Chapter 12

1.8K 61 0
                                    


--

Naalimpungatan ako sa ring ng cellphone ko. Napabangon ako at napatingin kay Jaid na nakayakap ang mga braso sa akin. Mahimbing siyang natutulog at bahagyang gumalaw ng bumangon ako.

Namula ang pisnge ko ng maalala ang nangyare kanina. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang ano niya sa akin, pakiramdam ko ay parang nandun pa din kahit wala na.

Tama nga ang sinabi niya. Mas may isasarap pa pala ang gatas.Kinutusan ko ang sarili ko dahil sa iniisip. Kinuha ko ang kumot at ipinag balot sa katawan ko bago kinuha ang phone ko na panay ang ring.

Nangunot ang noo ko ng makitang alas kwatro pa lang ng umaga. Bago ko sagutin ang tawag ay tinignan ko muna si Jaid bago nag lakad papunta sa veranda habang dala ang kumot na pinantakip ko sa hubad kong katawan.

["Mabuti naman at may balak ka pang sagutin"]

"Nagising nga lang ako sa ingay ng phone ko. Bakit ka napatawag? Bakit gising ka pa ng ganitong oras ha?"

Bumuntong hininga siya at natahimik saglit. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan kaya tinawag ko ang pangalan niya ["Can you come?"] napaayos ako ng tayo at napahigpit ang kapit sa kumot na nakapalupot sa katawan ko "Where are you?" nangunot ang noo ko ng makarinig ako ng iba't ibang boses.

["Nasa presento"]

"WHAT?!"

["Can you bill me out? Wala dito yung pouch ko, nasa kotse ko pero ayaw naman ako palabasin ng pulis dito. Akala siguro tatakas ako. Tsa! Sa ganda kong ito pag hihinalaan niya?! Nyeta. Mabuti nga lang at pinayagan nila akong makatawag kung hindi mag wawala talaga ako dito at pag sasapakin silang lahat!"] napanganga ako habang nakikinig sa sinasabi niya. Kung ikwento niya ang sitwasyon niya ngayon ay parang sinasabihan ka lang na kumakain siya ng paborito niyang pagkain.

"What the heck Jiel!? What happened?! Bakit ka nandiyan?"

["Mamaya ko na sasabihin. Puntahan mo na ako dito. I can't stay here any longer, babes"]

"Sige sige. Sandali lang, pupunta na ako. Text me the address"

[" Sige. Ingat ka sa byahe"] napa buga ako ng hininga at napailing dahil sa nangyare sa kaibigan ko. Marami akong tanong kung bakit napunta siya doon eh sa pag kakaalam ko nasa bahay siya ng parents niya.

Pumasok ako sa loob at sinara ang sliding door sa veranda. Napaigtad pa ako ng makita si Jaid na gising na at nakaupo sa kama habang nakatingin sa akin.

Ngumiti ako ng alanganin at lumapit sa closet ko para mag hanap ng susuotin "Where are you going?" tanong niya ng habang namimili ako ng damit. Tumingin ako sa kaniya "Sa presento" nag tataka niya akong tinignan "At this hour? What happened?" Lumapit ako sa kama malapit sa kaniya at kinuha ang twalya "Susunduin ko si Jiel" nanlaki ang mata niya at bahagya napaayos ng upo "What happened to her? I can call my attorney if you need one"

"Hindi ko pa alam kung anong nangyare sa kaniya pero hindi naman siguro kailangan pa ng attorney dahil hindi naman nag sabi sa akin si Jiel"

"Sasama ako sa'yo"

"Hindi na. Bantayan mo na lang dito si Mcervin at maya-maya ay magigising na 'yon."

"B-But"

"I can manage, Jaid. Itetext na lang kita kapag nandoon na ako, okay?" bumuntong hininga siya at napipilitang tumango "Akala ko pa naman may sunod na round pa" bulong lang 'yon pero hindi nakatakas sa pan dinig ko kaya nanlalaking mata ko siyang tinignan at hinampas sa dibdib.

"Loko 'to!" napanganga naman ako dahil sa sunod na inasta niya. Ngumuso ito at nag tatampong tumingin sa akin habang hinihimas ang dibdib na hinampas ko "Bad ka,Yvy!" anak ng! Anong nangyayare dito at parang sinapian ito ng bata!?

My Son's Billionaire Father Where stories live. Discover now