Chapter 31

127K 8.9K 3.6K
                                    

"LOOK ONLY AT ME."

 

Hinawakan ni Jordan ang pisngi ko at marahan akong itiningala sa kanya. Nang magtama ang aming mga mata ay banayad na ngumiti siya.


Dahil sa ngiti na iyon ay parang nakalimutan ko na nasa paligid lang si Isaiah. Ilang segundo yata akong natulala sa kanya na parang tanga.


Kung di lang may sumigaw ay hindi pa ako matatauhan. Mula sa daan na papuntang canteen ay sumisigaw ang isang babaeng paparating. Nangunot ang noo ko nang makilala siya—si Lou.


"JM!"


Ni hindi siya nilingon ni Jordan dahil sa akin pa rin nakatuon ang matiim na mga titig ng lalaki.


"JM, kanina ka pa hinahanap ni Jillian. Sabay raw kayo dapat sa parents niyo na uuwi." Huminto si Lou sa mismong katabi namin. "Saan ka ba pumunta? Hindi ka nina makita kanina!"


"I've texted mom, sinabi ko na hindi ako sasabay ngayon," casual na tono lang nang sumagot si Jordan.


"Then, sumabay ka na lang sa akin kasi pupunta rin ako ngayon ng Tierra Nevada—"


Hindi na natapos sa pagsasalita si Lou dahil hinawakan na ako ni Jordan sa pulso saka hinila. Para akong papel na nagpatangay lang habang kukurap-kurap. 


Nang lingunin ko ulit si Isaiah ay nakataas pa rin ang isang kilay niya sa akin.


Naglalakad na kami ni Jordan pero hindi pa rin niya binibitiwan ang kaliwang pulso ko. Nang bumaba ang kamay niya sa kamay ko ay hindi rin ako nakaiwas.


Sinubukan kong silipin ang mukha niya nang tingalain ko siya. Kalmado lang ang ekspresyon niya.


Namalik-mata lang ba ako nang makita ko kanina na parang ang lamig ng mga titig niya?


Ipinilig ko ang ulo. Sumunod na lang ako sa kanya sa paglalakad. Sa likuran naman namin ay humahabol pa ng sigaw si Lou. JM nang JM sarap buhusan ng kumukulong tubig.


Muli kong tiningala si Jordan. "Saan ka galing kanina? Hinahanap ka raw pala ni Jillian."


"May ginawa ako."


Napanguso ako. Ano naman kaya ang ginawa niya? Nagtago?


Nang muli ko siyang tingalain ay nakatingin siya sa akin. Naglalaro ang isang ngiti sa mapula niyang mga labi. Inirapan ko naman siya.


Hinila ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya, ang kaso ay ayaw niya talagang bitiwan. "Ano ba? Friends lang muna, di ba?"


Lalo siyang ngumiti. "Yeah."


"Ow? Ganito ka makipagkaibigan? Sige nga, i-holding hands mo nga rin si Lou."


Nangingiti pa rin siya nang umiling. "Tara na. Gusto mo bang magmeryenda muna?"


"May gagawin pa akong assignment e." Legit na may assignment talaga ako. Nahuhuli ako sa subject na ito kaya kailangan kong magsipag lalo at kaunting buwan na lang, matatapos na ang klase. Ayaw kong magkaroon ng back subject.


"Anong assignment?" tanong niya. "Gusto mong tulungan kita?"


Napailing ako agad. "Keri ko na 'to!"



Gusto ko nga sanang magpatulong sa kanya kaya lang ay naiisip ko na baka hinahanap na siya sa kanila. Kahit ngayon lang, gusto ko muna sana siyang makauwi ng maaga.


South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon