XLVII

1.4K 134 22
                                    


MARSELA MARI GUIA

"So, kamusta kana?"

Saglit ko lang siya nilingon bago ibalik ang atensyon sa dalawang babaeng masinsinang nag-uusap sa harapan namin. "Okay naman." wala sa sariling sagot ko.

"Buti at nakarating kayo agad dito." sambit pa niya bago sumandal sa pader.

Isang tango lang naman ang tinugon ko sa kanya at saka iniwas ang tingin kina Abby. "May dinala din kasi kami dito sa Hospital, sakto naman na nabalitaan namin ang nangyari kay Rans." mahinang sagot ko sapat lang para kaming dalawa lang ang magkarinigan.

Kahit hindi ko siya tingnan, kitang-kita ko sa peripheral vision ko ang dahan-dahan niyang paglingon. "Nasira daw kasi ang brake ng sasakyan niya. Imbes makabunggo pa siya ng ibang sasakyan at makadamay, mas pinili na lang niyang ibundol sa punong nakita niya ang sasakyan." mahabang kwento niya.

Hindi naman ako sumagot at mas piniling itikom ang bibig dito. Ganyan si Justin, ugali na niyang magkwento kahit na hindi ka pa nagtatanong. Kaya siguro nagkasundo kami noon dahil madaldal siya, habang ako gusto ko sa mga taong maraming nakukwento.

"Tinawagan daw ng mommy ni Rans si Abby, kaya namin nalaman ang nangyari sa kanya." sagot ko pa.

Nang malaman ko kanina ang nangyari, hindi na ako nagdalawang na samahan siya dito. Tutal dadalhin din naman namin yung bata. Iniwan muna namin saglit si ate  at kuya kasama nung sanggol dahil nga pinuntahan namin si Rans. Expected ko naman na mabubungaran ko dito si Justin.

Siguro, ang hindi ko lang in-expect ay ang reaksyon ni Abelaine.

"Hindi pa kasi alam ni tita ang nangyari kina Rans at Abby." he immediately replied. "Pero ngayon, alam na niya. Alam narin nilang ako na ang boyfriend ni Rans." mabilis naman akong napalingon sa kanya ng huminga siya ng malalim. "Ako 'yong boyfriend pero 'yong ex ang hinahanap." then he pout.

Hindi ko naman napigilan ang pagtawa ko. Mahina lang naman kaya hindi rin narinig nung dalawa. "Baka kasi hindi sila boto sayo para sa anak nila." pang-aasar ko pa.

Tinaasan lang niya ko ng kilay dahilan para mas lalo akong mapahagikhik. Sa matagal na pagkakakilala ko sa kanya, hindi ko pa siya nakakitaan ng ganito. Ngayon pa lang.

"Wag mong sabihin na papayag ka? Na si Abby parin ang gusto nila para kay Rans." taas kilay niyang tanong sa'kin.

Mabilis na nabura ang pagkakangiti sa labi ko at tinaasan din siya ng kilay. "May sinabi ba kong papayag ako? May narinig kaba?" mataray na tanong ko

Ngumisi lang sa'kin itong loko bago ako irapan. "Wala" he simply said.

Napatawa ako. Parang basag ee. Para akong nakikipagtarayan sa bading.

Namayani na ang katahimikan sa'ming dalawa. Tanging boses lang ni Abby at Rans ang maririnig ngayon dito sa kwarto. Iniwas ko na lang ang tingin sa kanilang dalawa at binuksan ko na lang ang cellphone ko. Baka kasi nagtetext na si ate.

"Retreat namin bukas." he started again. "Pero mukhang hindi ako makaka-attend."

Saglit ko lang siyang tiningnan bago muling ibalik ang atensyon dito sa phone ko. Nagbukas na lang ako ng social media accounts ko.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon