Chapter 40

23.7K 764 49
                                    

"Find a man who will look at you
like you're the prettiest woman he ever met."

HINDI ko mapigilan ang luha ko. Kanina pa ako umiiyak at nagrereklamo na ang make up artist dahil nasisira ang make up ko.

"Maleha, you looked like a mess. Ikaw dapat ang pinaka maganda ngayong araw na 'to because it's your day." Sabi ni Cath na malapad na nakangiti sa akin.

"Kasi naman... kasi... akalain ko ba na sa dinami daming pinagdaanan ko like pain, aabot pala ako sa puntong ito. Ako na yata ang pinakamasayang babae ngayon." Sabi ko.

"Ganyan na ganyan din ang naramdaman ko noong ikinasal kami ni Lucio. Ganyan talaga, Maleha. Iba talaga sa feeling iyong makasal ka sa taong mahal mo na alam mo ring mahal ka. After all the pain you felt before, you deserve to be happy."

Huminga ako ng malalim. "Thank you, Cath. Thank you for staying as my good friend."

Sila lamang nina Sam at Rocky ang invited sa kasal ko. My ex boyfriend... Jero, wala na akong contact sa kaniya o anumang balita. Wala rin naman akong balak na ayain siya sa kasal ko dahil baka magwala lang si Arion. And Kelly... I ended our relationship as friends. Hindi ko na ma-imagine ang sarili ko na makipag-plastikan sa kaniya.

Sina Sam and Rocky, they are both okay. We are in good terms. They are still my friends.

Pilit kong kinalma ang sarili ko para hindi na ako maiyak. Baka mamaya pumangit na ako kakapatkng ng make up sa mukha ko.

"You don't have to thank me, Maleha. You've been a good friend to me, too." Aniya. "At super happy ko na hindi lang pala ako ang nakabingwit ng Palermo. Ikaw rin. Bestfriend goals ba 'to?" Tumawa siya.

Natawa nalang din ako. "Sino rin bang mag-aakala na sa isang Palermo pala ako babagsak. Alam mong binuo ko na ang future ko with Jero pero hanggang plano lang pala 'yon. We really never know. Iyong akala natin na para sa atin na, hindi pa pala. And I am so happy to be with Arion. I love him so much, Cath."

"Mas mahal na mahal ka ni Arion. Kaloka! Siya talaga 'yung patay na patay sa 'yo. Siguradong makamandag ang halik mo, girl."

"Aayaw pa magpatuklaw, gusto din naman pala." Biro ko.

Napatigil kami sa pag-uusap nang sumilip ang event organizer.

"Excuse me, bride, please get ready. The entourage will start on five minutes."

Tumango lamang ako. Saktong natapos na ang make up artist sa pag-aayos sa akin.

"Go girl, you need to wear your gown na. I'm gonna go outside na. Ayoko munang makita ka nang naka-gown. Mas maganda mamaya sa entourage para may thrill." Cath smiled. "I am truly happy for you, Maleha."

Ngumito ako sa kaniya saka siya tinanguan.

Inalalayan ako ng staff na magsuot na ng gown. I am ready. Ilang minuto nalang ay magiging ganap na akong Palermo. Matutupad na pangarap ni Arion. Kung sabagay, hindi pa man ako Palermo, inangkin na niya ako.

Nang maisuot ko ang gown ay  may inayos pa ang staff tulaf ng laylayan at kung ano ano pa. Isinuot din nila sa ulo ko ang belo.

Kapag hindi ko nakitang umiiyak si Arion habang naglalakad ako sa aisle, salamat nalang sa lahat talaga.

I wanted him to admire me while wearing this white gown dahil ito ang sumi-simbolo na magiging misis na niya ako.

Kinapa ko ang baby bump ko. Bukod sa maikasal kay Arion, excited na din ako sa paglabas ng baby namin. Sino kayang kamukha? Sana ako naman para makita kong patay na patay talaga sa akin si Arion.

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon