Chapter Twenty-Eight

116K 4.4K 2.1K
                                    

Agad kong itinulak si Ashteroh saka umalis mula sa pagkakaupo sa mesa.

“Ano ba'ng trip mo?! Hindi ka pa ba tapos sa pagpapahirap sa akin?!” naiiritang tanong ko.

“Tapos na 'ko sa pagpapahirap sa 'yo. Gusto naman kitang pagsilbihan ngayon.” Hinawakan n'ya ang balikat ko at pinaupo ako. “Diyan ka lang, Ma'am. Ipagluluto kita,” sabi n'ya habang nakatitig sa akin.

Muli akong natahimik sa sinabi n'ya. Muli na namang naghuramentado ang puso ko... pakiramdam ko bumabalik kami sa dati, noong mga panahong hindi pa magulo ang lahat.

“Ayokong kainin ang iluluto mo. Siguradong hindi masarap,” sabi ko na lang saka inismiran siya.

Napangiti naman siya habang nakatitig sa nakasimangot kong mukha. “Masarap naman ako magluto. Saka hindi kita ipagluluto ng hindi maganda para sa 'yo lalo kakagaling mo lang sa opera. Maghintay ka lang dito, hmm?” sabi n'ya saka lumayo na at kinuha ang dalawang plastic na dala n'ya kanina.

Hindi ako nakakibo dahil mukhang wala siyang balak magpapigil. Napaismid na lang ako nang magtungo siya sa kitchen sink saka inilabas na ang mga laman ng plastic. Puro gulay ang laman no'n.

Tahimik na pinanood ko na lang siya. Hindi ko maisip kung ano ang iniisip at pinaplano n'ya. Bakit n'ya ba 'to ginagawa? Dahil ba alam n'yang mahal ko siya? O baka nakokonsensya siya dahil sa nangyari sa akin?

Hindi pa rin ako kumibo nang matapos na siyang magluto. Agad n'ya akong pinaghain saka umupo sa tabi ko. Nanatili akong nakasimangot habang pinapanood lang siya sa ginagawa.

“This is vegetable soup. I also bought yogurt and soft fruits for you like banana and peaches. I heard berries are good for you too,” paliwanag n'ya habang panay ang ayos sa mga pagkain ko.

Hinawakan ko ang kamay n'ya upang pigilan siya. Natigilan naman siya at napatingin sa akin. Nanatili akong seryoso habang nakatitig sa mga mata n'ya.

“Bakit mo ba 'to ginagawa? Ano ba ang kailangan mo sa 'kin? Wala kang mapapala sa ginagawa mong--hmp!” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla na lang n'ya akong subuan ng peach na hiniwa n'ya kanina. Halos mabilaukan ako dahil ang laki no'n.

Agad naman akong inabutan ng tubig ni Ashteroh. Agad kong kinuha 'yon at ininom.

“Balak mo bang patayin ako?!” asik ko.

Natatawang napakamot siya sa batok n'ya. “Ikaw kasi, e. Ang dami mo pang sinasabi. Kumain ka na muna. Mamaya na tayo mag-usap. Ayokong nagugutom ka,” sabi n'ya na lang saka hinipan ang soup na nasa kutsara at akmang susubuan ako pero agad kong iniwas ang mukha ko.

“Bakit ka ba pa-fall?!” naiinis na tanong ko pa.

Halatang natigilan siya sa sinabi ko saka napakurap. “P-Pa-fall?” nauutal na tanong n'ya.

“Oo! Linyahan ng mga fuckboi sa kanto ang sinasabi mo!” asik ko pa.

“F-Fuckboi?” tila hindi pa rin makapaniwalang tanong n'ya.

“Oo, hindi mo ba alam kung ano 'yung fuckboi? 'Yung mga kagaya ni Cadence, iyon ang ibig kong sabihin,” naiiritang saad ko.

Napailing na lang siya at basta ako sinubuan ng soup, tila pinapatahimik ako. Natahimik na lang ako dahil medyo masarap iyon. Naiinis na inagaw ko mula sa kanya ang kutsara at ako na ang nagsubo sa sarili ko.

“Wala lang akong choice kundi kainin 'to dahil wala naman ibang pagkain,” bulong ko na lang saka muling nagpatuloy sa pagkain.

Hindi na lang nagsalita si Ashteroh at pinanood ako habang nakain. Sa totoo lang naiilang ako dahil baka mukha akong tanga habang kumakain. Hindi naman kasi ako katulad ng mga babaeng kumakain sa commercial.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon