Chapter 38

2.6K 193 6
                                    

Tulad ng inaasahan ko, inaresto at inimbitahan sa isang matinding paglilitis ang pamilya Gresser. Inutusan ko sina Caldwell at Houstin na sila mismo ang mag-ulat sa harap ng Emperador at ng mga kapatid ko kung ano ang nalaman namin sa tahanan ng mga Gresser. Inaasahan ko din ang pagsabog nila sa galit sa oras na nalaman na nila kung anong ang masamang binabalak ng babaeng mapapangasawa ni Cederic. Hindi ko ginagawa ang bagay na ito upang itigil ang kasal, ginagawa ko lang ito dahil mahalaga sa akin si Cederic bilang aking kapatid sa buhay ko na ito. Tinupad ko lang din kung ano ang binitawan kong pangako sa lumipas na labing isang taon. Sa oras na may kakayahan na ako, ako naman ang magpoprotekta sa kanila. Na may karapatan din akong protektahan sila laban sa mga taong nais manakit sa kanila.

Nakapangalumbaba akong nakasandal sa railings ng balkonahe ng aking silid. Hinahayaan ko lang sumayaw sa hangin ang aking buhok. Kahit na sinasabi nating naachieve ko ang isa sa mga goal ko na protektahan ang mga Eryndor, hindi ko maiwasang maging malungkot. Lalo na't natatakot ako sa maaari nilang reaksyon dahil sa pag-imbistiga ko sa teritoryo ng mga Gresser nang hindi nila nalalaman, lalo na't walang pahintulot. Sabi nga nila, mas maganda kung biglaan kaysa planado nga, nauudlot naman.

Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na ako kumawala ang malalim na buntong-hininga. Parang natatakot na akong lumabas ng kuwarto at harapin sila kahit na ipapatawag nila ako kaya ipinag-utos ko nalang sa mga maid at butler na dalhin nalang ang pagkain ko dito sa kuwarto. Kung may iuulat naman ay hinahayaan ko lang na magrequest for audience sina Caldwell, Houstin at Ceola, pero ramdam ko din ang pag-aalala nila para sa akin. Gayunpaman, sinisikap kong maging masaya at tila balewala lang sa akin ang nangyari kanina.

Napapaisip nga ako kung anong nararamdaman nina Otis, Calevi at Dilston sa tuwing may naachieve sila sa kanilang mga imbestigasyon. Kung hindi ba sila nagkakaroon ng guilt kapag papatawan nila ito ng parusa kahit na ilang beses na pinagtangkaan ang kanilang mga buhay. Isasantabi ba nila ang awa na nararamdaman nila upang maprotektahan ang kanilang mga sarili upang mabuhay pa?

Dumapo ang aking palad sa aking dibdib kung nasaan ang aking puso. Marahan akong pumikit. Dinadama ko ang tibok nito. So far, wala naman akong nararamdaman na kakaiba. Na hindi naman ako masyado kinakabahan o ano. Mukhang napakalma ko na ang aking sarili habang nagpapalipas ako ng oras dito.

Nagpasya na akong pumasok na sa loob dahil ilang oras nalang ay dadalhin na dito ang aking pagkain. Habang hinihintay ko ito ay maliligo at magpapalit na din ng damit pero bago ko gawin ang mga 'yon ay rinig ko ang pagkakatok mula sa pinto ng aking silid. Medyo natigilan ako at natataka dahil hindi agad ito nagbukas. Usually, kakatok ang mga maid o hindi kaya si Nesta at magpapakilala kung sino ang nasa labas bago man ito buksan. This time, hindi na. Walang pakilala ang nagaganap. Kusang tumalim ang aking mga mata. Ginapangan ako ng suspetsa sa aking sistema. Agad ko dinaluhan ang drawer na malapit lang sa akin. Inilabas ko mula doon ang patalim saka itinago ko ito sa aking likod. Maingat kong dinaluhana ng pinto. Pinihit ko ang doorknob saka marahan ko 'yon binuksan.

"Rini," bakas sa mukha nila ang kalagalakan nang pagbuksan ko sila ng pinto.

Matik akong natigilan nang makita ko kung sino ang naghihintay sa labas ng aking silid. Nasa harap ko ngayon sina Vencel pati ang magkakapatid na Eryndor. Wala silang kasamang mga maid o ng mga butler. Mas ipinagtataka ko kung bakit sila ang may dala ng mga pagkain na imbis ang mga tagapagsilbi? Anong meron at naparito sila? Sa pagkakaalam ko, mga ganitong oras ay abala pa sila sa kanilang mga trabaho.

"Papa... Mga kuya..." mahina kong tawag sa kanila, bakas pa rin sa mukha ko na hindi makapaniwala. "Anong..."

"Sinadya namin na kami na ang magdadala ng pagkain mo." si Raegan ang nagsalita. "Nabanggit sa amin nina Caldwell at Houstin na hindi ka daw nalabas ng silid mo pagkabalik mo dito."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon