thirteen

123 16 6
                                    

Riki.

pagkabalik namin ay naroon na si kuya ethan at kumakain habang yung iba ay tapos na at nag uusap nalang . sinenyasan pa ako ni kuya na kain daw . buti pa si kuya , caring .

" saan ba kayong dalawa pumunta ? di niyo pa pinatapos yung pag uusap namin " biglang seryosong sabi ni papa .. luhh , galit yarnn ?

" nagpahangin lang sa labas pa .. medyo nahihilo daw si luna " pagsisinungaling ko naman pero kinurot ako ni luna . pinagtakpan na nga , nananakit pa .

" umupo na kayo para malaman niyo yung announcement " sabi naman ng papa ni luna . medyo nanginginig pa si luna nung umupo siya .. halatang halata eh . samantalang si kuya ethan , sarap na sarap lang sa chicken wings na nginangatngat niya . favorite part niya yon .

" so luna , napag desisyunan naming ipapakasal ka kay ethan " sabi naman ng papa ni luna kaya nabilaukan si kuya . naibuga niya ang buto ng pakpak ng manok . buti nalang hindi tumalsik yun sakin .

" ano po ?! bakit ako ?" takang tanong naman ni kuya .. halatang nawalan na siya ng ganang kumain dahil sa narinig niya .

si luna naman ay hindi ko mawari kung ano ang ekspresyon .. parang masaya siya na hindi eh . nakangiti nga siya , pero parang peke naman . akala ko nga ay tatalon siya sa saya .

at kung tatanungin nyo ako kung ano ang nararamdaman ko , malamang malungkot . aba , ikakasal sa iba si luna .. tingin nyo ba , magiging masaya ako ?

" ethan , I know you're responsible enough to take care of my luna kaya ikaw ang napili ko . don't worry , hindi pa naman agad agad .. baka in the next two years ." so ibig sabihin , hindi ako responsable ganun ? aba .

" pero , " sabi ni kuya .. alam kong aayaw siya . hindi naman niya gusto si luna eh . tumingin naman si kuya sa akin . ngumiti lang ako kahit pilit . ayoko namang magalit kay kuya kasi wala naman siyang alam .. biktima lang din naman siya .

si luna naman ay tahimik lang , feeling ko nga anytime maiiyak na siya .

" that's final anak .. " sabi ni mama .. grabe si mama , nakakaiyak naman

nakita kong nakahawak si luna sa edge ng upuan niya .. nanginginig yung kamay niya kaya lakas loob kong hinawakan yon .. napatingin naman siya sakin at makikita kong glossy na yung mga mata niya pero kumalma naman siya nung mahawakan ko .

" okay ka lang ? " bulong ko sa kaniya at umiling lang siya .. ang tanga lang kasi ng tanong ko . alam ko namang hindi siya okay pero tinanong ko parin .

" labas ulit tayo?" tanong ko sa kaniya at tumango naman siya . nagpaalam ako na lalabas kami ulit kaya nagtaka na naman sila .

umiiyak lang ngayon si luna , naaawa nga ako sa kaniya eh . pero bakit ba siya umiiyak eh si kuya ethan naman pakakasalan niya . ako dapat umiiyak dito eh.

" ayaw mo bang makasal kay kuya ? eh diba crush mo yun ??" tanong ko sa kaniya nung medyo kumalma siya

" ayaw ko lang kasing pinangungunahan yung buhay ko riki . oo , gusto ko si kuya ethan pero ang bata ko pa para magpakasal . marami pa akong pangarap na gustong matupad " medyo masakit sa part na sinabi niya na gusto niya si kuya .. pero oks lang , kaya ko to .

" sana sinabi mo yon dun kanina . hindi yung tahimik ka lang "

" ayokong magalit yung parents ko "

" so , hahayaan mo nalang ? "

nag aalangan siyang tumango .. akala ko nga aayaw siya eh . may chance na sana ako . siguro , mag gi-give up na lang ako . ubos na yung baraha ko eh . kay kuya ethan parin pala yung bagsak niya . awts pain pighati lumbay dalamhati puot paghihinagpis .




-ˋˏ✄┈┈┈┈

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon