Chapter 5: Jealousy

6 0 0
                                    

So, pagkalabas namin ni Anjelo, nakabantay sa terrace sina Riley. Mukhang na-sense na nila kung ano ang nangyari kasi ang tagal namin sa loob ng bahay. "Uhmm..sensya na guys, nagtagal kami. But we're here na!" Sabi ko at lumapit sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Zender at si Anjelo naman ay sa kabilang side ko. "Bakit ang tagal nyo? Tas kanina magka-holding hands pa kayo. Hmm.." Si Riley iyon. "O, Kayo na? Si Anjelo kasi, may paakbay-akbay pang nalalaman eh di naman siya ganon ka-clingy. Hmm..." Si Chanel naman iyon. Si Zender naman, tinaasan lang kami ng kilay. By the way, sina Ate Aliyah at Ate Leane ay nakikipag usap sa iba ko pang mga pinsan na sina Kuya Preston at Ate Iyla. "Oo na. Kami na." Pagkumpirma ko sa kanila na ikinangiti nilang tatlo. Si Anjelo naman, umakbay muli sa akin. "Yeah, I made her mine." he proudly says na ikinatawa ko rin. "Omg! Congrats sa inyo!" bati ni Riley. "Congrats! Sana all!" Sabi naman ni Cha. "Yeah. Congrats, bro!" Saad ni Zender at umapir kay Anj. "Nagawa mo ang promise mo, ah." dagdag pa niya. "Promise?" Pagtataka ko. "Yeah. Nag-promise ako na mapapasakin kita, eh. Then, this happened so, natupad ko." Paliwanag ni Anjelo. "Ahh, sige." Sabi ko. "Pero, guys. Legal ba kayo?" Tanong ni Riley sa amin. "Oo nga, noh." Saad ni Chanel. "Yeah, bro." Dagdag ni Zen. "Not ye-" I was gonna say 'not yet' pero Anjelo interrupted me. "Yes, we are." He says. "Huh? Di pa natin nasasabi kina Mom." Paliwanag ko. "Nagpaalam ako sa kanila." Sabi niya na ikinagulat ko. "Omg! Ian, you've got the right guy!" Tili ni Chanel. "Tama ka dyan, bes!" Pagsang-ayon ni Riley sa kanya. "Ano sabi nila Mom?" Tanong ko kay Anj. "They said alam na raw nila na magye-yes ka daw sa akin and na payag sila. They also said na alam nila na ako daw yung right guy for you." Kuwento niya. Nagulat ako na pumayag sina Mommy na maging boyfriend ko si Anjelo kasi as far as I know, they don't want me to date yet. But, I guess they really like Anj.

Nagkuwentuhan pa kami at kumain ng mga nakahanda para sa okasyon. Gabi na at nakauwi na sina Riley kasama yung iba ko pang mga pinsan and relatives. It's 8:00 pm and sina Anjelo, his siblings, my brother, our parents, Anjelo's parents, si Lola, si Ninong Karl and Ninang Amber nalang ang nandito. I'm with Anjelo here at the terrace while my brother and his siblings are inside the house playing games. Kasama rin nila si Zender pero hindi siya naglalaro, nagce-cellphone lang siya.

Napatingin ako kay Anjelo na katabi ko rito nang hawakan niya ang kamay ko. "Ian." Pagtawag niya sa akin. "Hmm?" Sagot ko. "Bakit?" Dagdag ko pa. "Uhmm..Let's go on a date tomorrow? Nandyan naman ang motor ko, eh. We can go to Xentro Mall tomorrow since we're both free." Pagyaya niya sa akin. But, wait... "Teka, may motor ka??" I ask kasi hindi ko talaga nabalitaan na may motor siya. "Oh, yeah. Dad got me a motor for my birthday." He says. "Ohh, alright. But, why haven't you told me?" I ask again. "I kinda forgot. Sorry." Saad niya at tumawa ng mahina. "Tsk. Di ka manlang nagsasabi sa girlfriend mo." Pagtatampo ko. "Eh, di pa naman tayo nun, eh." Paliwanag niya. "Kahit na. Tsk! Ansakit. Pero, yaan mo na. Malayo sa bituka." Sabi ko pa at inakabayan niya ako. "Huwag ka na magtampo, mahal. Susuyuin nalang kita bukas." Saad niya at hinalikan ako sa pisngi na ikinamula ko. "Ayt! Namumula siya~" Panukso nanaman niya. Buti nalang talaga at dito ako sa kumag na ito bumagsak. "Tsk! Pano ga naman ako hindi kikiligin, bigla-bigla mo nalang akong hinahalikan." Dahilan ko pa. "Halikan kita dyan, eh!" Biro ko. "Do it, then." He says at sumandal tas ngumisi. Sumandal nalang rin ako at iniwasang lumingon sa kanya. "Do it, mahal. Kiss me." Dagdag pa niya. "Ayt! Nevermind what I said!" Pagiwas ko. "There's no more going back! You already said it!" Sabi niya at nilingon ko habang naka simangot. "Your fault." Sabi pa niya.

In the end, I ended up kissing him on the cheek but even though I did that, he still keeps telling me that I'm unfair because I only gave him one kiss.

I decided to do a Tiktok because he's busy playing Call Of Duty on his phone and I have nothing else to do. So, I turned on my phone and look for a sound. When I found one, I clicked on it at tinapat ang camera sa aming dalawa ni Anjelo kahit hindi siya naka tingin then I started to lipsync to the song. Napatingin sa akin si Anjelo nang marinig ang kanta.

"In the midst of the crowds
In the shapes in the clouds
I don't see nobody but you
In my rose-tinted dreams
Wrinkled silk on my sheets
I don't see nobody but you"

He smiled and I did to. He turned off his phone and umakbay sa akin. He also went along with the song.

"Boy, you got me hooked onto something
Who could say that they saw us coming?
Tell me
Do you feel the love?"

The Tiktok was done and we re-watched it. "Cute mo." He told me. "Ayt-" Maikli kong sabi at tumayo. He suddenly held my hand which made me look. "Pasaan ka? Dito ka lang." Sabi niya. "Papasok na. Nilalamig na ako dito." Paliwanag ko. "Ahh, sige. Tara na sa loob. Baka pasukin ka pa ng lamig." Pagsang-ayon niya sa akin at tumayo. Nilagay niya ang isa niyang kamay sa kabilang baywang ko at humalik sa aking pisngi. "Sweet mo ga." Sabi ko at tumawa ng mahina.

So, ayon. Pumasok na kami sa loob at nadatnan namin silang nanunuod ng movie. "Ian! Anj! Upo kayo." Pagyaya sa amin ni Ate Leane at sinenyasan kaming umupo sa tabi niya. "Sige." Maikli kong sabi at hinila sa tabi ni Ate Leane si Anjelo at umupo. "Upo ka, Mahal." Sabi ko kay Anjelo nang mapansing nakatayo parin siya. "Yoko." Maikli niyang sagot. "Why?" Tanong ko pa at lumipat sa tabi ni Zender kasi hihiga si Baby Gabrielle dun sa inuupuan kong mini bean-bag. "Tsk." Pagsusungit niya at umaktong lalayo. Agad naman akong tumayo at hinawakan siya sa pulso niya. "Uy." Pagtawag ko sa kanya. "Ok ka lang ba, mahal?" Pagaalala ko pa. Lumingon siya sa akin at tumingin ng saglit kay...Zender? Baki- Ohh! I know! He's jealous! HAHAHA kaya naman pala! I'll make him more jealous for embarrassing me infront of our friends. Haha! Binitawan ko siya at bumalik sa tabi ni Zen. Nakinuod na ren ako sa kanila. Comedy naman siya kaya tawa kami ng tawa. Narinig ko ang pintuan ng terrace sumara kaya na-sense ko na lumabas na si Anjelo. Hayst. That's on revenge, babe!

Natapos na namin ang palabas kaya naman pinatay na ni Ate Leane ang TV at nag-cellphone na lamang. Ako naman ay katabi si Zender at nanunuod sa Tiktok. Si Ate Aliyah naman ay natutulog na sa guest room kasama si Baby Gabrielle. At si Ate Leane naman ay nagaaral ng sayaw sa kabilang side ng room.

Bigla namang nag-lowbatt ang phone ko kaya ichinarge ko muna  ito. "Ian, tingnan mo muna si Anjelo sa labas. Baka kung ano na nangyari dun." Sabi ni Zender sa akin. "Ah, sige. Labas na ako." Sagot ko sa kanya at pumunta na kay Anjelo. By the way, I told Zender what I did which...I think was wrong..? I don't know..maybe I have gotten too far? Seloso kasi talaga itong boyfriend ko eh.

Lumabas ako at nakita si Anjelo na nakayuko kaya lumapit ako agad sa kanya. "Luh! Anjelo, ok ka lang ba?" Pagaalala ko sa kanya. "Are we still going on a date tomorrow, Ian?" Pagtatanong niya. "Huh? Of course. Bakit mo naman iyan natanong?" Tanong ko pa. "Oh, I thought you would like to go on a date with Zender instead." Saad pa niya at tumayo. Niyakap ko agad siya galing sa likod nang humakbang siya palayo sa akin. "I'm so sorry, mahal. I did that on purpose to make you jealous. I wanted to take revenge for embarrassing me in front of our friends." Paliwanag ko. "Ahhh, So, nahihiya ka na boyfriend mo ako? Tsk." Dagdag pa niya at inalis ang mga braso ko na nakayakap sa baywang niya tapos bumalik na sa loob.

I can't believe what I did. What have you done, Ian?!  Hindi ko na alam ang gagawin ko para hindi na siya magalit sa akin. Shit! Ano na, Juliane?

Umupo nalang ulit ako at yumuko. Nagiisip talaga ako ng paraan para magbati kami kasi kakasimula palang namin. Tumayo nalang ulit ako nang wala na akong maisip. Malamig na rin dito sa labas at alam kong hindi siya magiging masaya kapag nagkasakit pa ako dahil pinasok ako ng lamig sa katawan ko. 

Pagpasok ko nadatnan ko sila Ate Aliyah na nagaayos ng kanilang gamit. "Ate Liyah, aalis na kayo?" Tanong ko sa kanya. "Ah, doon kami sa Tita Naomi tutulog." Paliwanag niya. Doon ata sila tutulog kasi isang bahay lang naman ang agwat ng bahay ni Tita Naomi dito sa bahay ni Lola at hanggang New Year's pa sila rito. Lumingon naman ako kay Anjelo na tahimik na nagce-cellphone sa gilid. Napa-hinga nalang ako ng malalim. "Ah, Anjelo. Gusto mo dito matulog?" Tanong ng Mom nila nang makapasok. "Oo nga, Anjelo. Nandito naman si Ian, eh." Dagdag pa ni Ate Leane. "Yeah, bro." At si Zender iyon. Napatingin nalang ako kay Anjelo. Tingin na nagsasabing dito muna siya para magka-bati na kaming dalawa. "Uhm..sige. Dito na ako tutulog." Malamig niyang sabi at bumalik sa pagce-cellphone. Yes! Chance ko na ito!

Author's Message:

Hey guys! I am so sorry kung sobra akong nagtagal sa pagupdate nitong book. Madami lang akong school works and ilang beses rin akong nawalan ng ideas hehe. Sorry talaga guys! Stay tuned sa next <33

Close Friends to Close LoversWhere stories live. Discover now