~To be alone~

17 6 0
                                    

-Epilogue-

Sa buhay natin ay kailangan matuto ka mag isa. Kailangan matuto kang maging dependent sa sarili mo.

Kasi ganon ang buhay.... you need to stand alone in your own. But not being alone means you're lonely.

Sometimes being alone help you a lot. It makes you strong to face the problem alone and make you a better person.

It's just for me.... in my way I think being alone help me a lot. It's give me a lesson to learn.

In my four years in College I live alone in a small apartment of Aling Beth, my land lady slash nanay-nanayan.

Sa Manila ako tumira at namuhay. Pumunta ako doon na ang tanging pera ay fifteen thousand. Malaki para sa iba.... pero para sa katulad kong gastusera noon at puro bili ng luho?

Kulang ito para sa ilang buwan na pamumuhay. Akala ko nga noon ay hindi ako tatagal at uuwi din agad sa Cebu.

Pero ito na..... nakaya ko na ang lahat.

Isa kasi sa mga tumulong sa akin ay ang lalaking nakilala ko sa tabing daan sa Mandaluyong....

Si Hence Kenji Fajardo.....

Weirdo lang tingin ko sa kanya nung una kaming nag kita! Tapos ito na sya ngayon! Gwapong engineer na!

Naks naman!

"Congratulations sa future Senator namin". Bati sa akin nito

Natatawa kong tinanggap ang isang kumpol ng tulips at hinila sya para sa isang yakap.

"Thank you". I whispered

Today is my graduation in college. Dahil nga mas matanda sya sa akin ng dalawang taon at ilang buwan ay mas nauna syang maka-graduate ng college.

Isa na nga syang engineer eh! Pero kahit sikat na yan ay hindi ako nakalimutan nyan.

Ako lang naman kasi 'to! Si Zinovia na tatlong taon at anim na buwan nang nililigawan ni Engineer Fajardo.

"Grabe college graduate na pero height pang high school pa rin". Pang aasar nya

Hinampas ko sya sa braso. "Epal mo! Gusto ko mag drama tapos puro ka ka-corny-han!" Saway ko sa kanya

Tinawanan ako nito at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

"Masisira make up mo nyan" he said

"Waterproof 'to!" I said as my voice broke.

Natawa naman sya. "Wala pa yung dramatic speech ko umiiyak ka na". Pang aasar nito

Lalo akong sumimangot at hinampas sya. "Muka mo palang nakakaiyak na eh!" Pang aasar ko

Natigil lang kami ng sumingit si kuya sa pagitan namin. "Picture muna bago mag ka-label". Anunsyo nya

Hinampas ko sya sa braso. "Ang epal mo pa din kuya! May asawa't anak na at lahat isip bata pa rin". Nakasimangot kong saad na ikinatawa ni Ate Bree, ang asawa ni kuya.

Umirap ito. "Para namang pinapamuka mong ang tanda ko ha! Umayos ka Zinnie at kuya mo pa rin ako".

Tinawanan ko lang ito.

We take a picture, some are solo and some are groupies. Nakisali din ako sa class picture namin na mag b-block mates, this time hindi kami naka formal attire kundi naka toga na.

Ito ang isa sa pinaka hinintay naming lahat. Sa loob kasi ng apat na taon ay naging close ko sila. Sabay sabay kaming nag talo sa debate, nag gawa ng presentation at nag hirap sa mga surprise quiz ng mga prof namin.  sabay sabay naming ginapang ang college life

To be alone (Publish under Ukiyoto Publishing Inc)Where stories live. Discover now