fifteen

121 16 21
                                    

Riki.

" riki .. galit kaba sakin kasi sakin ikakasal si luna?" tanong ni kuya sakin ..

nasa bahay lang kami ngayon kasi sabado . ilang days na ding hindi kami nakapag usap ni kuya kasi medyo busy ako sa pag rereview .. exam week na kasi next week and kailangan kong mag aral . ayokong bumagsak .. kailangan , kapag gwapo ka , dapat matalino ka rin .. para complete package ..

" pinagsasabi mo kuya ? galit ba yung itsura ko ? ang pogi ko namang magalit kung ganoon " sabi ko nalang sa kaniya . kasi sa totoo lang hindi naman ako sa kaniya galit , kundi sa sitwasyon .

" yung totoo kasi riki . I know you like luna and this set up isn't right "

" hindi ako galit sayo kuya , ano kaba . wala na naman tayong magagawa eh . " sagot ko sa kaniya . nacri-cringe talaga ako kapag seryoso yung usapan ..tss , hindi bagay sakin .

" I don't want this .. sana may magawa pa ako to make papa change his mind tas ikaw nalang ipakasal nila kay luna "

gusto ko yun pero ayaw pa nga ni luna na maikasal .. sabi niya , madami pa siyang gusto gawin . marami pa siyang pangarap na gustong tuparin .

" sa totoo lang kuya , sabi ni luna ayaw niya pang ikasal . she wants to achieve her dreams pa bago siya mag settle down . and besides ang bata pa niya .. "

" same , gusto ko pang maging successful na surgeon balang araw at mahihirapan lang ako kapag may pamilya na akong inaalala . I want to have a peaceful life being a bachelor . I don't want commitments for now "

natahimik na lang kaming dalawa ni kuya . bakit pa ba naiisipan nila papa and tito na ikasal sina luna at kuya ? grabe naman , napaka lumang tao talaga nila . may arranged marriage pang nalalaman , iba na ang panahon ngayon gosh . yung iba nga nagtatanan nalang at nagli-live in .

may iba namang nagmamadaling ikasal tas sa una lang pala masaya , maghihiwalay din kasi di raw totoong mahal ang isa't isa o di kaya , sinasaktan ang asawa nila o may third party . yung iba kapag hindi magkaanak yung asawa , magiging ground for annulment agad yung mga yon .

magulo kapag nag asawa ka na hindi kapa handa , at hindi ka sigurado . once na pumasok ka sa sitwasyon na yan , kailangang totoo ka sa nararamdaman mo .. hindi yung bigla ka nalang bibitaw kapag ayaw mo na . legal na kayo niyan , kaya hindi kana agad makakakalas . teka bakit ba ako nag eexplain ?  pero lahat naman siguro ng sinabi ko may point hehe . ako lang to guys , yung kayang mag explain sayo kung sa tingin mo hindi mo na maintindihan ang lahat .. charr , baka mainlove kayo sakin niyan . off limits ako guys , sorry .

" huwag mo munang intindihin yon kuya , baka ma stress kapa niyan .. sige ka . matagal pa naman yon " suhestyon ko kay kuya ethan .. nagpapaapekto siya masyado eh . after two years pa naman yon . marami pa ang pwedeng mangyari sa loob ng dalawang taon . malay niyo , magiging kami pa ni luna . oh diba , ang bongga .

" oo nga naman . ay teka , diba malapit na debut ni luna ? may ireregalo kana ba sa kaniya ?

" bigay ko nalang buong pagkatao ko sa kaniya kuya " biro ko naman pero alam nyo naman , yung mga biro ko minsan totoo hehe .

" gago ka talaga riki .. pero pwede naman " hala nakisabay naman si kuya . tumatawa tawa pa .. happy yarn ?

" pero baka ako ang gawin nilang escort sa debut niya , okay lang ba sayo yun ?" tanong ni kuya kaya napaisip ako . may posibilidad naman kasi pero okay lang naman sa akin .. magtatampo lang ako ng very light pero lilipas din yon . good boy ako eh , di ako nagtatanim ng sama ng loob . baka kasi lumaki sa katawan ko at mamunga .

" oks lang kuya .. ikaw naman yan eh , kung may isang tao sa mundo na pinagkakatiwalaan ko , ikaw yun kuya . yiieee kikiligin yan "

tanga naman nitong si kuya , kinilig nga .. grabe yung ngiti .

" huy , wag kang ganyan .. " sabi naman niya at hinampas ako . hala si kuya ..

" nababakla kana yata sakin kuya . sumbong kita kay mama ah .family stroke pala gusto mo " sabi ko naman kaya ginulo niya ang buhok ko . namiss ko to , dati noong medyo maliit pa ako , lagi niya tong ginagawa . pero ngayong magkasing tangkad na kami , hindi na niya magawa kasi kapagod naman abutin yung ulo ko .

masaya ako dahil alam kong meron akong kuya na tulad ni kuya ethan . siya yung kakampi ko simula nung umpisa .. kahit na half brothers lang kami ay alam namin sa sarili namin na yung bond namin ay tulad sa mga magkapatid na same yung pinanggalingan . kaya nga kahit minsan ay hindi ko ikinahiya si kuya kahit iba yung papa niya kahit na dati ay marami ang nangbubully at nanunukso sa amin na hindi raw kami tunay na magkapatid o kaya inipot lang daw si kuya ethan . masakit yon para sakin pero palagi lang akong sinasabihan ni kuya na wag pumatol at hayaan nalang sila . si kuya ethan talaga ang the best brother para sakin .

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon