. . . ⇢ 022 ˎˊ˗

303 24 4
                                    

━━ jasmine's.

mag-isa lang ako, obviously. pinapanood ko lang ang bawat taong dumadaan sa harapan ko habang nakaupo sa loob ng malaking opened tent. ang ilan sa kanila ay kilala ko pa pero hindi ko sila ka-close kaya nananatili akong tahimik.

after all, siya lang naman ang kaibigan ko noon.

i heaved a deep breath. sa totoo lang kinakabahan ako sa bawat taong nakikita ko. natatakot ako na baka ang isa sa kanila ay siya. ayoko siyang makita kasi nabwibwisit pa rin ako sa ginawa niya, pero hindi ibig sabihin non nasasaktan pa rin ako.

naiinis lang ako kasi nangako siya tapos..

.. tapos hindi naman pala niya tutuparin.

tsk. bakit ba may mga ganung tao? bakit kailangan pa nila mangako tapos mapapako lang pala? hindi ba sila aware na may mga umaasa at nasasaktan? yawa sila.

napailing-iling ako at marahang sinampal ang sarili. aish, self. forget him, magpanggap ka na lang na hindi siya nage-exist sa buhay mo. libangin mo ang sarili mo at 'wag siyang isipin ng isipin.

pero paano nga kung makita ko siya dito?

iritado akong napatayo ako, naiinis sa sarili ko. gusto ko siyang kalimutan, kahit ngayon lang. pero bakit ang hirap?

"are you okay?"

gulat akong napa-angat ng tingin at nanlaki ang mga mata nang makita si jay. nagulat din siya nang makita ako at mukhang may sasabihin pa sana sa akin pero agad akong tumakbo palayo sa kanya.

mas lalo akong kinabahan.

kung nandito si jay for sure nandito din siya.

sa pagtakbo ko ay hindi ko maiwasang magpalinga-linga sa paligid, hinahanap siya hindi dahil sa gusto ko siyang makita kundi para alam ko kung kailan ako magtatago sa tuwing nandiyan siya malapit sa akin.

nakarating ako sa kabilang opened tent at doon ay umupo. nakikita ko mula dito si jay na ngayon ay may hawak na phone. hindi rin nagtagal ay may lumapit sa kanyang lalaki at sa pagharap nito sa direksyon ko ay siya namang pagkabog ng puso ko.

napaawang ang labi ko, natulala habang nakatitig sa lalaking kasama ni jay. hindi naman ako ganun kalayo sa kanila pero dahil maraming tao sa tent na 'to ay hindi nila ako mapapansin kaagad. pero sila, kitang-kita ko mula dito.

lalo na siya.

matagal akong natulala, pinagmamasdan siya at masasabi kong ang laki ng pinagbago niya. mas lalo siyang naging gwapo- este pangit sa paningin ko. pero seryoso, siya na ba 'to? bakit mukha siyang model? model ng trashcan?

heeseung pa-share naman ng secret sa pag-glow up ng bongga!

ay charot galit pala ako sa kanya, tsk.

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon