Chapter 9

163 12 3
                                    


Masama ang pakiramdam ko kinabukasan pero pinilit kong pumasok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Masama ang pakiramdam ko kinabukasan pero pinilit kong pumasok. Nakayanan kong makipagpalitan ng ngiti at nagawa pang makinig sa klase. Nang magtanghalian, sobrang bigat na ng pakiramdam ko tipong hinihele ang buong katawan at gustong matulog. Pero nanatili akong dilat at nakikinig sa sinasabi ni Bethanie.

"Iyon ang gagawin mo sa Friday."

Sumubsob ako sa mesa pagkatapos tumango. Nagpatuloy siya sa sinasabi at hindi ko na naintindihan dahil nakaiglip ako. Nagising lang ng tumunog ang bell. Pabalik ay parang lumulutang na ako. Blur na sa akin ang bawat klase. I could felt the sweat on my forehead and nape. I felt hot! Sinusuwerte pa at may group activity na naman na kailangan ipasa na rin ngayon. Napagkasunduan nila Annie na huwag ng dalhin sa bahay ang gagawing group work.

Pumayag ako.

Bukod sa tutulugan ko lang iyon, hindi na talaga gumagana ang utak ko ngayon. In short, nakatulog ako at hindi namalayan ang oras. Maraming miss call si Bethanie pero hindi ko nasagot. Niyugyog lang ako ni Annie, doon nila napansin na masama ang pakiramdam ko.

Nag-offer silang ihahatid ako, ngunit mabilis na umiling.

May pangtawag naman na ako. I can call Daryl or Bethanie. But something was not right with me aside the fact that I am sick. When I reached the gate, I just stood there while staring blankly at space. May mga nagdaang tricycle ngunit hindi ako sumakay. Gusto ko ng mahiga at matulog, pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit narito pa rin ako?

Huminga ako nang malalim bago nagpasyang tumayo.

I scratched my left arm when it felt itchy. Natamaan ko ang namamaga roon. Ngumiwi ako at napapikit. "Damn it!"

"What is it?"

Napalingon ako sa biglang lumapit. Nang makilala ito ay agad lumukob ang nagtatagong emosyon sa akin. Hinaklit ko ang braso ko, bahagyang umatras palayo sa kanya. What was he doing here anyway?

Ngunit masyadong matigas ang hawak niya sa braso ko. Ngumiwi ako ng mapiga niya iyon. I cried in pain as I watched him removed the button of my sleeve and saw it. Right. How weird the weather was tropical and here I am wearing a long sleeve shirt uniform.

"Where did you get this?" Nangunot ang noo niya ng magkatitigan kami. Tila alam na masama ang pakiramdam ko kahit hindi ko sinasabi. Dumapo ang mainit niyang palad sa noo ko. Nagmura siya nang umiwas ako sa kanya. "You are so very hot, Dahlia," his voice boomed.

Kung sa ibang pagkakataon, baka biruin ko siya at tumawa pa. Ngunit walang ganoon na emosyon, bukod sa masama ang pakiramdam ko ay literal na uminit din ang ulo ko.

"Anong pakialam mo!" It shouldn't be a scream but it turned out one. I don't know to myself then I felt the tears forming in the brim of my eyes. Gosh! Not now, please. I don't want to look weak in front of him.

Burning touchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon