C40

925 96 0
                                    

Frances Pov

Nakarating na kami ng U.S at kasalukuyang papunta na sa hotel na malapit lang sa pinag iistayan nila ate brei ,. Kasama ko ngayon si coco medyo hindi maganda yung napag usapan namin nakaraan pero okay naman na kami nag usap na tungkol doon.

Nag sorry na siya sa akin at ipinangako niya na hindi na yun mauulit pa kahit kailan at ako din naman nagsorry na sa kanya dahil sa ilang beses ko siyang nasampal.

"Ut ut? Ang tahimik mo hindi ako sanay na ganyan ka? Ano ba iniisip mo at kanina ka pa talaga tulala dyan?" Ani ni coleen sa akin napailing nalang ako sa kanya at tsaka nginitian siya.

"Napagod lang siguro ako sa byahe ut ut kaya tara na sa hotel gusto ko munang magpahinga ,. Anong oras ba yung game 2 ng finals mamaya?" Tanong ko sa kanya patuloy pa din kami sa paglalakad at paghila nung maliit na maleta namin.

"Mga 10am pa yung start kaya may dalawang oras pa tayo para makapag pahinga,. Hmp tara na" aya niyang muli at tahimik na lang kaming naglakad ,. Maya maya ay nakarating na kami sa hotel nagtungo muna ako sa may banyo upang maghilamos at magbihis na din.

Naghilamos na ako at basang basa na ang mukha ko pati yung ulo ko diretso lang akong nakatingin sa may malaking salamin sa banyo.

Flashback

"Nak?! Anong oras yung flight niyo ni coco bukas? Anyway dalhin mo tong bagong sapatos na binili ko sa ate mo pam pa lucky charm lang" saad ni daddy nasa hapagkainan kami ngayon at hindi pa nga nakakadating si mommy masyado sigurong madaming ginagawa sa kumpanya kaya late na naman siyang makakauwi.

"Mga 4am pa dad,. Sige ilagay ko nalang po yan sa hand carry ayun lang po ba ipapadala niyo? Hmp kayo po ni mom hindi  po ba kayo manunuod ng game nila ate?" Tanong ko napangiti nalang si dad ng mapait argh sana di ko nalang tinanong mukuang alam ko naman na yung sagot sa tanong ko.

"Your mom and i will try to watch anak pero baka mga game 4 or 5 pa siguro medyo hustle pa yung sched namin ng mommy mo eh,. I goodluck kiss mo nalang yung ate brei mo para sa amin okay?" Ani ni daddy bigla namang bumungad si mom sa may pintuan at dali daling lumapit na sa amin.

"Oh anyare hon? Bakit ngayon ka lang dumating akala ko ba sabi mo maaga kang makakauwi ngayon?" Saad ni daddy napabuntong hininga nalang si mommy at tsaka naupo na sa may upuan.

"Ah sobrang traffic kasi hon,. May na car accident kasi sa highway na dinaanan ko at mukhang lasing yung driver kaya ayun ang laking perwisyo sa daan nung sasakyan kaninang umaga pa daw yun nandoon at hindi pa nakukuha yung sasakyan hanggang ngayon"  ani niya at tumayong muli upang maghugas muna ng kamay may pinggan naman na nakalatag sa may lamesa.

"Ay ganun ba hon o siya kumain kana ngayo maya maya pala ay pupunta ako ng hospital nandun kasi si kumpareng armando kaya dadalawin ko muna sa GJMH" ewan ko ah pero hindi maganda yung kutob ko ngayon well parang nakaramdam ako ng pag alala as well as curious ako sa nakwento ni mom.

"Mom?! Alam niyo po ba yung plate number nung na aksidente?" Nagulat naman si mom sa biglaang tanong ko ewan curious ako eh bakit ba?

"Ahm i think it was FJI-0945-4272 ganun ang plate number nak at mamahalin yung sasakyan niya ah , hmp sa pagkakarinig ko din sa police kanina ay yung biktima daw ay may ari ng GJ Medical Hospital which is baka dun na din siya dinala" ani ni mom na ikinagulat ko damn hindi ako pwedeng magkamali ito yung plate number ng daddy ni jaydee.

"Dad can i go with you po? May dadalawin lang din po ako na kaibigan ko sa GJMH" turan ko at napatango naman dahil doon si Daddyn

"O sige nak walang problema" Maikling rebat niya sa aki.


One hour later

Nakarating na kami sa may GJ medical hospital at humiwalay na muna ako kay dad ,. Di ko maintindihan kung bakit ko ba to ginagawa ngayon wala naman na dapat akong paki sa tatay ng ex ko pero hindi ko pa din maiwasang hindi mag alala.

Ichicheck ko lang muna yung kalagayan niya and then aalis na ako agad pagkatapos nun.

"Ah miss anong room po ba yung naka admit yung lalaking na car accident po kaninang umaga lang?" Tanong ko sa may nurse tinignan niya naman yung hawak niya at hinanap yung tinanong ko.

"VIP Room 072 po ma'am kay Mr. Garcia" ani niya naman kaya nagpasalamat na ako at nagtungo na ako doon , laking gulat ko naman ng makita si jaydee sa may loob ng room ng dad niya pati din si mamita.

Damn kelan pa siya nakabalik ng pilipinas? Tanga Frances baka ngayon ngayon lang din mas magulat ka kung hindi siya umuwi ngayon na ganyan ang kalagayan ng dad niya.

Nagulat naman ng biglang may humawak sa may balikat ko at nabigla ako ng makita si daddy.

"Hmp., Gusto mo bang pumasok anak? Kamustahin mo nalang dahil hindi maganda yung silip ka lang ng silip dito sa labas" sabi ni daddy pero napailing nalang ako sa kanya ,. Mukhang masama ang lagay ni tito ngayon pero im hoping for his fast recovery.

"Mahal mo pa siya anak no?" Napalunok nalang ako sa biglaang tanong ni daddy sa akin at naglakad na kami palayo doon.

"Tapos kana po ba dad? Uuwi na po ba tayo? Hmp baka hinahanap na din tayo ni mommy" Pag iiba ko ng usapan napangiti nalang siya ng mapait dahil sa naging sagot ko.

"Kahit hindi mo sagutin yung tanong ko frances ,. Alam ko na yung sagot basta nak ang maipapayo ko lang sayo ay sundin mo yung mga bagay o anuman na sa tingin mo ay magpapasaya sayo,. Jaydee has been good to us and also para sayo pero hindi ko pa din maiaalis yung doubt na niloko ka niya,. It was your choice this time nak alam kong meron nang kayo ni kielle pero kung hindi ka naman masaya talaga sa kanya its better to let go kielle bago pa siya masaktan ng lubusan" seryosong sabi ni daddy at inakbayan niya ako tsaka naglakad na kami papuntang parking lot.

I don't know kung ano ba talaga ang dapat kung gawin., But isa lang ang sure ako sa ngayon im happy to see you jaydee.

End of the flashback

"Frances?! Uy tara na magsisimula na daw yung game 2 ng finals bilisan mo na at para may maupuan pa tayo doon sobrang dami daw ng tao ngayon at halos mapuno na yung court" sabi ni coco agad ko naman na binilisan yung paglagay ko ng mga gamit sa may bag ko.

Medyo napahaba ng unti yung pagpapahinga ko at dumagdag pa yung mga iniisip ko ngayon.

Nakadating na kami ng court at punong puno na nga ang mga upuan ngayon nagsimula na din yung laban at lamang ng sampo yung kalaban nila ate brei sa score na 17-7.

"Hey?! Coleen and frances right? Wala na kayong mauupuan dyan kaya sama nalang kayo sakin may upuan pa dun sa VVIP kaya tara na" sabi ng isang pamilyar na babae , siya lang naman yung kasama ni jaydee nung birthday ni ate abby.

Ano kayang namamagitan sa kanilang dalawa? Sumunod nalang kami sa sinabi niya dahil wala naman na kaming choice.









Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now