twelve

128 15 4
                                    

Riki.

ininvite ni papa yung family nina luna na mag dinner dito sa bahay .. birthday kasi ngayon ni papa pero di na siya nagpa party . alam naman niyang mga plastic yung ibang kaibigan niya kay para mabawasan yung toxic sa buhay niya , hindi nalang niya inimbita .

dinig ko naman na may importante daw silang pag uusapan ng papa ni luna . siguro about business na naman o kung ano mang hilig nilang pareho . hindi naman na ako nangingialam maliban kung about sakin yung topic . sensitive kasi ako kapag ako na yung pinag uusapan .

hinihintay ko nalang ngayon sina luna , wala pa si kuya ethan kasi may dinaanan pa daw pero paparating namab siguro yon . birthday ni papa tas wala siya ? ay hindi yon pwede . kahit na hindi niya tunay na ama si papa ay close naman silang dalawa .

narinig ko namang may bumusina na sasakyan sa labas .. sigurado akong sina luna na yon kaya tumayo ako para salubungin sila . hindi naman halatang excited ako .

" hi po , good evening " sabi ko naman sa parents ni luna . syempre magpapa impress ako sa soon to be in-laws ko . sobrang advance ko mag isip pero alam kong mangyayari yon .

I lead them to our living room kahit na alam naman nila kung nasaan iyon .

" pare , hali kayo dito at kakain na " bigla namang tawag ni papa . binati naman nila si papa at naupo na .

and the same as usual , tahimik lang si luna . kanina pa ako nagpapapansin dito pero walang epekto . siguro napagalitan to bago pumunta dito kaya wala sa mood . ganun din kasi ako minsan eh hehe .

" nasaan nga pala si ethan ? kailangang nandito siya " sabi ng papa ni luna .. tiningnan ko naman si luna at parang wala lang sa kaniya . basta talaga wala si kuya , nakabusangot siya .

" kumain nalang tayo kahit wala siya . alam mo naman yon , palaging late basta ganito " sabi naman ni papa kaya nag simula na kaming kumain . pa lingon lingon lang si luna sa pinto , halatang hinihintay si kuya .

" pare , I know luna is just turning 18 next month .. pero do you remember what we promised before ? about the marriage .." sabi ni dad .. nagulat naman si luna .. kasi wth , ano yon ? kasal ? luhh , desisyon sila .

" ahh yes , yes I remembered .. so , shall we talk about it ? " sagot naman ng papa ni luna .. kinakabahan ako ngayon sa totoo lang kasi naman baka si kuya ethan ang ipapakasal nila kay luna .. talo na ako pag ganoon . di pa nga ako nag uumpisa , wala nang chance .

si luna naman ay nakatingin sa akin ngayon .. sinenyasan niya ako na labas daw .. hala , pinapalabas ako sa sarili kong bahay .

nagtaka naman ako nang bigla siyang tumayo .

" labas po muna ako " sabi niya bago ako higitin .. ay iba mag walk out , nandadamay .

nagkatinginan lang ang mga parents namin nang sumama ako kay luna .. nag sorry naman ako habang papalayo kami kaya okay lang naman siguro iyon .

" ano yon riki ? plinano niyo ba to ? " bintang niya sa akin .. grabe siya .

" bakit ka nambibintang ? wala akong alam don" pagtatanggol ko naman sa sarili ko .. malinis naman kasi konsensya ko

" so , it was meant to happen talaga ? like arranged marriage ?! 2021 na tas may pa ganiyan pa sila .. ang old school naman " sabi niya , kaya natawa ako .. natawa na rin siya nang marinig niya akong tumawa . sa totoo lang , hindi ngayon ang tamang oras para tumawa . hindi namin alam yung desisyon ng both sides kasi lumabas kami .. baka kaming dalawa yung ikakasal edi napadali yung diskarte ko .. malas lang sakin kapag si kuya ethan yon pero magugustuhan naman ni luna kung si kuya nga .





-ˋˏ✄┈┈┈┈

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon