Chapter 18

117K 3K 188
                                    

I woke up feeling my head ache. Napasulyap ako sa gilid ng kama ko and I saw a glass of water, a medicine and a note. Imbes na kunin yun ay inirapan ko lang ito at bumalik sa pagkakahiga. Pinipilit ko ang sarili ko habang nakatulala sa kisame na wag kunin ang papel dahil baka mawala kaagad ang inis ko kapag kinuha ko yun. Pero hindi ako natahimik dahil gusto kong mabasa ang nakasulat sa note at masakit narin ang ulo ko. I glanced at it again. I groaned and took the paper.

I don't know if you'll be needing this but I'll put it here just in case.

I'm sorry.

Walang nakalagay na pangalan pero alam ko kung kanino galing to. Sino pa namang ibang tao ang maglalagay nito? Maliban nalang kung concerned na sakin si Maris. Naalala ko nanaman ang nangyari kagabi. Why did I said those things to Keith? Then I remembered that Maris was inside his room. Hindi. Tama lang na sabihin ko yon sa kanya. Wala naman talaga dapat akong pakealam.

Ininom ko na ang gamot at humiga ulit. Hindi ko namalaya kung ilang oras pa akong nakatulog bago bumangon. Bubuksan ko na sana ang pinto upang lumabas nang marinig ko ang boses ni Keith.

"No. I will never talk to that man." He said calmly. I don't want to eavesdrop pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makaalis dito sa pinto.

"Pero Kiko, matagal na siyang nagsisisi sa kasalanan na nagawa niya." Si Maris? Sino kayang pinag uusapan nila?

"I don't care."

"He's not getting any younger Kuya. Kelan mo pa mapapatawad si papa? Kapag namatay na siya? Please forgive him." Kuya? Papa? Sino kayang pinag uusapan nila? Si Mr. Dawson ang tatay ni Keith di ba, so kapatid nila si Maris?

Hindi ko na narinig na sumagot si Keith kaya naman lumabas na ako. Sabay silang lumingon sa akin. Keith smiled and Maris just rolled her eyes at me. I don't know what I should react so I just nodded my head. Dederetso sana ako sa labas para magpahangin at makalayo sa kanila pero agad akong pinigilan ni Keith.

"Eat your breakfast Karina. It's already 10pm at wala pang laman ang tiyan mo." Tinitigan ko lang si Keith.

"Uuwi na ko." Tumayo si Maris at naglakad palabas, bago siya makaalis humarap siya ulit kay Keith. "Kiko, just in case you change your mind, you know where to find us."

Naglakad na ako palapit kay Keith at umupo sa tabi niya. Nginitian naman niya ako ulit pero hindi yun abot sa mga mata niya.

"Are you okay?" Tumango naman siya sakin. Parang ayoko naman siyang kulitin kahit sobrang curious na ako.

"You heard us right?" Maya-maya ay tanong niya sakin. Tumango naman ako sa kanya. Yumuko ako. Nakakahiya nalaman pa niya. I heard him chuckle. "It's alright.

"Uhm Keith totoo ba na.." Hindi ko natapos ang tanong ko dahil bigla siyang tumingin sakin kaya nahiya ako bigla.

"Yes. She's my sister." Nagulat naman ako sa sinabi ni Keith. Akala ko dalawa lang silang magkapatid ni Krisandra. "I mean half sister. It's a long story." He shrugged.

So may kapatid sa labas sila Krisandra at Keith? Ngayon ko lang nalaman na nagkaanak pala sa labas si Mr.Dawson. Ilang taon na kaming magkakilala ni Krisandra hindi ko akalain na marami pa pala akong hindi alam tungkol sa kanya.

"Stop it." Napatingin ako kay Keith dahil parang medyo irita na siya. "Stop thinking about it."

"Sorry." Napayuko nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Parehas kaming tahimik at nagpapakiramdaman sa isa't isa. Then I heard him sigh.

"Krisandra is not really my sister." Napakunot noo naman ako. "I'm adapted. I'll tell you my story at the right time okay?" I just nodded my head and smiled at him.

Tamed by the Billionaire (LOB series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon