtiwala sa kanila, Oo at alam kong siya ang ex girlfriend ni Blaze, okey?Pero yon pa ba ang iisipin ko kaysa isalba ang bestfriend kong buntis?!"

Emosyonal niyang asik.Nakita kona rin ang takas ng luha sa mata niya.Hindi ako nakaimik.Marahas niyang inalis ang takas na luha niya saka seryoso akong tinitigan.

"Sa-sabihin mo nga saken ha...Yun pa ba ang iisipin ko?Crystal, kung hindi dahil sa pagtulong nila satin ay muntik ng mawala sayo ang inaanak ko.Gusto mo bang mangyare yon?"Dagdag pa niya.

Uminit ang gilid ng mata ko saka napayuko.Unti unti ng namuo ang luha sa mata ko.Hanggang sa naiyak na ako.She is just deadly concern, ang makita siyang ganito ay nagpapasakit at humahaplos sa puso ko.

Owned By The Well Known MAFIA BOSSOù les histoires vivent. Découvrez maintenant