Isang Pangakong babalikan,
Gusto ko lamang dugtungan,
Bakit kailangan umalis?
Kung lahat naman ay nalampasan.Iyong mga pangakong nagdaan,
Naglaho na lang nang tuluyan,
Sabi mo'y babalik ka,
Akin namang sinang-ayunan.Ngunit bakit ang balik ay isang ala-alang, hindi na mararamdaman?
Dahil ito'y nasa memorya na lang,
Mga pangakong mong isinama,
Sa huli mong hantungan.Hanggang sa muli, paalam.