. . . ⇢ 025 ˎˊ˗

306 24 15
                                    

━━ heeseung's.

"hoy!"

nabalik ako sa aking sarili nang maramdaman ko ang paghampas ni jay sa akin at malakas 'yon. sinamaan ko siya ng tingin kasi bigla-bigla siyang nanghahampas e hindi naman siya inaano. grr, gigil niya 'ko ha.

"ano na naman ba, jongseong. tantanan mo nga 'ko, kanina ka pa nananakit." angil ko sa kanya na ikinangiwi niya.

"parang ngayon lang kita hinampas? pinagsasabi mo diyan." dahilan niya pa.

pero hindi ko na lang siya pinansin. oo, ngayon niya lang ako hinampas pero hindi niya alam na sa bawat pang-aatake niya sa akin kanina, nasasaktan na 'ko. nasasaktan ako kasi lahat 'yon totoo.

oo na, ako na makasalanan.

"ayan na kutsara mo!"

napatingin ako kay jay nang iabot niya sa akin ang maliit na shovel, napakunot ang noo ko. "anong kutsara ka diyan? kailan pa naging kutsara ang pala ha?" tanong ko sa kanya pero hindi ako pinansin ng mokong.

naghuhukay na kasi siya ngayon kaya napabuntong hininga na lang ako at isinuot ang gloves ko. kanina pa kasi kami nakatayo habang pinapakinggan ang bawat pinagsasabi ng host at ngayon, pinagsisimula na kami sa paghuhukay.

buti nga natapos pa e, akala ko buong talambuhay na niya ang gusto niyang sabihin.

bago ako magsimulang humukay ay napasulyap pa 'ko sa tabi ko. may nakatusok don na papel at nakalagay dito ang pangalan niya. napatingin ako sa paligid at napakunot ang noo.

nasaan na siya? hindi niya ba huhukayin 'yung sa kanya?

"'wag ka na umaasang makikita mo siyang maghuhukay katabi mo, ayaw ka non makita." rinig kong komento ni jay na nasa tabi ko.

gusto ko sana magdahilan pa kasi nagsisimula na naman siya sa pang-aatake pero nanahimik na lang din ako at nagsimulang maghukay. tama naman kasi si jay e, hindi 'yon magpapakita dahil alam niyang nandito ako.

pero sa aking gulat ay isang iritadong boses ang narinig ko mula sa aking tabi. dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at doon ay nakita siya sa tabi ko, padabog na naghuhukay.

jasmine..

"alam kong maganda ako pero 'wag mo 'kong titigan kasi staring is rude you know?"

muli pa 'kong nagulat nang magsalita siya at tumingin sa akin. nakapoker face siya at mahahalatang bad trip siya. habang ako ay hindi maiwasang tumitig sa kanya.

ang laki na ng pinagbago niya, mula ulo hanggang paa. at kung dati sobrang payat niya na tipong kulang na lang malapit na siyang liparin ng hangin, ngayon ay kahit papano masasabi kong normal na ang pangangatawan niya.

tapos parang dati puro kalat-kalat na chocolate 'yung nasa labi niya, ngayon ay lipstick na. mukha na siyang tunay na babae at hindi na mukhang batang siga na akala mo laging naghahamon ng away noong elementary pa kami.

ibang-iba na siya.

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon