05|

13 7 0
                                    


Ang sabi nila piliin mo ang gusto mong kurso. Para kahit gaano kahirap ay ilalaban mo kasi gusto mo ang ginagawa.

Pero sa akin? Ewan ko na!

Nasa bingit na ako ng pag suko at laban pa!

Ang hirap din pala talaga ng kursong 'to! Idagdag mo pa na ang hectic ng schedule ko!

Two months past. Oo dalawang buwan at ilang linggo na ako sa Manila na nabubuhay ng ako lang.

Mahirap! Sobra!

Ang mga damit ko ay pinapalabhan ko na lang sa malapit na shop. May isang place kasi dito kung saan pwede kang mag palaba, Sixty isang kilo!

Mahal pero wala naman akong magawa dahil wala na talaga akong time para doon. Lalo na ngayon na ang daming requirements at project.

Minsan ay tumutulong ako sa flower shop para may kita sa isang araw. Madalas ay over time ako sa school dahil sa klase ko at sa pagiging assistant na din ni Mrs. Gallego, ang Tita ni Kenji.

Speaking of that guy, nasa coffee shop ako dahil nakipag kita ito. May sasabihin daw sya at may gusto naman akong itanong about sa lesson ko.

My gosh! Feeling ko nga ay namayat ako kahit hindi na nag e-exercise! Kumakain nama ako ng tama pero siguro ay sa stress na rin.

"Zinny".

Bumati si Kenji ng maupo sa kaharap ko. He's wearing a black down polo shirt tucked in his dark blue pants. Maayos na naka brush up ang buhok nya at may piercing pa sa kanang tenga.

"Hi..." I greet

"Sorry na late, kanina ka pa ba?" He asked

Agad naman akong umiling. Bago pa naman kasi sya makipag kita ay nandito na ako, saktohan lang siguro na nasa malapit lang sya kaya dito na lang din sya nakipag kita.

"Should we order first?" He asked

Tumango ako. "Sige".

Dahil tapos naman na ang lunch ay snacks na lang ang binili nito. Niligpit ko muna din ang mga gamit ko dahil nakalagay ito sa ibabaw ng mesa.

"So, how's the college life? Tagal nating hindi nag kita". Panimula nya

Napailing na lang ako. "Ka stress! Ang hirap din mabuhay dito sa Manila ng wala kang kamag anak". I said

Totoo iyon, lahat kasi ng kamag anak namin, mother and father side ay tubong Cebuano talaga. Kaya nga tumutol si Lola at Manang noon eh.

Hindi ko naman daw kasi kilala ang mga tao dito at isa pa ay hindi ako sanay sa hirap ng buhay at mag solo.

Kaya nga ako pupunta dito eh! Para masanay! Para matuto!

"Ganon talaga kapag simula, lahat mahirap pero pag nag tagal ka ay masasanay ka rin". He said

Napatango ako. We talked some tips about college life, some way to survive the hectic schedule and some lesson.

Nang dumating ang order namin ay tumahimik muna kami para kumain.

Patingin-tingin din ako kay Kenji. Sa totoo lang ay sobrang komportable ko na sa kanya kahit ilang buwan pa lang kaming mag kakilala. Ang bait nya kasi at talagang straight forward sa nararamdaman nya.

Kung nakita nyang mali ay sasabihin nya talaga sayo, kahit hindi nya kilala ay pinag sasabihan nya pag nakita nyang nag tapon ng basura kung saan o kaya ay tumawid ng hindi sa pedestrian lane dumadaan. Kaya nga kami nag kakilala diba? Kasi akala nya ay nag dra-drama ako sa tabing kalsada!

"May dumi ba ako sa muka?" He suddenly ask

Napahinto naman ako. "Huh? Wala naman bakit?" Taka kong tanong

To be alone (Publish under Ukiyoto Publishing Inc)Where stories live. Discover now