fourteen

118 14 7
                                    

life goes on .. motto ngayon yan ni luna . ayaw niyang magpaapekto sa mga nangyayari sa buhay niya . pero minsan , hindi talaga niya maiwasang mag overthink . hindi pa talaga siya handa sa lahat .

" mag install ka ng shopee app para sumaya ka naman " sabi bigla ni riki .. nagulat naman si luna kasi bigla lang siyang nagsalita .

" pano ako sasaya sa shopee ?"

" mag online shopping ka haha !" biro ni riki .. minsan lang talaga niya nakakausap ng matino ang kababata .

" ewan ko sayo riki .. hindi ako natutuwa "

" hindi naman ako nagjo-joke ah ? malamang , hindi ka matutuwa " pilosopo na naman niyang tugon dito .

" kulang kulang ka talaga riki .. bigyan kita ng piso , maghanap ka dun ng kausap "

" duh , piso lang ? ano ka slapsoil ? kulang yon . gawin mong isang daan para may pang milktea ako "

kumuha naman ng pera si luna at binigay yon kay riki para makaalis na siya . hindi talaga mawari ni luna kung bakit sila naging close nito kahit na kung minsan parang kulang ito sa pag iisip .

masaya naman itong kinuha ni riki at umalis na .. bibili kasi talaga siya ng maiinom kasi bigla nalang siya nag crave ng milktea .

grabe yung character development ni luna in these past few days .. medyo naging mabait na siya kay riki pero nagsusungit pa din madalas . pero at least hindi na pareho noon na puro ethan lang siya .

bumalik agad si riki after thirty minutes na may dalang milktea . tinaasan lang siya ng kilay ni luna ng mapansin nitong pumasok na naman siya sa room nila . wala silang klase kase may meeting yung teachers kaya madami silang free time .

" bakit nandito ka naman ? binigyan kita ng pera para humanap ka ng kausap mo , bakit ka bumalik ?" inis na tanong nito kay riki pero natawa lang ito sa kaniya .. wala namang nakakatawa sa sinabi niya

" eto nga nakahanap na ako ng makakausap ko"

kumunot lang ang noo ni luna nang makita niyang umupo si riki sa tabi niya .. wala ngayon si kian kaya siguro si luna ang kinukulit niya .

nilagay naman ni riki ang isang milktea sa armchair niya bago siya uminom sa kaniya .

" ano to , suhol ? ayaw kitang kausap " pagmamaldita na naman niya . kahit na ganoon siya ay sanay naman si riki ..

" yabang .. parang di ka umiyak sakin nung nakaraan ah " pagpapaalala niya rito .. natahimik naman si luna kasi totoo naman yon .

" oh kita mo na , di ka makasagot .umurong na yata yung dila mo " dagdag pa ni riki nang hindi na umimik ang kababata

" tumahimik ka riki ,ate mo ako kaya dapat mo kong sundin "

" luh , counted ba yung six months sa pagiging ate mo ? ayaw kitang maging ate noh , maging baby nalang kaya kita " biglang banat naman niya ..always talagang may baon na kalokohan to .

hindi naman maiwasan ni luna na mamula kay umiwas na lamang siya ng tingin .. hindi naman yon nakita ni riki kaya wala siyang idea sa reaction ng dalaga .

" ewan ko sayo riki .. sana mabulunan ka " and just in time riki is sipping on his drink ay may nasamang pearl . bigla nalang siyang napaubo nang dumerecho nito sa lalamunan niya kaya tumawa si luna .

" ang bilis naman yata ng karma " sabi lang ni luna

" sabi kona nga ba , ako yung happy pill mo " at kahit naubo na ay nakuha pa nitong bumanat sa kaniya .

napailing na lamang si luna dahil sa narinig .. wala na talagang pag asa na mag isip ng tuwid si riki . puro banat at kalokohan na lang naiisip niya .




-ˋˏ✄┈┈┈┈

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon