Chapter Two

120K 4.8K 7.1K
                                    

“A-Ano?” nauutal na tanong ko habang nakatitig sa kanya.

“Sabi ko... Kung pwede bang mangupahan sa 'yo? Kung ayaw mo, edi don't,” bulong n'ya sa huling sinabi.

“Talagang don't!” I sighed and massaged my temple. “I'm sorry but I won't accept a male tenant... Now, please leave,” I said and raised my eyebrow.

“Bakit? Bakit bawal ang lalaki? May gender inequality bang nagaganap dito? Saka mukha ba akong masamang tao?” tanong n'ya saka itinuro ang sarili n'ya.

“I don't judge people by their appearance... So please, leave. Hindi ako papayag na mangupahan ka sa 'kin,” masungit na sabi ko.

Akmang isasara ko ulit ang pinto pero nanatiling nakaharang ang kamay n'ya ro'n. Napabuga ako ng hangin at nakapamaywang na tumingin sa kanya.

“I said I won't accept a male tenant and that's final... What else do you need?” My forehead furrowed.

“Sabi ng mga kapit-bahay rito matulungin ka raw. Parang fake news naman. Wala na nga akong matirhan tapos ayaw mo pa 'kong mangupahan sa 'yo,” tila nagpapaawang sabi n'ya.

“Hindi ako matulungin. Tinutulungan ko lang ang mga taong kilala ko at mahahalaga sa akin. So, pwede ka na bang umalis? Dahil wala akong balak paupahin ka rito,” nakakunot-noong sabi ko.

I gasped when he suddenly entered my house without my permission. He roamed his eyes around my place and sat on my couch. Napabuga na lang ako ng hangin dahil parang siya ang may ari ng bahay ko kung makaasta.

Padabog na umupo ako sa sofa na malapit sa kanya at inimis ang mga gamit ko. Inayos ko ang buhok ko saka muli siyang hinarap na nakatingin lang sa akin habang prenteng nakaupo.

Sasakyan ko muna ang trip n'yang 'to.

“So, Cadence... I need your valid ID or birth certificate first,” I said and raised my eyebrow.

He grinned and gave me a brown envelope. Kinuha ko na lang 'yon at tiningnan ang nasa loob. May birth certificate nga siyang dala at driver's license.

“Cadence Dimagiba? That's your full name?” I asked and looked at him.

He smiled and nodded. “Yes, Ma'am. Cadence ‘Pogi’ Dimagiba,” he said and wriggled his thick eyebrows.

I rolled my eyes at him. “Ano'ng trabaho mo?” tanong ko pa.

Inangat n'ya ang susing hawak n'ya. “Tricycle driver,” agad na sagot n'ya.

Tricycle driver? Mas bagay sa kanya ang maging model... I just shook my head and cleared my throat. What the hell am I thinking?

“Pero h'wag mong isipin na isa lang akong simpleng tricycle driver,” pahabol n'ya.

Napakunot ang noo ko. “Bakit? May iba ka pang trabaho?” tanong ko.

Umiling siya. “Isa akong sobrang gwapong tricycle driver,” nakangising sabi n'ya saka napahawak pa sa baba n'ya.

I took a deep breath to calm my nerves. Based on his birth certificate, he's already 37 years old... but this man is immature just like my 15-year-old students.

“Pero ito seryoso... Secret lang natin 'to ha,” bulong ni Cadence saka bahagyang lumapit sa akin. “Ang totoo n'yan, dati akong nerd pero nalaman nila na anak ako ng isang mafia boss kaya nagtatago ako,” dagdag pa n'ya.

I bit my lower lip and rolled my eyes. “What kind of gibberish is that? Ano ba'ng klaseng novels ang binabasa mo at gan'yang kalala ang pag-iimbento mo?!” nakapamaywang na tanong ko.

Boundless Possession (SERIE FEROCI 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon