MVEN-28

69 37 7
                                    

"Belle, gising na!"

First day of school ngayon namin bilang first year student, at dahil gabi na naman natulog si Beatriz ako na ang gigising sa kaniya.

Agad niyang binuksan ang bintana niya at nakapikit pa ang nga mata niya, halatang kulang sa tulog.

"Ano ba Dave! Ang aga oh!" Pagrereklamo niya.

"Uy! Ala-syente na!" Saad ko.

Nakita ko kung paano nagising ang diwa niya nang marinig ang sinabi ko. Nakita ko kung paano siya nagmadali at pumasok nang banyo.

Hay Beatriz, paano ka nalang kaya kung wala ako.

Nagbihis na ako nang uniform ko bago bumaba nang kwarto para mag-agahan. Ako lang naman mag-isa ang kumakain kasi kadalasan ay maagang pumupunta si mama sa work niya. Pagkatapos kong ligpitin ang pinagkainan ko ay nagtoothbrush muna ako bago hinintay si Belle sa labas nang bahay nila.

"Naks! Fresh ka gurl. Parang kompleto tayo sa tulog ha,"

Nakita kong napangiti siya sa sinabi ko, at lumapit na siya sa'kin. "Naku, Dave. Isa pang sabi na maganda ako, baka sabihin ko na crush mo ako," panunukso niya.

Crush nga talaga kita.

"Mahiya ka nga Beatriz!" I made a disgusting look para hindi niya mahalata na gusto ko talaga siya.

Natawa ako kung paano sumama ang paningin niya nang marinig ang sinabi ko.
Naglalakad kami ngayon papunta sa school dahil malapit lang naman 'yon sa bahay.

"May mga gwapo kaya sa school? Sana marami," agad akong napatingin sa kaniya nang marinig ang kaniyang sinabi.

Hindi pa ba sapat ang kagwapuhan ko para sa'yo, Belle?

"Gwapo naman ako ha," saad ko.

Napatigil siya sa paglalakad at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "Matanong ko lang ha. Saang banda nang katauhan mo ang gwapo?"

"Ang sama mo!" Saad ko.

Gwapo naman talaga ako.

Matangkad, maputi, matalino, athletic, basta gwapo ako.

"Mabait ka tol?" Barumbadong sagot niya.

Ouch! Tol?

Friends? Friends nga lang talaga siguro kami.

Hanggang kaibigan lang.

Matagal ko nang gusto si Belle, I like her ever since I first meet her. I like her beauty, her attitude, and her mind. I like everything about her, pero...pero di ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya.

So I choose to keep it.

Araw-araw nararamdaman ko na gusto ako ni Belle bilang kaibigan kang at wala nang hihigit pa doon kaya mas pinili ko nalang itago ang lahat, para hindi narin masira ang lahat, ang lahat nang mga pinagsamahan namin.

"Nakita mo yon?"

Napatingin ako sa babaeng tinuturo ni Belle sa'kin. Kumakain kami ngayon dito sa labas nang campus dahil kakatapos lang nang klase namin.

"Oh bakit gusto mo?" Barumbadong sagot ko.

Bakit ba palagi niya akong pinagpipilitan sa ibang babae, eh siya lang naman ang gusto ko.

"Luh? Tinuro ko lang naman kasi ang ganda, bagay kayo," parang may tumusok bigla sa puso ko nang marinig ang sjnabi niya.

Mas bagay sana tayo kung gusto mo lang ako.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon